Veinte: The End times are close at hand

3 1 0
                                    

Umaga na naman at papasok na sana ako ng eskwelahan ng bigla akong pinigilan ni Nanay.

"Nak, Tutal sabado bukas samahan mo kami. Mukhang may announcement si Mave sa eskwelahan namin." Natawa ako ng bahagya dahil simula ng may mangyari ay Mave nalang ang tawag ni Nanay kay Mr. Mave.

"Osge, Nay." May announcement si Mr. Mave. So Mangyayari na pala ang litrato nila na kinuhanan ko.

Umalis na ako at nakadating ng eskwelahan. Saktong pagdating ko ay dumating din si Mr. Marquez. Everytime na makikita ko sya o si Newt ay hindi ko mawala sa isip ko ang posibleng involvement nila sa nangyari kay Angge.

"Johan, nakauwi naman kahapon si Yssa dba?" Pabulong na tanong ni Mark.

"Oo, sabay sabay kayo dba? Pansin ko din na wala sya, baka naman hindi lang agad nagising"

"Hindi ganyan ang pagkakakilala ko pero baka nagbago sya simula ng makasama nya ulit si Tony."

Halata pa kay Mark na may gusto pa din sya kay Yssa. Well,ganon talaga, hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin. May mga bagay talaga na hindi para sa atin.

Dumaan ang buong araw at hindi namin nakita si Yssa. Tinext namin pero wala syang reply.

"Wala pa din" Nag-aalalang tanong ni Mark.

"Wala pa din e. Baka nag kasakit. Gusto nyo puntahan natin sa kanila?" Suhestiyon ko.

"Tinext ko na din si Tony at di din nya daw alam kung nasaan si Yssa." Biglang sabi ni Teban.

Pumunta na kami sa bahay nila Yssa para itanong kung asan sya. Pagkadating namin ay saktong nadatnan namin ang katulong nila.

"Ate, Good Afternoon, Andyan ba si Yssa?" Tanong ni Mark.

"Uhhhh. Sir.. uhhhh. Wala po sila dito.. nasa ano po.... Nag abroad.. biglaan po. Sige, pasok na po ako." Sabi ng katulong nila Yssa.

"Suspicious." Tama ang sinabi ni Teban. Kahina-hinala. Bakit biglang mag abbroad si Yssa ng hindi man lang nya sinasabi samin?

"Uwi mo na tayo sa ngayon. Wala tayo magagawa kung titingin lang tayo dito sa labas ng bahay nila." Suhestiyon ko at umalis na kami.

Kinabukasan ay nagready na ako dahil pupunta kami sa F.E.S, Fernando Elementary School, pagkatapos ng matagal na panahon ay makikita ko ulit si Mr. Mave. Mabuti pang dalhin ko ang kamera ko at subukan kong kuhanan sya ng video.

Ilang oras lang at nakadating nakami nila Nanay. Binati ko ang mga guro na nakakasalubong namin.

"Nay, musta naman? Musta ang pag handle mo pag nakikita mo sila?" Tanong ko kay Nanay habang hinihintay ang iba pang mga audience ni Mr. Mave. Nasa gym kami ngayon at dito nya gaganapin ang speech nya.

"Kaya ko pa naman. Pero baka next year mag resign ako." Nagulat ako dahil isa sa kasiyahan ni Nanay ay ang pagtuturo tapos ngayon sasabihin nya na mag reresign sya? Di katanggap tanggap.

"Nay, kung mapapatunayan ko before matapos ang next pasukan na guilty sila, mag reresign ka parin ba?"

"Hindi ko pala naikwento sayo, ang busy mo kasi e. Mag reresign ako dahil lilipat ako ng ibang eskwelahan, mas mataas ang sweldo at mas malapit sa bahay natin, isasama ko din si Nathan doon." Biglang napanatag ang kalooban ko noong sinabi nyang lilipat lang sya ng ibang eskwelahan.

"May mas malapit na eskwelahan sa atin? Bakit di ko alam?"

"Youth Elementary School. Hindi mo siguro alam dahil nasa kabilang way sya ng daan natin. Hindi mo talaga kasi makikita at malalam iyon dahil eskwelahan-bahay ka lang e." Nagtawanan kami ni Nanay. Buti nalang kahit papaano ay masaya pa din si Nanay. Itong kapatid ko naman ay puro cellphone simula pa noong makadating kami dito.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon