Ocho: Take. The. Hint.

10 3 0
                                    

Lumipas ang hell week naming mga estudyante at nag announce na sa susunod na linggo na magaganap ang camping trip namin. Habang excited ang mga kamag aral ko, kaming mag kakaibigan ay sinusubukang kaibiganin si Angge. Mahirap kaibiganin si Angge dahil puro aral lang ito, gusto din naming sabihan ang mga kaibigan nya ngunit sabi ni Yssa ay di na kailangan yun, di na kailangan malaman pa ng ibang tao ang sikreto nila, noong una gusto naming tumanggi sa suhestiyon nya ngunit bandang huli ay nagpatalo na lang kami. Ngayong araw rin na ito ay sisimulan na ni Yssa ang pakikipag kaibigan kay Angge.

"Angge, gusto mo sumama samin mamaya? Pupunta kami sa Mall, You know, to buy stuffs for the Camping Trip" Aya ni Yssa.

"Sorry, pero hindi ako interesado sa mga ganyang bagay, kung pwede lang talagang di sumama ay di ako sasama" pag katapos magsalita ni Angge ay parang nagkaroon ng bumbilya sa taas ng ulo ko dahil bigla akong nagka idea na kung di makakasama si Angge sa Trip ay ibig sabihin ay di mangyayari ang lumitaw sa kamera ko.

"Okay, naiintindihan namin." Liningon ko naman ang mga kaibigan ko at sinenyasan na umalis na.

"What's that about? Kailangan nating kaibiganin si Angge" Kumento ni Yssa.

"Mahirap syang kaibiganin, pero kung makikiusap tayo sa Principal kung pwedeng hindi sumama si Angge sa Trip natin, ibig sabihin ay wala ng masamang mangyayari kay Angge" Paliwanag ko sa mga kaibigan ko.

"Johan has a point. Pero kailangan natin ng tulong ng isang teacher. Kung tayo lang mga estudyante ay baka hindi tayo pakinggan ng Principal" Kumento naman ni Teban.

"Bakit di tayo patulong kay Mr. Marquez? Tutal mukhang mabait naman siya at alam nya na ayaw sumama ni Angge." Suhestiyon naman ni Mark.

"Before that, kailangan natin kausapin ulit si Angge."Sabi ni Teban.

"I know where she is, but I think, ako lang pwede lumapit sakanya, kasi mukhang ayaw nila ipaalam kung san sila nagtatambay e" biglang sabi ni Yssa. Hinayaan nalang namin siya dahil alam naman namin na alam nya ginagawa nya. Nagkanya kanya na kami pag katapos namin mag usap.

Alam ko na napag usapan namin na si Yssa lang ang pupunta, pero hindi ako mapakali kaya pasimple ko syang sinundan. Nakarating kami sa likod ng eskwelahan at nagulat ako dahil may sikretong kwarto dito. Pumasok si Yssa at ako naman ay nagtago sa may bintana, sapat lang na makita ko siya at marinig ang mga pag uusap na magaganap. Mayroon akong nakitang pigura ng isang tao na pumasok sa sikretong kwarto.

Yssa's  POV

Pagkadating ko sa tagung lungga nila Angge ay nakita ko syang nakaupo habang katabi nya si Summer. Lalapitan ko sana sya ng biglang may pumasok.

"Ms. Diaz? What are you doing here?" Anong ginawa ni Mr. Marquez dito?

"Hello Sir, I'm here to talk to Angelica. Hihi" Well andito narin sya so better yet sabihin ko na din sa kanya ang plano namin. "and because you're also here Sir, I'd like to talk to you about Angelica"

"What about me? Did I do something wrong? Is it because I dont want to hang out with your friends?" Oh no. na misinterpret ako.

"No, I keep thinking, if you dont want to come to the Trip, why don't you just talk to the Principal? I'm just a concerned citizen, and thinking maybe Mr. Marquez can help"

"Hello, you are Yssa, right? what will you gain if Angge won't come to the Trip?" Uhm. Hindi sya mapapahamak? Pero di nyo alam yon, kaya shattap nalang ako.

"Nothing, Its just that, Angge really doesn't want to come to the Trip"

"Is that true, Angelica?" wow, First name basis, close ba sila ni Sir?

"Yes, I don't have any interest in the said trip" Casual talk? Close nga sila ni Sir.

"If she doesn't want to come, then she can just tell the Principal by herself" Nagulat ako dahil andito pala si Paulo at nakikinig sa usapan namin.

"And, she already have a friends, no need to butt in. We can help her go to the Principal or maybe, you really will gain something out of this? Angge is beautiful, so maybe you're jealous that she'll steal your spotlight when we go to Villa Sol" Wait, bat pinapamukha ni Summer na parang ang sama kong tao? Di ko naman gusto gawin ito e. Kung di lang namin alam kung anong mangyayari kay Angge pag sumama sya sa Trip, ay di ko na kailangan gawin ito.

"Angelica, come with me to the Principal's Office and Summer and Pau, don't start a fight after we leave, can I trust the both of you?" Wait, So silang lahat close? What the?! Advantage!

"No need to fight 'cause Ms. Good Samaritan will leave too, right?" ughh! Hate this woman.

"Yes, you dont need to worry, I will leave so you can enjoy your time with your boy friend"

"He's not my boyfriend. Don't assume" wait, why is she so defensive and seems to be a bit shy? does she like paulo? Haha.

"I said, Boy Friend, not BoyFriend. There's a space, and that space is called FRIENDSHIP. You're the one who assumed" pag katapos kong sabihin yon ay agad na akong umalis because theres a possibility that she'll counter attack. I left her angry, sinusuklam na nya siguro ako dahil pinakamukha ko na hanggang mag kaibigan lang silang dalawa. Ito naman si Paulo, ay parang manhid at di nya mapansin na may gusto sa kanya ang kaibigan nya.

Sana mapakiusapan nila ang Principal.

Kinagabihan, ay ginawa ko na ang night routine ko para fresh akong matutulog ng biglang nag ring ang phone ko. pag tingin ko ay nakita ko ang text ni Angge.

"Yssa! Thank you! Pinayagan ako na huwag ng sumama sa Camping Trip."

"Pag kabasa ko sa text nya, ay agad akong nag reply ng walang anuman. I also went to messenger para masabi sa mga kaibigan ko ang good news.

Johan's POV

Hinintay ko lang na makalayo si Yssa para di nya ako mapansin. Paalis na sana ako ng may marinig akong naguusap malapit kung saan ako nakatago.

"Tinawagan ako ni Summer, kinausap daw ni Angge at Sir Marquez ang Principal at itatanong kung pwedeng di daw sumama sa Camping Trip. Meron din daw syang ikwekwento patungkol sa isang babae" Sabi ng isang lalaki na may pasa sa kanyang kamay. Tingin ko si Yssa ang babaeng tinutukoy nya. Pag kasabi nung lalaki ng pangalan nung Summer ay natawa nanaman ako dahil kitang kita ang pamumula ng mukha nya ng inasar sya ni Yssa.

"That's good for her" sabi naman ni... Newt? Mag kaibigan sila ni Angge? Di ko man sila nakitang nag uusap sa klasroom. Ay ewan.

Ng makita ko silang pumasok na sa sikretong kwarto ay agad na akong umuwi para magpahinga.

Pahiga na ako ng may nag notif sa phone ko. Ang Group Chat naming apat. Napapangiti talaga ako pag nakikita ang pangalan ng GC namin. Napag konekta ang Initial ng mga nickname namin at konting ayus lang ay nabuo ang salitang sa French ay kahulugan ay 'Mahal kita'

'Je T 'aYMe'

Yssa: "Guys! Mission Accomplished. Angge won't be coming to our trip! Pinayagan daw sya ng Principal. I'll tell the details tomorrow"

Mark: "Nice! So ano na next? Chillax na ba?"

Teban: "One thing I know, hindi na mapapahamak si Angge"

Pag katapos kong basahin ang magandang balita, kinuha ko ang kamera ko at tinignan ang larawan ni Angge. Laking tuwa ko dahil nagbago ito. Nasa kwarto sya, may nakasabit sa dingding ng pangalang Angelica katabi ay isang anghel, so iyon ang itsura ng kwarto ni Angge, at kitang kita na nagbabasa lang sya nga libro. Pag kakita ko ay dali dali kong sinabi sa mga kaibigan ko.

Johan: "Indeed a Good news, nag bago na ang kapalaran ni Angge!" sinend ko sa sakanila ang litrato. "Ibig sabihin nito, kaya natin baguhin ang kapalaran ng makukuhanan ko, ibig sabihin din nito ay mababago natin ang litrato nyo"

Laking tuwa namin dahil ngayon ay alam nanamin na kaya naming baguhin ang mga lumitaw at lilitaw sa kamera ko. Kung kaagad ko lang nalaman ito ay di na nangyare sa kapatid ko iyon. Pero wala na ako magagawa, hustisya nalang ang kaya kong maibigay at ito ang aking hahanapin.

Pag katapos namin mag usap sa GC ay nagsi tulog kami ng may mga ngiti sa aming labi.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon