Catorce: The Creation of Affiliates

9 2 0
                                    

Isang araw na ang simula ng makauwi kami. Nasa kwarto ako ngayon at iniisip ko parin ang nangyari kay Angge. Alam namin ang mangyayari pero wala kaming nagawa para pigilan ito. Baka dapat talaga sinabi nalang namin kay Angge ang nalalaman naman para naiwasan nya at napigilan namin ang nangyari sa kanya. Bukod sa guilt na nararamdaman ko ngayon, iniisip ko din ang kamera ko. Paano kung hindi na magawa ito? Paano kung magawa man ay mawala ang kanyang hiwaga?

"Johan!! May mga bisita ka!" Sigaw ng Nanay ko. Paniguradong sila Teban ito dahil sila lang ang may alam ng bahay namin.

Bumaba na ako at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko silang tatlo sa may sala.

"Napadalaw kayo?" Tanong ko sakanila.

"We need to talk. The Four of Us." Sabi ni Yssa.

"Pwede naman tayong mag-usap sa Chat or kahit Video Call" Kumento ko.

"Yan din ang sinabi ko sakanya pero nagpumilit sya na harapan daw tayo mag usap usap"Kumento naman ni Mark.

"So tara, sa kwarto ko nalang. Dahil alam ko naman kung ano pag uusapan natin."

Nagpaalam ako sa Nanay ko na sa kwarto ko nalang kami tumambay at pumayag naman ito.

"Sorry guys, Kung tumulong lang ako sa paghahanap or binantayan ko si Angge at hindi inuna ang sariling kasiyahan ay baka napigilan pa natin ang nangyari." Biglang sabi ni Yssa at halata na ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Hindi mo kasalanan Yssa, Sadyang matalino ang 'culprit'. Ang pinag tataka ko lang ay bakit kinidnap ako? Ang 'culprit' ba at ang nag-kidnap sakin ay iisa?" Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Mark. Nakidnap sya pero di namin alam? Hindi man lang nya nasabi samin.

"Hindi man halata na nagulat kayo no?" Tumawa si Mark. "Sorry kung di ko din kayo natulungan sa paghahanap, nakidnap ako oo, pero dapat kahit papaano ay may  nagawa pa din ako, tulad ng pag hahanap kung sino kumidnap sakin at hindi ang pag aakto ko bilang immature na porke nakita ang taong gusto na may kayakap na ibang lalaki, ay mag mumukmok nalang sa isang sulok"

"What do you mean Mark? Ako ba tinutukoy mo? Nakita mo kami?" Tanong ni Yssa.

"Teka lang, hindi ako makasunod. Paki explain please." Sabi ko dahil nalilito ako sa mga sinasabi nila.

Kwinento ni Mark ang nangyari sakanya simula nagising sya hanggang sa noong nakita nya sina Yssa at Tony na magkayakap.

"Kung ang nakita mo noong gabing iyon ay tulad ng sa litrato, bakit sayo lumitaw? mas may sense pa kung si Yssa ang pinicturan dahil future nya iyon, unless..." Pa suspense pa itong Teban na ito.

"What? Wag ka na pasuspense!" Inis na sabi ni Yssa.

"Unless, kaya sayo lumitaw ang litrato noong kuhanan ka ay dahil ikaw ang makakakita nito. So kung iyan ang iisipin, may malaking posibilidad na ikaw din makakakita samin doon sa litrato na kinuhanan ni Johan sa Cafeteria. At kaya wala si Johan sa litrato na iyon ay baka sya padin ang kumuha ng litrato o baka ikaw ang nag-litrato tapos kasama namin si Johan pero dahil di sya naaapektuhan ng hiwaga ng kamera, ay wala din sya sa litrato." Napahanga ako kay Teban, dahil ang galing nyang pumansin at isipin ang mga bagay na hindi namin naisip.

"May kapalit naman pala ang pag kakasira ng kamera ko" Pinakita ko kayna Yssa at Mark ang kamera ko dahil hindi pa nila alam na nasira ito. "Atleast, ngayon may nasolve tayong isang misteryo" Tumawa nalang ako ng mahina.

"OMG! Paano nasira" Reak ni Yssa.

"I ste..."

"It just happened. Hayaan mo na. Papatingin ko nalang mamaya" pinutol ko na agad ang sasabihin ni Teban dahil paniguradong sisisihin nya ang sarili nya kahit na aksidente lang nya ito natapakan.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon