Diecisiete: New Discovery

2 1 0
                                    

Bukas ay balik-eskwela na kami kaya pumunta na ako ng Mall para ipagawa ang kamera ko, dumiretso agad ako sa cyberzone kung san may mga gumagawa ng gadgets.

"Good Afternoon. Ano kailangan nila? Cellphone?" Tanong ng Sales Lady.

"Ipapagawa ko po sana ang kamera ko."

"Sundan mo ako."

Sinunandan ko yung Sales Lady at dinala ako sa isang lalaki na gumagawa ng iba pang nasirang gamit.

"Papagawa nya daw ang kamera nya." Sabi ng sales lady at umalis na sya.

"Patingin ng kamera mo." Utos ng technician. Inabot ko naman ito.

"Balik ka dito 2 o 3 oras. Tapusin ko lang ang ginagawa ko tapos isusunod ko na itong iyo."

Pagkasabi nya ay um-oo nalang ako at umalis. Iniisip ko kung ano gagawin ko sa loob ng 2 o 3 oras. Naglakad lakad ako at nakita ko ang showing sa sinehan 'Avengers: Endgame'. Kahit may kamahalan ang ticket ay bumili nalang ako. Hindi na lang ako bibili ng pagkain para may pambayad pa ako mamaya sa technician.

Avengers: Endgame, last movie sa Phase Three ng Marvel. Naeexcite na ako kaya agad akong pumasok kahit may 20 mins pa bago mag start. Habang nasa loob ako nag cecellphone lang ako at nag hintay na mag simula ang palabas.

Lumipas ang 3 oras at natapos na ang palabas, bago ako bumalik ng cyberzone ay bibili dapat ako ng tubig ng makita ko si Newt at Mr. Marquez sa Food Court. Nag-uusap sila. Bigla akong nagtaka. Alam kong kasama nila Newt si Mr. Marquez sa Hideout nila pero hindi ko alam na hanggang sa labas ng eskwelahan ay nagkakasama sila.

Hindi na ako lumapit sa kanila at hinayaan na mag usap silang dalawa. Ginawa ko ay dumiretso nalang sa cyberzone para kunin ang kamera ko.

"Tapos na po ba ang kamera ko?"

"Oo, heto." Inabot ng technician ang kamera ko. Maayos na ito. Wala na yung crack at bumukas na ulit yung screen. "500 lang iho."

Nagbayad na ako at umalis na.

Pagkadating ko sa bahay ay kinuha ko agad yung memory card ng kamera. Sinubukan kong I read ang memory card sa computer kaso walang lumalabas. Siguro dahil nga mahiwaga ang kamera ay dito lang din gagana ang mga litrato.

Binuksan ko at tinignan ang mga litrato. Larawan nila Teban, ni Nathan, Renz at Mr. Mave, Angge, at sila Tony at Yssa. Akala ko doon na matatapos ang mga litrato pero ng ni-next ko ulit ito ay may lumitaw. Isang Video.

Inisip ko kung bakit may video. Tapos naalala ko na dapat pipicturan ko si Teban kaso nahulog yung kamera. Bago masira ang kamera ay nakapag record pa ito ng video?

Pinanuod ko ang Video at laking gulat ko sa nakita ko. Kitang kita si Angge at ang culprit, hindi kita ang mukha ng culprit, Pero ang ginagawa nito kay Angge ay kitang kita.

Pagkapanuod ko ay agad kong tinawagan sila Teban.

"Je T'aYMe sharing Video"

*Khrysa Joined the Video Call*
Yssa: "Hey. What's up?"

*Esteban Joined the Video Call*
Teban: "Tamang tama I also need to talk to you all."

*Mark Joines the Video Call*
Mark: "Papasok na ba tayo bukas? Katamad pa."

Johan: "Guys. Gawa na ang kamera ko. Sinubukan ko din na itransfer ang files ng kamera pero hindi ito gumana. No files ang lumilitaw. And may nadiscover akong bago."

Yssa: "For Camera Purposes lang pala."

Teban: "New Discovery?"

Mark: "Nag picture ka na naman ba?"

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon