Diecinueve: Small World

1 1 0
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay agad akong umuwi para makuhanan ng video si Nathan.

"Than!" Sigaw ko kaagad sa kapatid ko.

"Ano ba yan kuya, bakit kailangan mo pang sumigaw?" reklamo nya.

"Mag-ayos ka, kukuhanan kita ng video."

"Ehhhhh? Para saan?"

"Basta."

Sinimulan ko na siyang i-video, limang segundo ko lang syang vinideohan pero ang resulta ay katulad ng kay Teban, bente segundo lang ang kaya makita.

Pinanuod ko ang video at laking gulat ko sa nakita ko. Ang kapatid ko at si Renz ay nag-uusap.

"Ikaw! Ikaw yung nagpabugbog sakin."

"And so? As if naman may maniniwala sa iyo. Kilala mo naman siguro ang Lolo ko."

"Makakarma din kayo. Ginagamit nyo yung kapangyarihan nyo sa pang-sariling kagustuhan nyo."

"Wala ka na doon. Palibhasa kasi ay lumaki kang mahirap kaya naiingit ka sakin ngayon"

"Ako maiinggit? Eh. Ikaw nga itong nagnakaw at nagpabugbog sakin e."

Doon na natapos ang video. Nag-usap pala sila pero hindi man lang sinabi ni Nathan samin? O sinabi nya pero kay Nanay lang?

"Than, Nag-usap kayo ni Renz? Bakit hindi ko alam? Alam ba ni Nanay to?" Sunod-sunod ko na tanong.

"Paano mo nalaman? At walang may alam kahit si Nanay." Sagot nya.

"Bakit hindi mo sinabi saamin?"

"Ayaw ko na kayo mag-alala. Kaya ko naman na sarili ko e."

"Kahit na."

"Johan, hayaan mo na ang kapatid mo, kung yan ang alam nyang makakabuti sa kanya o sa atin ay ibigay mo sa kanya." Biglang sabi ni Nanay. Galing syang kusina at nangangamoy na ang linuluto nya.

"Alam mo Nay?"

"Oo, nakita ko silang nag uusap. Hinintay kong sabihin niya sakin ngunit hindi nya sinabi."

"Sorry po Nay. Ayaw ko lang kayong mag-alala pa." Paghingi ng patawad ni Nathan.

"Hayaan nyo na iyan at kumain na tayo."

Habang kumakain kami ay bigla ako nakareceive ng isang text mula kay Yssa.

You have (1) Message:

Yssa: Johan, OTW kami ngayon dyan sa inyo. May importante kaming sasabihin.
Johan: Ngayon na talaga? Sge sabihin ko ba ipagluto kayo ni Nanay?
Yssa: Sige magandang idea yan. Lima kaming pupunta dyan.

Lima? Sino yung dalawa? Anyway, ako nalang mag luluto dahil bisita ko naman sila e. Pinagpaalam ko sila kay Nanay at pumayag naman sya.

Lumipas ang Ilang minuto, saktong natapos akong mag-luto ay dumating silang lima. Bakit kasama nila si Paulo at Tony?

Kadating nila ay agad kong sinerve ang lamesa at pinaupo.

"Ano ito at napaka-urgent ata? At kasama pa si Tony at ang Mokong na iyan" Tanong ko sakanila.

"Hindi ako Mokong, at patawad dahil medyo naging maangas ako sayo noon." Marunong naman pala humingi ng tawad ang isang Paulo Victoriano.

"Oo nga, ano itong pagtitipon na ito? Pati ako ay nagulat." Sabi ni Mark.

Kwinento ni Paulo ang pinag-usapan nila sa Hideout nila. So, may malalim pala talagang dahilan kung bakit magkasama si Newt at Mr. Marquez sa mall.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon