Nueve: Turn of Event

9 2 0
                                    

Summer's POV
Sabado ngayon at naiinip ako. Miss ko na si Pau kahit kahapon lang ay magkakasama kami sa Hideout namin. Wait, Miss ko na agad?! Obsessed na ba ako? Speaking of Hideout, naalala ko nanaman yung babaeng yun. Sa hindi ko malamang kadahilan ay may parte sa akin na hindi lahat sinasabi nung Yssa-ng yun ang dahilan kung bakit ayaw nya sumama si Angge sa Camping Trip. Hindi kaya may alam sya sa nagyari dati kaya ayaw nyang sumama si Angge? Pero imposible yun, dahil bukod sa Pamilya nya ay kami lang nila, Pau, Tony, at Newt ang may alam. Teka, alam ni Tony so baka sinabi nya kay Yssa? At nag papanggap padin sila na hindi nag uusap? Ang mokong na iyon, hindi nya matiis ang babaeng yon. Pero naloloka na ako dahil usapan naming apat ay mag sasabi kami ng sikreto namin at di namin ito ipagsasabi kahit kanino.

Kung sinabi ni Tony ang sikreto ni Angge kay Yssa, sasabihan ko si Angge na sabihin din namin ang sikreto ni Tony kung bakit umalis sila ng hindi nag papaalam kay Yssa. Pero pag sinabi ko kay Angge ang plano ko ay panigurado sasabihin nya lang ay 'hayaan mo na Summer, ang mahalaga nakatulong sya' ugh! Knowing Angge being Angel ay di malabong yun ang sasabihin nya. Na fru-frustrate na ako dito!

*Ting* You have (1) Message

Narinig kong tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Pau. Nag text sya OMG!. Kalimutan ko muna yung babaeng yun at iaalay nalang ang oras at panahon ko kay Pau. Hihi.

Johan's POV

Alas-singko ako nagising pero ang klase ko ay mamayang alas-otso , dahil maganda ang aking pagkakagising, ako nalang ang mag luluto ng almusal dahil mamayang alas-sais pa magigising ang nanay at kapatid ko. Dumiretso ako sa kusina at tinignan ang laman ng ref namin, wala na masyadong pagkain sa ref kaya mabuti pang sabihin ko mamaya sa nanay ko na ako nalang ma mamalengke bukas, tutal ay sabado na bukas.
Buti nalang ay may Hotdog at Itlog pa kaya iyon nalang ang lulutuin ko. habang nag luluto ako, ay di maalis sa isipan ko ang nangyari kahapon, nabago namin ang kapalaran ni Angge, unti-unti ay natutunan ko gamitin ang kamera ko, ngunit ang importanteng gusto ko malaman ay kung kelan mangyayari ang pangyayari, kung sanang mayroon lang lumilitaw na date sa larawan, ay mas magiging epektibo ang pag tulong namin, pero ang easy na kung ganon ang mangyayari.

Pagkatapos kung magluto ay saktong nagising sina nanay kaya inaya ko na sila mag almusal. Nagulat pa si nanay dahil bihira lang daw ako magising ng maaga. Tinawa ko nalang ang sinabi nya. Sinabi ko na din na ako na ang ma mamalengke bukas at pumayag naman siya dahil busy din sya sa report na kailangan nyang gawin. Alam kong naiisip parin ni nanay yung tungkol kay Nathan kaya siguro sinusubsob nya ang sarili nya sa pagtratrabaho para kahit pandalian lang ay makalimot sya. Si Nathan naman ay bumalik na sa eskwela at sa mga kwento nya ay di pa nya nakikitang muli si Renz.
Pag katapos namin kumain ay naligo na ako at si Nathan nalang daw mag huhugas ng plato.

Lumipas ang buong araw ng payapa.

Sabado na at papunta na ako ng Palengke para mamalengke, sumakay ako ng jeep papunta sa palengke dahil medyo malayo ito sa bahay namin. Kadating ko ng palengke ay nakapadaming tao. Dumiretso muna ako sa gulayan pagkatapos ay sa wet section na. Una kong binili ay manok at nakiusap kay aling nagmamanok kung pwede ko balikan ang binili ko at kung pwedeng iwanan nadin ang iba kung pinamili , pumayag naman sya kaya iyon ang ginawa ko.

Habang nag hahanap ako ng baboy na mabibilhan ay nakita ko si Angge na namamalengke din at may kasamang matandang babae, nanay nya sguro ito kaya nilapitan ko sya para batiin.

"Hi, Angge. Hello po, Tita" Pabati ko sakanilang dalawa.

"Hello Johan. Nay si Johan po, kaklase ko, kaibigan din nung kaklase kong tumulong sakin para di makasama sa Camping Trip namin" Pag papakilala sakin ni Angge sa nanay nya.

"Hello, Johan. Pakisabi sa kaibigan mo salamat at gumawa sya ng paraan para di makasama ang anak ko, simula nangyari yung aksi..." Biglang pinutol ni Angge ang sinasabi ng kanyang nanay.
"Ay pasensya na, mukhang di kayo masyadong close ni Angge, Osge na, alis na kami baka ano pa masabi ko. hihi." Pagka paalam nila Angge, ay bumalik narin ako sa pamamalengke ko.

Pauwi na ako at naka sakay na sa jeep ng maalala ko ang sinabi ng nanay ni Angge. 'Simula nangyari yung aksi..' ibig sabihin ay may mas malalim pa na dahilan bakit ayaw sumama ni Angge sa Camping Trip? Pinag iisipan ko kung aalamin ko ba ang sinasabi ng nanay ni Angge o hindi na. Mas mabuti narin sigurong di ko na alamin dahil mukhang ayaw naman ipaalam ni Angge iyon at ang mahalaga ay napigilan namin yung magaganap sakanya.

"Ay Shet! Para Po!" Sa lalim ng iniisip ko ay di ko na namalayan na lumagpas na pala ako sa bahay namin. Buti nalang at di masyadong kalayuan kaya nilakad ko nalang.

Lumipas ang ilang araw at bukas ay ang Camping Trip na namin. Nasa Mall kami ngayong mag kakaibigan para bumili ng magagamit bukas at mga maiaambag sa Trip. Minabuti ko na din na hindi sabihin sa mga kaibigan ko ang naging usapan namin ng nanay ni Angge para hindi nalang sila mag isip pa.

"Do I look Pretty?" tanong ni Yssa . Sinuot nya ang pulang dress na nakita nya sa isa sa mga store dito sa Mall.

"Camping Trip pupuntahan natin, Hindi Ball. Gubat yon, Hindi Stage. Wag ka nga mag pakaganda dahil hindi bakasyon iyon, sige ka, baka dahil wala na si Angge, iba na mapag tripan nung 'culprit'" Sita ni Mark kay Yssa.

"Excuse me?! I know, at alam ko naman na di nyo ako iiwan right? oh and speaking of Angge, pwede mo ba ako picturan Johan? Curious ako sa future ko at para matahimik itong Mark na ito kung magandang Future ang nag aabang sakin. Haha." Nacurious din ako sa sinabi ni Yssa, simula noong pinicturan ko silang tatlo ay di ko na ulit sinubukan na kuhanan sila. Ngayon ang chance ko dahil may consent ako pero natatakot ako sa kakalabasan ng litrato, pano kung dahil hindi na sasama si Angge ay ibahin ng 'culprit' ang target nya at si Yssa ang makati nya?

"Kung di mo kayang kuhanan ng litrato, wag mong pilitin ang sarili mo, kahit minsan magandang malaman ang hinaharap ay mas mabuting iwan ito at hayaan nalang, sinuwerte tayo kay Angge, pero hindi natin mapapangako na lahat ng makukuhanan mo ng litrato ay mababago natin ng kapalaran. Maiintindihan mo naman ito diba Yssa?" Lagi nalang may point si Teban, buti nalang at naging kaibigan ko sya.

"Yes, I understand, but curious lang ako sa isa pang bagay. Kung may kukuhanan ka ng litrato, hinaharap ang makikita, pano naman kung kami ang kumuha ng litrato? May iba kayang mangyayari?" Napaisip din ako sa tanong ni Yssa, pano nga kaya kung sila ang kukuha ng litrato, may magbago kaya? Isa lang ang paraan para malaman.

"Tama ka Yssa" inabot ko kay Yssa ang kamera. "Pero kung kukuha ka ng isang litrato, wag mo kukuhanan ng litrato ang mga bagay at ako dahil di ako tinatablan ng kamera. Pero teka, kung iba ang kukuha baka makita mo ang hinaharap ko? kaya kuhanan mo ako ng litrato Yssa. Pero pag walang pag babago ay kuhanan mo ang ibang tao" Paliwanag ko kay Yssa.

Sinimulan na nya akong kuhanan at sabi ko na nga ba, hindi tumatalab sakin. Sinubukan naman ni Yssa na kuhanan ang saleslady at pag tingin namin sa litrato ay walang nag bago. Ibig sabihin ay sakin lang gumagana ang kamera. Pero bakit ako?

"Ano ba iyan, sayo lang gumagana" reklamo ni Yssa.

"Hmm, Johan, pwede kuhanan mo ako? Sa totoo lang kasi, hindi na natanggal sa isipin ko yung litrato namin tatlo, or litrato nilang dalawa kasi sila lang dalawa ang andun, so baka sakali na pag ako lang kinuhanan mo ay may iba kang mahanap? Like clue na konektado sa naunang litrato?" Bakas sa mga mata ni Mark na nalulungkot sya. Sadyang hindi talaga maganda na makita ang hinaharap dahil di ka mapapakali kung mangyayari ba talaga ito.

"Osge" Sinet ko na ang kamera ko. "1.. 2.. 3.. Say Cheese" pag katapos ko kuhanan ng litrato si Mark ay sabay sabay naming tinignan ang litrato at ang nakita namin ay mayroong kayakap na lalaki si Yssa at magaganap ito sa kagubatan. Hindi namin makilala ang lalaki dahil nakatalikod ito habang nakaharap naman si Yssa kung saan ang kamera at kitang umiiyak ito.

Ibig bang sabihin nito, si Mark ang lalaki, dahil sya ang pinicturan namin, at umamin na sya kay Yssa? At umiiyak si Yssa dahil pareho sila ng nararamdaman? At magaganap ito sa Camping Trip namin? This is Amazing!

"Ayie! Ano yan? Yssa at Mark? Haha. Magaling hindi ko napansin na gusto nyo ang isa't isa" Pang aasar ni Teban. Hindi na ako nag tataka na may gusto si Mark kay Yssa, pero nagulat ako dahil may gusto din pala si Yssa kay Mark.

Wala akong gusto kay Mark." Kumento ni Yssa at nag walk out samantalang namumula naman si Mark.

Tinignan ko ulit ang litrato at aksidente kong napindot ang button ng kamera at nakita ko muli ang litrato ni Angge.

"Guys, Tignan nyo to" may takot na bumalot saking katawan dahil ang akala naming tapos na ay bumalik. Dahil nakita ulit namin ang litrato ni Angge, ang litratong sinubukan naming baguhin. Pero bakit bumalik ito? Sasama na ba ulit si Angge? O ibang lugar na ito? Anong nangyari?

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon