Quince: Pages of their own book

8 1 0
                                    

Paulo's POV

Nakipag palitan ng informasyon si Esteban patungkol kay Angge.

"Alam ko na hindi ka maniniwala sa aking mga sasabihin. May kamera si Johan na kaya makita ang hinaharap. Ang kamera na ito ang dahilan kung bakit pinipigilan ni Yssa na sumama si Angge sa Camping Trip." Talino pala talaga nito. Di talaga ako maniniwala.

"Alam mo, kung walang kakwenta kwentang bagay ang iyong sasabihin, bakit nagkita pa tayo? Natulog nalang sana ako." Kumento ko.

"Wala pa ako matibay na ebidensya sa ngayon dahil nasira ang kamera. Remember andoon ka noong matapakan ko ito" kung totoo ang sinasabi nya ibig sabihin...

"Ibig sabihin kaya ang O.A ng kaibigan mo at nagalit sya sakin dahil ang kamerang yun ang tinutukoy mo?"

"Tama." Tugon ni Esteban.

"Ano pa? Wag mong sabihin na nakita niyo ang hinaharap ni Angge?"

"Nakikinig kaba? Kakasabi ko lang kanina. Ang kamerang iyon ang naging dahilan bakit lumapit si Yssa sainyo."

"Sorry naman. Hindi naman kasi agad agad maniniwala sa mga sinasabi mo e."

"Tama. Ganyan din kami noong sinabi ni Johan. Mabalik tayo kay Angge, Bukod sa malaman ko ang past ni Angge, Gusto ko din malaman kung ano ang nagpabago ng isip ni Angge at biglang sumama sya? Noong nalaman namin na hindi sasama si Angge ay nag iba ang hinaharap nya, ngunit ng makita ulit namin ang litrato ni Angge, bumalik sa dati at kinabukasan ay nakita namin si Angge na sumasakay sa Bus."

Teka lang, so kung isusummarize ko, mayroong kamera si Johan na nakikita ang hinaharap at nakita nila ang kay Angge at ang pag babago ng kapalaran nito pero dahil napag desisyunan ni Angge na sumama na sa Camping Trip ay bumalik ang kapalaran nya kung saan nangyari ang nangyari sa kanya. So ibig sabihin, kung hindi sumama si Angge, walang mangyayari sa kanya, pero dahil sinabi ni Newt na dapat sumama sya at dahil sa meeting na yon nag karoon ng impact yung desisyon ni Angge, ibig sabihin may kasalanan kami.

Pero pinag tataka ko ay kung bakit gusto sumama ni Newt si Angge, may kinalaman kaya ito sa narinig ko noong isang araw? Kailangan ko munang ikumpirma.

"Pero, paano ko malalaman na totoo ang mga sinasabi mo? Malay ko ba kung sinasabi mo yan para malaman mo ang nakaraan ni Angge, at malay ko ba baka pag nalaman mo yung nakaraan ni Angge gamitin mo ito sa advantage mo, dahil malay ko ba na baka ikaw yung gumawa kay Angge non." Sa ngayon dapat ay hindi nya muna malaman na si Newt ang nagsabi na sumama si Angge at nagkaroon kami ng meeting patungkol sa pag hindi pag sama ni Angge sa Trip.

"Alam mo. Naiinis na ako sayo. Sinabi ko na din sayo kanina na wala pa akong ebidensya dahil sira ang kamera. Wag kang mag alala, sa tingin ko ay pinapagawa na ni Johan ang kamera, at sa oras na nagawa iyon, ipapakita ko agad sayo." Halata na sa boses nya na naiinis na talaga sya. pero ano bang magagawa ko, hirap I-absorb ang mga sinasabi nya. Sino ba namang tao ang maniniwala agad sa sasabihin ng isang taong di mo man masyadong kilala.

"Sorry ulit. Pero sige, sa ngayon maniniwala ako, pero sa oras na malaman ko nag sisinungaling ka, sasabihin ko na ikaw ang gumawa kay Angge non."

"Paano naman kung nag sasabi ako ng totoo?. May reward ba ako?" Reward? Haha patawa.

"Ikaw itong nakipag usap sakin, hindi kita pinilit na sabihin ang mga bagay na yan."

"Touché. Ngayon sinabi ko na ang nalalaman ko. Maari ko na bang malaman ang Past ni Angge?"

"Sge."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Weeks ago. Ang araw ng sinabi ni Angge sa mga kaibigan nya ang sikreto nya.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon