Veintitres: The First and Last Photo

4 1 0
                                    

Johan's POV

Apat na taon na ang lumipas simula ng mawala sa mundong ibabaw si Mark. Ngayon ay Graduating na kami.

Noong mga panahon na iyon ay Dead on Arrival si Mark dahil sa tama ng baril sa puso nya. Nakausap namin ang mga pamilya nya, at tulad namin ay sobra ang iyak ng Nanay nya.

Nakulong naman si Mr. Marquez at Mr. Mave. Natanggal din bilang Guro at Mayor ang magpinsan. Pinag sisihan daw nila ang kanilang ginawa, ngunit kahit pag sisihin nila ay kailangan nilang makulong at tumira ng matagal na panahon sa kulungan.

Nakuha namin ang mga hustisya na inaasam namin, pero at what cost? Buhay ni Mark. Hinding hindi namin makakalimutan ang sakripisyo na ginawa ni Mark para sa amin.

Kwinento ni Mr. Diaz ang lahat ng nangyari pero bago iyon ay sinabi namin na wag nya i-disclose yung information about sa kamera ko bagkus gamitin nalang yung recording ni Tony. Pumayag naman ito at humingi ng tawad. Siya din ang nagbayad sa burol at libing ni Mark. Binigyan nya din ng trabaho ang Nanay ni Mark, at naghire din ng mga taga-bantay ng bata para may mag-alaga sa mga kapatid ni Mark.

Humingi din ng tawad si Mr. Diaz sa Pamilya ni Tony. Pinatawad naman nila si Mr. Diaz, pero ang sugat na naiwan sa Mag-asawa ay habang buhay ng mananatili.

Si Newt naman ay kaklasi pa din namin, wala naman talaga sya kasalanan, napilitan lang kaya pinatawad din sya ni Angge. Though kahit all good na lahat, nagpaka loner sya at nagpaka nerd.

Nag katuluyan din si Tony at Yssa. Finill-in ni Tony yung pwesto ni Mark sa grupo namin pero kahit finill nya yung Gap, iba pa din kung si Mark ang kasama namin.

Si Paulo at Summer ay magkaklase sa Section B. Samantalang Si Tony ay napunta na sa Section A, which is tama lang dahil dito naman talaga sya nararapat.

Dahil sa insidente, nakasclose namin silang lima, sabi nga ni Paulo na tawagin nalang namin syang Pau, kaso nakasanayan ko na Paulo ang itawag kaya doon nalang ako nag stick. Well, I can say na yung grupo naming apat ay dumoble dahil sa kanilang lima.

Si Nanay at Nathan naman ay nakalipat na din sa bagong eskwelahan at doon ay masaya sila, kaya masaya din ako. Dahil doon I can say na kahit papaano ay nakaangat na kami sa hirap.

Si Teban naman ay patuloy pa din ang pagiging silent type nya, though minsan umaalis sila ni Paulo na silang dalawa lang. Minsan nagtataka ako kung ano ang pinag-uusapan nila at saan sila pumupunta. Basta may something fishy sa kanila.

At ako? Heto. Nasa Cafeteria kasama si Yssa at Teban. Early Dismissal kaya nagtatambay kami.

"Buti wala si Tony?" Tanong ko kay Yssa.

"Family Matters, Pinauwi sya agad." Sagot naman ni Yssa.

"Grabe. Ang daming nangyari no? Yung 1st year experience natin ay hinding hindi ko makakalimutan. Lalo na si Mark, He sacrificed his Life para lang makawala ako kay Mr. Marquez." Dugtong nya.

"No one will ever forget about him. The moment Mr. Marquez pulled the trigger, my life stopped. Isang pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan." Kumento naman ni Teban.

"Hmmm. May sasabihin ako." Biglang sabi ko sa kanila.

"What's that?" Tanong ni Yssa.

"Well, hmmm. After graduation, Sa abroad na daw ako titira. Hindi sinabi ni Nanay pero nasa abroad daw si Tatay at doon na muna daw ako tumira."

"Really? Iiwan mo din kami?" Malungkot na sabi ni Yssa.

"Sabi ni Nanay ay mas mabuting doon muna ako. Alam nyang pamilya ang turing ko sa inyo pero kailangan ko daw mag move on. New environment para kahit papaano ay makalimot daw ako."

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon