Dos: Card

23 5 0
                                    

Johan's POV

Hindi ko na pinakita sa mga kaibigan ko yung picture kahit na pinipilit nila ako.

Buong kaklase ay hindi nawala sa isip ko yung larawan sa kamera ko. Hindi ako nakapag focus asa klase at hindi ko na namalayan na oras na para umuwi. Agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko para makauwi agad tutal malapit lang din naman ang bahay namin sa eskwelahan. Pag dating ko sa bahay namin ay kinuha ko agad ang kamera ko at sinuri ko ito, wala naman ako makitang sira nito kung tutuusin man ay napakaayos ng kamera na parang perpekto ang pag kakagawa dito. Binalikan ko ang litrato, wala talaga si Mark sa litrato, gusto ko man itong wag pansinin, kaso ang hirap kaya ang ginawa ko ay pinicturan ko ang sarili ko sa salamin, pag kakita ko sa kuha ko ay wala man nangyari, kung paano ang ayos ko ay iyon pa din naman ang lumitaw sa litrato kaya ang sunod na ginawa ko ay tinawagan ko ang aking nanay at kapatid.

"Ma! Than! Gusto nyo picturan ko kayo?" Aya ko sakanilang dalawa

"Ayoko anak, amoy pawis ako" sabi ng nanay ko.

"Nay, para naman maaamoy ka ng kamera, ako lang makaamoy sayo kasi tatabihin kita sa picture" banat naman ng kapatid ko.

"Basta ayaw ko, ikaw nalang Nathan kung gusto mo"

Pina pwesto ko na si Nathan para picturan. Natatawa ako dahil ang pose nya ay peace sign, typical nga naman sa tao pag nag papapicture. Pag kakuha ko agad ng litrato ay tinignan ko kaagad ang litrato at muntik ko ng maitapon ang kamera ng makita ko si Nathan, bugbog sarado sya sa isang eskinitang katabi lang ng eskwelahan nya, may pasa ang kamay at paa, may black eye at napakadumi ng kanyang suot na uniform. Dahil sa nakita ko, binura ko kaagad ito at umakyat ako ng patakbo papunta sa kwarto ko, kahit tinatawag nila ako ay hindi ko sila pinansin at patuloy lang ako tumakbo papunta sa aking kwarto. Kinuha ko ulit yung maliit na box na lalagyan ng kamera at linagay ang kamera upang itago ito.

Alas tres na ng madaling araw at hindi parin mawala sa aking isipan kung bakit ganon nalang ang lumitaw sa litrato ng kapatid ko. Sinubukan kong mag search sa internet kung may mga ganong pangyayari na ang naganap ngunit sa kasamaang palad ay wala. Wala na akong nagawa kundi ang itulog nalang dahil may pasok pa ako bukas.

Isa na namang umaga at tinig nanaman ng aking nanay ang narinig ko na nagpagising sa kin. Napaka ganda ng sikat ng araw, ang mga kapitbahay ko ay masayang nagkwekwentuhan sa labas ng bahay samantalang kabaliktaran naman ang aking nararamdaman dahil antok pa ako at mahahalata ang  namumulang mata dahil sa puyat.

"Kuya Johan, anong nangyare sayo kagabi? Bigla bigla ka nalang tumakbo. Nainggit ka ba sa kagwapuhan ko at itinakbo mo nalang ang inggit mo? Hahahahha! Patingin ng picture." tawang tawang sabi ng kapatid ko. Sana iyon na nga lang ang dahilan.

"Dinelete ko na! tumakbo ako kase nasusuka ako, ang pangit mo e." pang aasar ko sakanya at sya naman ay sumigaw at isinumbong ako sa aking nanay.

"Naku anak, tigilan mo kapatid mo. Kay tanda mo na, pumupatol kapa sakanya. At sa sabado pala, kaarawan ng katrabaho ko, gusto nya kayo makilala ng kapatid mo kaya kung may lakad ka man sa sabado, sabihan mo agad ako, okay?" Tumango nalang ako. Isang Guro ang aking nanay, elementary Teacher sa Fernando Elementaty School, doon din nag aaral ang kapatid ko.

Malapit na ako ng eskwelahan ng bigla kong nakita si Mark, mag isa, at bigla kong naalala yung litrato nilang tatlo. Pero desidido na ako na kakalimutan ko nalang ang litrato na iyon kaya ang ginawa ko, bilang kaibigan, ay sinabayan sya papasok ng eskwelahan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napa aga ang pag labas ni Nathan sa kanyang klase kaya imbes na dumiretso sya sa klasroom ng kanyang ina ay lumabas muna sya ng eskwelahan para bumili ng laruan. Pinayagan sya ng mga Gwardiya dahil kilala naman nila ito at ang kanyang nanay. Lumapit si Nathan sa nagtitinda ng Pokemon Cards para bumili at maidagdag sa koleksyon nya. Pag kabili ni Nathan ay agad nyang binuksan ang binili nya para malaman kung sino sinong pokemon ang nakuha nya at kung may legendary ba. Laking tuwa nya nung nakita nya si Rayquaza ngunit agad din nawala ang ngiti nya noong may kumuha ng card na hawak nya, isang batang lalaki, kaedaran nya.

Nakipag talo si Nathan sa bata para kuhanin ang card nya ngunit ayaw ibigay ng bata at tumakbo sa eskinita, sinundan nya ito ngunit sa kasamaang palad ay may mga kasama pala ang bata. Inabot ng bata ang card na kinuha nya kay Nathan sa isa pang batang may kaparehas nyang logo ng eskwelahan at makikita dito ang kanyang pangalan, Medina, R.M. Isip isip ni Nathan na baka inutusan nya ang bata para kuhanin ang mga cards ng mga bumibili. Sinubukan makipag usap ni Nathan sa batang Medina kung maaari nyang ibalik nalang ang card ngunit hindi pumayag ang batang Medina.

"Kung gusto mo talaga ang card na ito, ibigay mo sakin ang baon mo araw araw." Kondisyon ng Batang Medina.

"Ayaw ko nga, sino kaba para ibigay ko baon ko? sayo na iyang card na yan, isusumbong nalang kita sa nanay ko, Teacher sya sa paaralang pinapasukan NATING DALAWA" diniinan talaga ni Nathan ang huling dalawang salita para kahit papaano ay matakot ang Batang Medina. Ngunit imbes na matakot ang bata ay nagalit lang ito.

"Boys, nanakot o, alam nyo na ang gagawin dyan" pagkabitaw ng mga kataga ng batang medina ay agad sumugod ang tatlo pang bata kasama ang kumuha ng card ni nathan at binugbog nila ito.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon