Trece: Aftermath

5 2 0
                                    

Takbo kami ng takbo hanggang maabutan namin si Paulo, ang taong bumangga sakin.

"Paulo? Kanina pa kami sigaw ng sigaw kung sino ka, bakit hindi ka tumigil at nagpakilala?" Tanong ko kay Paulo na hingal na hingal din tulad namin.

"Why should I stop? You're not important. Sinusubukan kong alalahanin kung saan nanggaling ang sigaw, and thanks to the both of you dahil sa ingay nyo ay nakalimutan ko." Reklamo ni Paulo.

"Kung tumigil ka kaagad at humarap samin ay natulungan ka namin. Hinahanap din namin kung saan nanggaling yung sigaw and thanks to you too naiwala ko din ang kamera ko" Balik na reklamo ko sakanya.

"Not my fault kung nawala mo yung kamera mo. Ikaw tong pakalat kalat sa dilim"

"Tama na nga yan. Johan mas mabuting hanapin nalang natin si Angge at Yssa. Hindi natin alam kung ano nangyare sa kanilang dalawa" Suhestiyon ni Teban.

"Angge? Bakit nyo hinahanap si Angge? Sya ba yung sumigaw? At bakit pati si Yssa hinahanap nyo?"Tanong ni Paulo.

"Tsk. Daming tanong" Bulong ko.

"Si Yssa ang sumigaw at si Angge naman ay.. basta" lumingon sakin si Teban. " Let's go, Johan".

Umalis na kami kaso sinusundan kami ni Paulo, hindi sya nagsasalita pero halatang gusto nyang itanong kung bakit hinahanap namin si Angge. Hindi namin alam kung sino ang 'culprit' kaya mas mabuti pang wag muna namin pagsabi.

Mark's POV

Nagising ako sa isang lugar na madilim. Buti nalang ay hindi ako nakatali kaya agad kung kinapa ang cellphone ko, tatawag sana ako ng maalala kong walang signal kaya ginamit ko na lang ang flashlight ng cellphone ko at nag ikot ikot. Mukhang nasa isang hindi ginagamit na cabin ako, dahil gawa ito sa kahoy at makikita ang mga lumang gamit na natatakpan ng puting tela. Ng makita ko ang pintuan ay agad akong lumabas para makabalik sa Tent namin.

Naglakad lakad ako sa gubat gamit ang flashlight ng cellphone ko. Nasa sampung minuto na siguro ang lumipas simula maglakad lakad ako ng may nakita akong dalawang tao na nakatayo habang nag uusap sa harap ng Bon Fire.Ng mamukhaan ko ang babae ay agad kong pinatay ang flashlight ko at lumapit pa ng kaunti para marinig ang pinag uusapan nila.

Yssa's POV

Habang nag lalakad ako sa gubat para hanapin ang mga kasama ko ay may biglang humili ng kamay ko kaya napasigaw ako. Palag na ako ng palag para mawala ang pagkakahila sakin ngunit malakas ang humihila sakin kaya ang ginawa ko ay humawak sa isang puno para hindi na nya ako mahila. Hindi na nya ako mahila kaya tumigil sya at biglang nagsalita.

"Khryssa, ako ito, si Tony, ang kababata mo" ng marinig ko ang boses nya ay napaluha ako hinid dahil sa galit kung hindi dahil sa saya dahil naaalala pa pala nya ako.

"Tony? Bakit? Bakit nag panggap ka na di mo ako kilala? Alam mo ba ang sakit na akala ko ay kinalimutan mo na ako? Bakit ba kayo umalis? Anong dahilan?" Sunod sunod kong tanong sa kanya dahil gusto ko na talaga malaman kung bakit nya ginawa ang mga ginawa nya. Ngunit ngumiti lang sya at inaya ako sa isang lugar na may naka set-up na Bon Fire at may mga pagkain.

"Ano ito? Ikaw ba gumawa nito? Para sakin ba ito?" Kahit simpleng ayos lang ng bon fire at ng mga pagkain at mayroong bato na sakto para upuan namin, ay nakakataba ng puso.

"Oo, Ginawa ko ito para sayo. Naisip ko na baka wala na tayong time pag hindi kita agad kinausap kaya heto, agad kung tinapos yung essay tapos kumuha ng mga pagkain sa mga kaibigan ko" Tumatawa sya habang nagkwekwento. Namiss ko ang mga tawa nyang parang walang problema sa mundo.

"So about sa mga tanong ko, bakit ka nagpanggap na di ako kilala? Bakit kayo umalis ng di nag papaalam sakin?"

"Sa susunod ko sasagutin ang mga iyan, ang importante ay magkasama tayo ngayon."

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon