Veintiuno: One Text, One Call, and A Tattoo

2 1 0
                                    

Yssa's POV

Simula kagabi, ay hindi na nila ako pinalabas ng bahay. Kinuha din nila ang cellphone at ang laptop ko. Tinanong ko si Daddy pero ang sabi lang nya ay para daw sa ikakabuti ko ito.

Pati ang pagkain ay dinadala lang nila dito. Ano naisip nila at ayaw nila ako palabasin.

*Knock* *Knock*

Biglang pumasok si Manang Lucy.

"Miss, Heto napo ang pagkain nyo."

"Manang, pwede mo na ba sabihin sakin kung bakit ayaw nila ako palabasin dito? or kahit ibigay lang nila ang cellphone ko para hindi ako mainip. Panigurado nag-aalala na mga kaibigan ko dahil hindi ako pumasok kahapon."

"Miss, atin lang ito, patawarin mo ako, dahil inutusan ako ng Daddy nyo na pag dumating ang mga kaibigan nyo ay sasabihin ko na nag-ibang bansa kayo."

"What?! Bakit daw? At dumating ang mga kaibigan ko kahapon?"

"Oo Miss, halata na nag-aalala sila pero kailangan kong sundin ang utos ng Daddy nyo."

"Okay, pero pwede ba maki-txt? Isa lang sasabihin ko lang na nag abroad ako para hindi na sila mag-alala."

"Sge Miss."

Sorry Manang. Buti nalang at memorize ko ang number ni Mark at agad ko syang tinext.

*09987654321*

Mark, Si Yssa ito, andito ako sa bahay. Hindi ko alam bakit kinulong ako pero wag muna kayo pupunta dito hahanap ako ng paraan paano makaalis dito. Maniwala muna kayo na nasa Abroad ako. Wag kang magrereply dito.
Sent.

Pag kasend ko ay dinelete ko agad ang message at binigay kay Manang.

"Salamat Manang."

"Sge Miss."

Paalis na si Manang ng bigla ko syang pigilan.

"Manang, tutal wala rin akong pupuntahan, pwede bang wag nyo na ilock ang pinto? Promise hindi ako tatakas. Tuwing gabi lang ako lalabas para kumuha ng makakain sa Ref." Please. Kumagat ka Manang.

"Osge. Pero wag kang papahalata na nakakalabas labas ka." YES! Success!

Linggo na at andito pa din ako sa kwarto ko. Hindi ko akalain na magsasawa ako sa kwarto ko. Nakakasawa din pala kung nakastuck ka sa isang lugar, or tao. Joke lang. hihi.

Pupunta sana ako sa balkonahe ng may marinig akong nag-uusap. Kaya ang ginawa ko ay pinuntahan ko para silipin kung sino ang mga ito.

"Augustus, Kamusta. Ano itong biglaang dalaw mo?" Tanong ni Daddy kay Mayor. Hindi na nakakapagtala kung andito sya.

"Wala naman. Gusto lang magpasalamat nitong pinsan ko sayo." Mr. Marquez?! Pinsan ni Mayor si Mr. Marquez?! OMG.

"Ah, sya yung Guro ng anak ko, hindi ba?" Tanong ni Daddy.

"Oo, matalino ang anak nyo at maganda. Buti nalang at pinakinggan nyo ako dahil narinig ko ang mga kaibigan nyang lalaki na may balak silang masama sa anak nyo." What?! May balak na masama ang mga kaibigan ko?! anong kalokohan ito? Ito ba ang dahilan bakit hindi ako pinapalabas?!

"Maraming salamat sa impormasyong iyon. Halikayo at kumain tayo, biglaan kaya hindi ako nakapag paluto ng madami."

"Ayos lang iyon." Sabi ni Mayor.

Umakyat na ako sa kwarto at prinoseso ang mga narinig ko.

Magpinsan si Mayor at Mr. Marquez, sinabi ni Mr. Marquez kay Daddy na may balak na masama ang mga kaibigan ko sa akin kaya heto ako at nakakulong. Pero bakit? Bakit magsisinungaling si Mr. Marquez kay Daddy at bakit kasama pa si Mayor?

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon