Cinco: The Felon and the Innocent

13 4 0
                                    

Pag karinig ko sa sinabi ni Nathan ay agad ko siyang niyakap. Lumapit din agad ang nanay ko at yumakap.

"Nathan, sino ang nag pabugbog sayo? Ituro mo kung sino" utos ng nanay ko kay Nathan. Dahan dahan naman tinuro ni Nathan ang Apo ni Mr. Mave. "Itong batang to ang nagpabugbog sayo? Bakit? Ano ang dahilan?"

"Kinuha po *sobs* ng isa sa mga kasama *sobs* kasama nya *sobs* yung *sobs* yung *sobs* yung binili ko pong laruan *sobs* tapos po *sobs* sinundan ko sya sa eskinita *sobs* tas andun po yang batang yan *Sobs* tapos po nung sinabi ko na *sobs* isusumbong ko sya sainyo *sobs* pinabugbog ako *sobs*"

Patuloy ang pag iyak ni Nathan dahil panigurado ay naaalala nya kung pano siya binugbog ng mga batang iyon. Noong nakita ko ang Apo ni Mr. Mave ay napaka amo ng pagmumukha nya, isa palang lobo na nag tatago sa balat ng tupa.

"Dapat malaman ito ni Mr. Mave! hindi maari ito!!"Galit na sabi ng aking nanay.

"Nay, uminahon ka, naiintindihan kita, galit din ako pero kailangan natin to pag isipan ng mabuti. Kailangan natin ng hustisya pero paano? Halatang mahal na mahal ni Mr. Mave ang apo nya na kahit pa sabihin natin ang ginawa nya ay paniguradong hindi natin makukuha yung hustisyang gusto nating makamit, maaring babayaran lang tayo or sabihin na wala tayong matibay na pruweba. Ang kailangan natin gawin ay hanapin yung mga kasama ni Renz at sila ang mag papatunay na may kasalanan ito. Hihingi din ako ng tulong kay Yssa, mataas ang posisyon ng ama nya sa Pulisya" mahirap na mag padalos dalos ngayon kung ang kakalabanin ay mataas ang posisyon at tinitingala ng lahat ng tao, paniguradong mapapahiya lang kami.

"Sige anak, makikinig ako sayo, pero dapat makuha ng batang yan ang nararapat sa kanya. Hindi porke apo sya ng Mayor ay pwede na nyang gawin ang kanyang mga kagustuhan."

Nagpasalamat ako at hindi nila napansin ng masyado yung litrato sa kamera ko, ayaw ko malaman nila ang sikreto ng kamera na ito. Pero kung lahat ng lumilitaw na litrato sa kamera ay ang hinaharap, ano ang inaanonsyo ni Mayor Mave sa eskwelahan? At ibig bang sabihin nito, dahil masaya sila sa litrato, hindi namin makakamit ang hustisya hanggat di nangyayari ang pangyayaring yon? Ughh! Kailangan ko ng malaman kung paano gumagana ang kamera na to, kailangan ko malaman upang magawan ko ng paraan na baguhin ang resulta ng mga mangyayari.

Lunes na naman at nasa eskwelahan na ako, ang agenda ko ngayong araw na ito ay kausapin si Yssa para hingan ng tulong, hindi ko na sya tinext kasi halos every weekend ay may outing silang pamilya, ayaw ko naman guluhin ang kasiyahan nila. Pag kakita ko kay Yssa at Teban, ay agad akong lumapit para kausapin sya.

"Yssa, kamusta naman ang outing nyo kahapon?" pagbati ko saknya.

"Well, Ayos naman, kaso nagiging boring na kasi same place nalang lagi, can't wait na mag bakasyon para sa ibang bansa naman ang outing namin. Hihihi"

"Tsaka pala Yssa, Kailangan ko Tulong mo"

"About saan? I'm Happy to Help"

"Diba Chief of Police tatay mo? Pwede ko ba paimbestigahan ang nangyari sa kapatid ko? may lead kami kung sino gumawa non"

"May lead na kayo? Okay, I'll tell Daddy, but no promises kasi busy si Daddy ngayon e, lately di na sya sumasama samin sa outing"

"Bakit? Marami ba syang inaasikaso? Kung busy sya, okay lang kahit wag na, ako nalang bahala mag hanap sa hinahanap ko" Well, kahit urgent din ang sa kapatid ko, ayaw ko naman umasa sa taong walang oras para makatulong.

"Basta I'll tell Daddy. Ughh kainis lang kasi inaagaw sya ni Mayor Mave, imagine hindi narin umuuwi si Daddy sa bahay namin at lagi nyang kasama si Mayor"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko, kung close ang Tatay ni Yssa at si Mayor ay paniguradong di ako nito matutulungan, mukhang ako nalang talaga ang makakatulong sa kapatid ko. Pero wait, hindi ko kailangan mag isa, may mga kaibigan ako.

"Guys, gusto nyo bang malaman kung ano yung lead ko? pero once na narinig nyo, dapat atin lang to, promise?"

"Promises are meant to be broken, pero mamaya nyo na pag usapan yan at andito na si Mr. Marquez" Entrada at pagputol ni Mark sa usapan namin.

Pumasok si Mr. Marquez na abot hanggang tenga ang kanyang ngiti. Mukhang may magandang balita sya ha. Pero ano kaya ang hinaharap ni Mr. Marquez? Nacurious tuloy ako. Simula noong nalaman ko sikreto ng kamera ko ay hindi na tumigil ang kuryosidad ko kung ano hinaharap ng mga taong nasa paligid ko.

"Good Morning my Lovely Students. Today, I'm a Bearer of Goodnews, Are you excited?"

"Sir! Bearer of Goodnews or Hell Bringer? We know that next week is our Periodical Exam" Alex Jones, ang Class President ng Section A, Kahit Class president yan ay hindi lumaki ang ulo nya at naging istrikto, kavibe nga namin yan e parang pag tinignan ay hindi class president.

"Oh, Mr. President, as I told you, I'm a Bearer of Goodnews because after your Periodical Exam, All Freshmen have a Field Trip, a Camping Trip to be exact, The details are soon to be announced but atleast you already know that there will be a Camping Trip" paliwanag naman ni Mr. Marquez

Bigla naman nag taas ng kamay si Angelica Williams, ang Muse namin, ayaw nyang tanggapin na muse sya pero wala na din sya nagawa, tahimik lang ito na mukhang walang mga kaibigan.

"Uhm, Sir? Is it Mandatory that all students should come? I'll rather study than go on a trip." Oh and Nerd din pala ito. Nasabi nya dati sa introduce yourself na gusto nya maging Summa Cum Laude.

"Sorry, but all students are required, this will be a great opportunity to learn more about your classmates and friends but, you can bring some books if you like"

After ng Balita ni Mr. Marquez ay naging usap usapan ang Camping Trip, lahat nanghuhula kung san mag cacamping trip. Lunch Break na at yun pa din pinag uusapan nila, pati mga higher year ay nakikisali sa usapan ng mga freshman at kinukwento ang mga naging karanasan nila, pero ako? Heto nakaupo habang hinihintay ng mga kaibigan ko kung ano ang lead na meron ako.

"Guys, basta sikreto lang ito, okay?"

"Of course, you can count on us" sabi ni Yssa

"So una, may kailangan akong sabihin sainyo, sikreto at paniguradong di kayo maniniwala"

"Try us" hamon naman ni Teban.

"Okay, diba meron akong kamera? Ilang beses ko na kayong pinicturan gamit iyon?"

"Once, I think" sabi ni Yssa.

"No. Twice, yung una ay may consent tayo then yung pangalawa is stolen, right?" napansin pala ni Teban na pinicturan ko sila ng stolen.

"Correct Teban, pero maniniwala ba kayo pag sinabi kong kahit kayong tatlo ang pinicturan ko, ay dalawa lang lumitaw? At kahit stolen yung isa, ay same parin ang lumitaw?"

"No, pwedeng kinopy mo lang yung isang pic then dinelete yung stolen" teorya ni Mark

"Sabi na, di kayo maniniwala kaya mas okay kung ipapakita ko sainyo" saktong dumaan si Angelica.

"Pipicturan ko si Angelica at pakatignan nyo ang kanyang ginagawa nya" pinicturan ko na si Angelica at agad kong pinakita sa kanila ang litrato.

"OH! Shit! WTF?!" - Mark

"Are you Kidding Johan? This is not funny!!" - Yssa

"Pre, may sakit ka ba.. sa utak? Ano yan!" -Teban

Expect ko na magugulat sila pero nagtaka ako sa kung anong lumitaw kaya ng tinignan ko kung ano ang nakunan ay pati ako nagulat sa nakita ko.

Si angelica, nasa kakahuyan, walang saplot at dinudugo ang ulo at ang parte sa bandang ibaba nya. Ano to? Sinong nasa matinong utak ang gagawa nito sa kanya ba?! This thing is getting serious, una kapatid ko tas ngayon naman kaklase ko.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon