Dieciseis: Her Past

2 1 0
                                    

Panahong 12 years old pa si Angge.

Angge's POV

"Sino ang excited para sa outing trip?" Tanong ng aking Tatay.

"Ako! Tay, Ako!" Sabi ko naman. Pupunta kami ngayon sa Palawan para mag outing dahil binigyan ng mahabang leave ang Tatay ko.

"Mag-impake ka na Angge" Utos ng aking Nanay.

"Tapos na po, Nay"

"Aba, Excited nga." Tumawa si Tatay.

Angelito Williams ang pangalan ng aking Tatay samantalang Lyca Williams naman ang sa Nanay ko. Nanggaling ang pangalan ko sa Angel ni Tatay at Lyca ni Nanay.

Nag commute nalang kami papunta Airport para hindi nanamin iisipin ang sasakyan na dadalhin namin.

"Pa, Mahirap ba ang trabaho mo?" biglang tanong ko kay Tatay.

"Oo anak, Sinasabi nila na pag Accountancy ay parang Add o Deduct lang, pero ang hindi nila alam ay kailangan mong iconsider yung mga bagay. Halimbawa, sa opisina, may babayaran akong Utility Bill, tulad ng Electricity Bill, sabihin nating 500,000 kada buwan. Dahil masyadong mataas ang amount, gagawan ko ito ng cheke at may system sa computer namin para makagawa ng cheke. Una iinput ko yung pangalan kung kanino ako magbabayad tapos gagawan ko pa sya ng entries . Halimbawa:
Accrued Expense   500,000
Cash in Bank   500,000
Pagkatapos ay gagawan ko sya ng correcting entries para ma-close yung nominal account. Halimbawa:
Accounts Payable   500,000
Accrued Expense   500,000

Tapos ayun, ibig sabihin nabawasan ang utang mo ( Accounts Payable) at ang Cash in Bank mo. Gets mo ba anak?"

"Hindi Tay! Ang hirap pala. Mukhang simple lang dahil alam mo ang sinasabi mo pero feeling ko pag ako na gumawa mababaliw lang ako. "

"Oh basta, isa yan sa mga ginagawa ko sa opisina namin."

Pagkatapos namin mag usap ni Tatay ay natulog na lang ako at sinabing gisingin nalang ako pag malapit nakami sa Airport.

Dumaan ang Isang oras at andito na kami sa Airport.

Dumaan naman ang Isa't kalahating oras at nakasakay nakami sa eroplano. First time ko sumakay kaya naeexcite ako.

Umandar na ang eroplano at nararamdaman ko na yung pressure sa paglipad ng eroplano. Ng makaakyat na ang eroplano at ng parang steady nalang ang eroplano, ay nainip ako. Natulog nalang ulit kasabay ng mga magulang ko.

Nakadating kami sa Palawan at dumiretso agad kami sa tutuluyan namin at bukas daw ay maglilibot kami.

"Tay! Nay! Ang Ganda dito! dito nalang tayo tumira!" Suhestiyon ko sa mga magulang ko.

"Hindi maari anak, kailangan pa kami sa kanya kanya naming trabaho" sabi naman ng aking Nanay.

"Pero pwede naman natin gawin ito tuwing may mahabang bakasyon tayo. Sang-ayon ka ba Ma?" Kumento ni Tatay. Tawagan nila Tatay at Nanay ay Ma at Pa. and I find that beautiful ang sweet.

"Ikaw talaga Pa, Iniispoil mo ang anak natin, kaya mas gusto ka nya e."

"Nay, pareho ko kayong gusto sadyang Daddy's Girl lang ako"

"Anak, Ganon na rin yon. Wag mo na palubagin ang loob ko."

Nagtawanan kaming tatlo at yinakap ko silang dalawa. Napaka swerte ko dahil sila ang pamilya ko.

Dalawang Linggo ang Stay namin dito. Naka-sampung araw nakami na puro ikot dito at ikot doon ang ginawa namin. Kaya napag desisyunan namin ni Tatay na mamayang  gabi ay gagala kami dahil may bali balita na may mga lugar na maganda tuwing gabi. Inaya namin si Nanay kaso ayaw nyang sumama at magpapahinga nalang daw muna sya.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon