Cuatro: Happy Birthday

28 4 1
                                    

Isang araw na ang nakakalipas simula ng mangyari ang insidente sa kapatid ni Johan ngunit hanggang ngayon ay di pa din nya kwinekwento ang nangyare sa kanya, hindi din naman nya masisisi kasi ang bata pa nya at ganon na ang nangyare sakanya. Regarding naman sa mga nambugbog sakanya, wala pa din balita dahil walang CCTV sa lugar kung san sya binubog. Pero kahit ganon ay bilib na bilib si Anna at si Johan kay Nathan dahil kahit papaano ay hindi nya pinapabayaan ang pag aaral nya, sa bahay siya nag aaral, binibigay ni  Beth kay Anna ang mga aralin na tinuturo nya at tuwing gabi ay itinuturo ni Anna kay Nathan ang mga aralin.

Samantalang si Johan naman, pag katapos ng nangyare sa kapatid ay napag desisyonan nyang gamitin ang kamera para malaman ang mga susunod na mangyayari pero napag desisyonan din nya na wag muna gamitin sa kanyang pamilya, ngunit ngayong araw ay susubukan nya gamitin ang kamera sa katrabaho ng kanyang ina dahil ngayong araw ang kaarawan nito, si Johan lang ang pupunta para kahit papaano ay maitupad ni Anna ang pangako nya sa katrabaho na pupunta sya sa kaarawan nito.

Nag bihis na si Johan para pumunta sa bahay ng katrabaho ng nanay nya, Mr. Augustus Mave, ang Head Teacher sa Fernando Elementary School, mayaman pero humble, may bitbit din syang regalo para kahit papaano ay di nakakahiya ang pag punta nya.

Johans P.O.V

"Happy Birthday po Mr. Mave, ako po si Johan, anak ni Anna Vedo. Pasensya na po kayo at di makakapunta ang nanay ko" bati ko sa may kaarawan.

"Salamat, at ayus lang iyon iho, nabalitaan ko nga ang nangyare sa kapatid mo, kamusta na sya?"

"Ayos naman po, na trauma po pero ang mahalaga ay okay na sya."

Umalis na si Mr. Mave para kausapin ang iba pa nyang guest kaya ang ginawa ko ay pumunta na kung saan ang mga handang pagkain, mayaman talaga dahil buffet ang handaan at nakapadaming pag pipiliin ngunit tila may kulang sa kanilang handa, wala ang pinakaimportanteng putahe, ang shanghai, pero ayos lang iyon dahil feeling ko kaya walang ganon kase di bagay sa tema ng handaan nila. Pinicturan ko na din ang venue at ang mga handa para maipakita ko sa aking nanay, pero ang ginamit ko ay ang phone ko mahirap na kung ang kamera ang gagamitin ko.

Habang kumakain ako ay tinawag ni Mr. Mave ang atensyon naming lahat at may gusto daw syang ipakilala.

"Magandang Gabi ulit sa inyong lahat at salamat sa pag dalo pero hindi lang ang kaarawan ko ang gusto kong ipagsalo nyo ngayong araw kundi pati ang Apo ko, opo matagal kong linihim sainyong lahat na may anak na ang anak ko pero ngayon po ay hindi na lihim dahil gusto ko pong formal na ipakilala sya, Ipinapakilala ko po sainyo ang Apo ko si Renz Mave Medina"

Pagkasabi ng mahabang speech ni Mr. Mave ay nagpalakpakan ang lahat ng bisita samantalang ako naman ay kinuha ko ang kamera ko para magawa ko na ang balak ko, ang kuhanan ng litrato si Mr. Mave at dahil swineswerte ay kasama ang apo nya. Hindi ko muna tinignan ang litrato baka kung ano nanaman ang makita ko, mas mabuti pang sa bahay nalang para kung kagulat gulat man ay hindi ako mapahiya dito kung sakaling mapasigaw ako.

"Hello po, Ako po si Renz, maraming salamat po sa pag dalo niyo ngayong araw, malaking bagay po ito." Ang cute ng bata, napaka amo ng kanyang mukha.

"Pasensya napo ulit at ngayon ko lang nasabi na may anak ako, natatakot po ako dahil ang bata ko pong nag kaanak, natatakot ako na baka majudge ako, at natatakot ako na baka masira reputasyon ng ama ko, ang Mayor ng bayang ito,pag nalaman nila na ang anak nya ay maagang nag kaanak. Kaya ginawa ko po ay nag ipon ng lakas ng loob para ipakilala ang anak ko at buti nalang matalino ang anak ko at naintindihan nya ang mga pangyayari, kaya salamat po ulit sainyong lahat." WOW! Ngayon ko lang nalaman na Mayor pala sya, anong ginagawa nya sa eskwelahan? Ginawang lungga este opisina?

"Ngayong alam nyo na po na may apo ako, aalis na po ako sa paaralang pinapasukan ko, isa po sa dahilan kung bakit sa eskwelahan ako namamalagi ay para mabantayan ko ang apo ko, ngayong alam nyo na apo ko sya, hindi na ako mag aalala na iwan sya doon ng mag isa, Tama po ba?" teka lang! ano daw? So ibig sabihin ginagamit nya ang kapangyarihan nya para sa apo nya? Akala ko pa naman kaya nasa paaralan sya ay alam nya ang hirap ng mga guro at tinitignan ang mga bata na magiging future ng bayang ito ngunit ako ay nag kamali. Tsk.

Hindi ko na tinapos ang speech nya at umalis nalang ako ng bahay, hindi ko din nakita si Ms. Beth, baka di sya pumunta.

Pag uwi ko kwinento ko lahat ng naganap sa party ni Mr. Mave sa nanay ko, pinakita ko din sakanya ang litrato na kinunan ko sa cellphone ko. Nung naikwento ko sa nanay ko yung about sa apo ni Mr. Mave ay sinabi nya na alam daw ng lahat ng guro iyon. Tinanong ko kung nasan si Nathan, naliligo daw sabi ni nanay kaya umalis nalang ako at umupo ako sa sala at kinuha ang kamera sa bag ko para tignan ang litrato, iba nanaman ang nasa litrato, si Mr. Mave at ang Apo nya sa covered court ng eskwelahan at mukhang nag bibigay nanaman ng speech, ganyan ba mga politiko? Madaldal? O sadyang proud lang sya sa apo nya? Pero kahit ano pa yon atleast hindi masama ang mangyayari sakanilang dalawa.

"Johan! Tulungan mo ako dito sa kusina!" Tawag ni nanay.

Dali dali akong pumunta sa kusina at naiwan ko ang kamera ko sa inuupuan ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos maligo ni Nathan ay pupuntahan nya sana ang kanyang kuya ng biglang tawagin si Johan ng kanyang ina kaya babalik na lang sana sya sa kwarto nya ng mapansin nya na naiwan ng kuya nya ang kamera nya sa inupuan nito kaya imbes na bumalik si Nathan sa kwarto nya ay kinuha ang kamera at tingnan ang kamera

'chance ko na ito, makikita ko na din yung pinicture ni kuya sakin'

Isip isip ni Nathan ngunit nagulat sya sa nakita nya, akmang itatapon ni Nathan ang Kamera ng biglang dumating ang kuya nya at napigilan nya si Nathan. May mga luha na sa mga mata ni Nathan.

Anong problema mo? Bakit mo itatapon ang kamera ko? at bakit ka naluluha? Tanong ng kanyang kuya.

"Siya.. Siya...Siya....
yung nagpabugbog sakin"

at tuluyang ng umiyak si Nathan habang yinayakap sya ng kanyang kuya.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon