Diez: The Meeting

12 2 0
                                    

A few days bago aksidenteng nakita ni Johan ang litrato ni Angge.

Summer's POV

Pagkakita ko sa Message ni Pau ay agad ko itong binasa.

"Meet us in our Hideout." Us? Sad, akala ko naman ay gusto nya ako kausapin ng kaming dalawa lang.

Dali dali akong naligo at nagbihis para pumunta sa Hideout namin. Kahit sabado ngayon ay pinapayagan ang mga estudyante na pumasok sa eskwelahan. Nakita ko ang nanay at tatay ko kasama ang tatlo ko pang nakakabatang kapatid, kumakain, nag paalam ako at sinabing mag rereview kasama mga kaibigan ko. Kahit na mahirap kami ay hindi namin pinapabayaan ang isa't isa at ginagawa ang lahat to make ends meet.

Sumakay ako ng jeep dahil may kalayuan ang eskwelahan. Kadating ko sa eskwelahan ay agad akong pumunta sa hideout at ako nalang pala ang wala.

"Finally, Summer's here" Bungad sakin ni Tony. Biglang kumulo ang dugo ko ng maaalala ko ang teorya ko pero I need to chill dahil ayaw ko mapahiya sa mga speculations ko.

"What's this about? Di ko alam na may mga meeting meeting na pala ang grupo natin" natatawa ako habang nag sasalita dahil ito ang unang pag kakataon na nag sagawa sila ng meeting.

"Pag uusapan daw natin ang Camping Trip, and about Angge" Kumento ni Pau.

"Ang Camping Trip na ito ay magiging importante satin dahil ito ay ang lalong mag papabuklod sa samahan natin pero hindi mangyayari yun kung wala si Angge. Kaya dapat sumama si Angge" Kumento ni Newt. Nagulat ako dahil parang hindi si Newt ang nag salita. Ang pag kakakilala ko kay Newt ay maintindihin syang tao, lalo na't alam nya nangyari kay Angge dati, pero bakit ngayon ay gusto nya sumama si Angge?

"We can't force Angge to come, alam naman natin kung anong nangyari kay Angge dati diba? Desisyon nya na wag sumama kaya sana ay hayaan nalang natin sya." Nakakaselos. Napapaisip ako minsan baka may gusto si Pau kay Angge dahil kung asan si Angge ay andun si Pau at lagi nya itong pinag tatanggol. Pero hindi ito ang tamang panahon para mag selos dahil may punto si Pau tungkol kay Angge.

"Tama! Mas magandang hindi na sumama si Angge. Ikaw, sa lahat ng tao dito sa kwarto, ang mas nakakaalam at nakakakilala sakanya" Punto ni Tony patungkol sa sinabi ni Newt.

"Bakit hindi natin bigyan ng ilang araw si Angge para makapag isip?" Tumingin si Newt kay Angge. " Kung hindi mo haharapin ang trauma mo sa nangyari dati sayo, hindi na ito mawawala, habang buhay ka nalang bang matatakot?"

"Uhmm. Sige pag iisipan ko at kailangan ko din kausapin ang nanay ko. Patawad dahil sa akin ay parang nag away away pa kayo." Maluha luhang sabi ni Angge.

"Basta Angge, kung di mo pa kaya, wag mo ipilit. May mga susunod pa." Payo ni Pau.

Pagkatapos namin mag usap usap ay inaya ko si Tony para kausapin sya ng kaming dalawa lang. Lumabas kami ng kwarto at nag usap.

"Tony, Sinabi mo ba kay Yssa ang sikreto ni Angge kaya bigla-bigla nalang itong tumulong kay Angge?" Diniretso ko na si Tony dahil wala rin akong mapapala kung paligoy ligoy pa.

"What?! No! Huli ko syang nakausap nung bata pa kami. Ay hindi pala, nung isang araw na nagkita kami dito sa hideout natin at 'Hi' at 'Hello' lang yun. At sabi ko naman sainyo diba? Hindi ko pa sya kayang kausapin".

Tinignan ko ang mga mata at ang galaw ni Tony para malaman kung nag sasabi ba sya ng totoo, at base naman sa mga ito ay totoo ang sinasabi. Kung totoo ang sinasabi ni Tony, bakit biglang tumulong si Yssa? Pag kakaalam ko ay hindi sila close, ang relasyon lang nila ay magkaklase sila.

"Tapos ka na ba? Pasok na ako. Wild talaga ng utak mo. Sumbong kita kay Pau e. Haha" Pang aasar niya at umalis na. Lahat ata sila alam na gusto ko si Pau at si Pau lang ang may hindi alam or baka alam nya pero ayaw nya lang pansinin. Ay ewan! Makauwi na nga lang.

Nag paalam na ako sa mga kaibigan ako para umuwi.

Angge's POV

Napaisip ako sa sinabi ni Newt. Tama sya, dahil kung hindi ko haharapin ang trauma ko ay habang buhay ko na itong dadalhin. Pero tama din si Pau, wag ko muna pilitin ang sarili ko na harapin ang isang bagay kung hindi ko pa kaya.

"Guys, tapos na tayo mag meeting? Uwi na ako. Binalitaan nyo nalang sana ako dahil wala man pala ako maiiambag. Hihi. Bye" Paalam ni Summer.
"Summer, sabay na ako." Tumingin ako sa mga iba kong kasama " Alis na ako, patawad at dahil sakin nag karoon pa ng diskusyon." Sabay sabay silang nag sabi ng 'wala iyon' kaya napangiti nalang ako dahil may mga kaibigan akong gusto ay maging masaya ako.

Habang nag lalakad kami ni Summer ay biglang nag salita si Summer

"Alam mo, ikaw lang ang makakasagot sa problema mo, kung ano man ang piliin mo na desisyon ay tatanggapin namin ito ng buong buo. Kaya wag mo masyadong pakaisipin ang sinabi nila at pakinggan mo kung ano talaga ang gusto mo mangyari. Mayroon ka pang ilang araw para mag desisyon. Kaya mo yan." Napangiti ako sa sinabi ni Summer.

"Buti nalang talaga at dumating ka. May naimbag ka naman e. Ayaw mo lang sabihin sa harap nila dahil alam mo na lolokohin ka lang nila at sasabihin na 'hoy! Si Summer ba ito? Nakulam na ata sya. Bakit parang nag bago. Di ko alam na lumalambot din pala ang pusong bato hahahaha' "Natawa si Summer dahil kuhang kuha ko daw ang ugali n Tony. "Pero dapat sinabi mo padin ang sinabi mo sa harap nila, malay mo ma inlove si Pau sayo hahahaha."

"A-alis na nga ako. A-ano ang mga pinagsasabi mo." Natawa nalang din ako dahil sa reaksyon ni Summer.

Habang paalis siya ay sumigaw ako ng 'Salamat' at tumingin nalang sya at ngumiti.

Kadating ko ng bahay ay agad kong kinausap ang nanay ko at sinabi ko ang mga naganap kanina.

"Tama ang sinabi ng mga kaibigan mo anak, nasayo nalang talaga ang desisyon kung ano gusto mo mangyari, kahit ano pa iyan ay susuportahan kita." Payo ni Nanay.

Lumipas ang ilang araw at napag desisyonan ko na kung ano magiging desisyon ko. Bukas na ang Camping Trip kaya pinuntahan ko si Mr. Marquez sa Opisina nya at sinabing sasama na ako sa Camping Trip. Malaki ang ngiti sa labi nya ng marinig ang sinabi ko at sinabi ko na wag mo na ipaalam sa mga kaibigan ko na sasama na ako. Gusto ko silang sorpresahin bukas at pumayag naman si Mr. Marquez.

Excited na ako na makasama mga kaibigan ko, kahit dala-dala ko ang trauma ay alam kong di ako pababayaan ng mga kaibigan ko. Sana maging masaya ang Camping Trip namin.

After ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon