"Hoy Mika! Sigurado ka?! Sa Baseball Club ka talaga sasali? Paano yung Dance Club na sasalihan mo sana? Hoy! Hindi ka marunong mag-baseball!" paulit-ulit na sigaw sa akin ni Lala habang naglalakad kami papunta sa room ng Baseball Club. Napapatingin din sa amin yung mga estudyanteng nadadaanan namin dahil sa ingay ni Lala.
"Oo naman kapatid, 101 percent sure!" nakangiting saad ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hawak ko ngayon yung form na finill-upan ko kanina at ipapasa na dun sa room ng Baseball Club.
"Wag mo akong makapatid-kapatid ngayon kasi seryoso ako!" tinawanan ko lang siya habang galit na galit ang itsura niya.
Hindi ko muna binigay itong finill-upan kong form kanina dun sa nagbibigay ng mga forms dahil mas gusto kong ako ang magbigay ng direkta sa club room nila para makita ko si Theo.
Kumatok ako sa pinto ng club room nila nang makarating kami ni Lala doon at pagkatapos ay binuksan ko iyon. Ako lang ang pumasok dahil badtrip pa din si Lala.
Bumungad naman sa akin ang mga trophies, certificates mga bat, gloves at bola sa may gilid, at iba pa.
Tumuloy na akong pumasok nang makita ko ang isang lalaking nakasalamin at nakaupo sa harap ng isang mahabang mesa sa gitna.
"Ahmmm..excuse me?" alanganing bati ko dito dahil parang may ginagawa itong importante.
Tumingin naman ito sa akin habang seryoso pa rin ang mukha niya. Natakot naman ako sa itsura nito dahil para itong mangangain ng tao sa sobrang seryoso. Pero kahit ganun ay masasabi kong gwapo ito, pero parang mas nangingibabaw ang pagka-cute niya.
Gusto ko tuloy kurutin yung pisngi niya."Yes?" sabi nito.
"Ahmm.. Saan po pwedeng ipasa itong registration form for Baseball Club?" tanong ko sa kaniya.
"Kindly put it there." sabi nito at itinuro kung saan ko ilalagay. Paglapit ko doon ay napasinghap agad ako dahil hindi ko akalain na ganun kadami ang nagpasa ng form sa Baseball Club. Pinatong ko naman agad yung sa akin doon at nagpaalam na kay Mr. Cute para lumabas.
Sakto namang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Theo na mukhang bubuksan din sana ang pinto.
Napanganga agad ako sa kagwapuhan niya. Hindi ko aakalain na mas gwapo pa siya sa malapitan. Grabe! Sobrang manly ng visuals niya tapos ang manly din ng amoy. Nakakababae!
"Aren't you going out?" masungit na sabi nito sa akin.
"H-Huh?" utal kong saad dahil galing pa ako sa pagkakatulala dahil sa kaniya.
"I said, you're blocking my way. Move!" galit nitong sigaw kaya naman bigla kong naisara yung pinto sa takot.
"Shit! Bakit siya naninigaw!" sabi ko habang sapo ko pa ang dibdib ko sa sobrang gulat.
"What is it, Miss?" hindi ko namalayan na lumapit na pala si Mr. Cute sa akin.
"Ah..sorry! Nagulat lang ako." sabi ko at ngumiti ng alanganin dito bago ko ulit binuksan yung pinto habang nakapikit ng mariin.
Unti-unti kong binuksan ang isang mata ko at nakita kong nandoon pa rin si Theo at halatang naiinip na ito dahil sa pag-igting ng kaniyang panga.
Gusto ko pa sanang titigan yung mukha niya kaso sumigaw na si Lala na nakatayo sa may likod ni Theo at halatang natatakot ito.
Hindi nakatiis si Lala at hinila na ako para makaalis ako doon sa may pinto ng Baseball club.
"Lala! Nakita mo 'yun?! Ang gwapo niya lalo sa malapitan! Waaah! Mas lalo tuloy akong ginaganahan sa pagsali sa Baseball Team." kinikilig kong saad habang naglalakad kami palayo dun sa club room.
"Sa sobrang kilig mo nakagawa ka tuloy ng katangahan. Ikaw ba naman pinagsaraduhan si Theo tapos ayaw mong umalis dun sa harap niya. Naku! Bad shot ka na agad sa kaniya."
"Anong sabi mo?!"
"Ang sabi ko, halatadong siya lang ang dahilan kung bakit ka sumali sa Baseball Club, ayaw pa naman daw niya sa mga ganun kaya lagot ka." may pagbabanta nitong sabi sa akin.
"Nakakainis ka! Bakit ka nananakot?!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo no!"
Maagang natapos ang aming klase dahil simpleng orientation lang naman sa loob ng klase ang nangyari. Kaya andito kami ngayon sa isang sportswear store para bumili ng jersey na susuotin ko sa tryout nextweek.
Kinakabahan man ako sa mangyayari sa aming tryout, excited pa rin kasi makikita ko ulit si Theo.
Natigilan naman ako sa pag-iisip ng kalabitin ako ni Lala. "Hoy, mamili ka na kung anong kulay." anito sa jersey na bibilhin ko.
Pinili ko yung isang white-striped jersey na may black na linings sa gilid. Kung walang checkered edi striped nalang. Madami pa kaming biniling iba't ibang equipments para sa baseball.
Bukas ay pupunta kami dun sa isang lugar na tinuro sa amin ni kuya James kung saan may batting cages. Nasabi kasi ni Lala na sasali ako sa Baseball Club.
"Bwisit!" inis kong sigaw dahil hanggang ngayon ay wala pa akong natitirang bola mula dun sa machine kung saan naglalabas ng bola para tirahin.
"Suko na ba kapatid?" pang-uuyam ni Lala sa akin.
"Hindi no!" sabi ko at nagready na ulit para tumira. "Para kay Theo!" sigaw ko bago tirahin yung bolang lumabas dun sa machine at sa wakas tumama iyon sa bat ko!
"Nakita mo 'yon kapatid?! Ang galing ko! Pang world champion!" proud kong sabi habang nakataas noong humarap sa gawi ni Lala.
"Tsumamba ka lang! Pero keep it up kapatid!"
"Yes naman kapatid! Salamat sa suporta mo! Hindi kita makakalimutan! Halika bigyan na kita ng autographed para di ka na mahirapan sa susunod."
"Saka na. May VIP pass naman." at nagtawanan kami sa mga pinagsasasabi namin.
"Uy! Sila kuya yun oh!" gulat na bulalas ni Lala nang makitang papasok ang kuya niya kasama ang iba nitong teammates.
"Kuya!" tawag nito sa kaniyang kapatid.
"Oh, Lalaine, bakit nandito kayo?" tanong nito at napatingin sa akin. "Ah nagpa-practice pala si Mika."
"Oo kuya. Nagpasama ako kay Lala." sambit ko sa kuya ni Lala. Tumango naman ito.
"Bakit pala kayo nandito kuya?" kuryusong tanong ni Lala sa kapatid.
"Nandito kasi si Theo. Pinuntahan lang namin." sagit nito at nanlalaki ang mga mata na napatingin kami ni Lala sa isa't isa.
"Oh ayun pala siya." sabi ng kiya niya at napatingin kami sa tinuro nito at ganun na lamang ang gulat namin ni Lala nang makitang nakatingin sa amin si Theo habang may hawak na bat.
Patay! Nakita niya kayang ang tanga ko maglaro ng baseball? Nakakahiya!
**
Short update!
Don't forget to vote and leave some comments guys!
BINABASA MO ANG
Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)
General FictionSporty Princess #2: Walang alam si Mika sa kahit anong sports hanggang isang araw, niyaya siya ng kaibigang si Lala na manood ng baseball game ng kuya nito. Kahit wala itong ideya kung paano laruin ang baseball ay sumama pa rin siya dito at doon niy...