Ang akala ko nung una basketball at volleyball players lang ang sumisikat dito sa Pilipinas, especially ang mga players na kasali sa SAU League. Hindi ko inaasahan na maging baseball pala ay ganun din.
Magmula nang maipalabas ang interview ko sa sports channel kung saan pinapalabas ang mga SAU Games, dagsaan na din ang mga fans ko at lumobo na ng tuluyan ang mga followers ko sa aking mga social media accounts.
Nagtuloy-tuloy din ang panalo namin kaya naman mas nakadagdag iyon sa kasikatan ko at ng aming team sa larangan ng baseball. Ganun din sa men's team.
At gaya nga nga ng sinabi ko, the day before our game, I made sure that Theo and I will make love. Kakaiba man pero parang iyon ang naging energizer ko.
Kumakain kami ngayon ni Lala sa cafeteria ng makita ko si captain na kasalukuyang naghahanap ng mauupuan. Mag-isa lang siya at saktong may isang vacant seat pa dito sa aming square table ni Lala. Yung isa kasi ay kinuha nung isang babae sa katabing table namin.
"Captain!" tawag ko sa kaniya. Napalingon naman agad ito sa akin kaya sumenyas ako na dito nalang siya maupo sa tabi namin ni Lala.
Ngumiti ito sa akin at saka nagtungo sa aming table.
"Hi." bati nito sa aming dalawa ni Lala. Ngumiti lang si Lala sa kaniya habang ako naman ay agad siyang inasikaso na parang bisita ko.
"Bakit mag-isa ka lang captain?" tanong ko sa kaniya nang makaupo ito.
"Ngayon mo lang ba ako nakita dito sa cafeteria? Palagi akong mag-isa." I can sense some bitterness by the way she said thise words. Nacu-curious ako kung bakit palagi siyang binubully ni Emily at kung bakit palagi lang siyang mag-isa lang at walang kasama.
"Yeah. Ngayon ka lang namin nakita dito." saad ko. "Ah by the way, siya pala yung bestfriend ko, si Lala. Lala, team captain namin, si ate Elena."
"Hi! Nice to meet you." bati nilang dalawa sa isa't isa.
"Sorry ate Elena, pero kanina oa ako curious kung bakit lagi kang mag-isa. Mind if you can share with us the reason?" sabi ni Lala. Sinipa ko pa ito sa ilalim ng tabke dahil medyo sensitive yung tanong niya.
"Okay lang captain kahit di mo sagutin." sabat ko agad.
Ngumiti ito sa amin bago binaling ang tingin sa kaniyang pagkain. Akala ko hindi na ito magsasalita pero nagulat ako nang magsimula itong magkwento.
"Last year, nasa peak na kami para makamit ang championship. Pero dahil sa pagkakamali ko, natalo kami. Ako yung nakabantay sa center outfield that time. I thought makacatch ko na yung bola pero may biglang pulang ilaw na tumama sa mata ko kaya nagkamali ako sa pagcatch at iyon ang dahilan kung bakit nakapag-homerun ang Stuartz. Sinisisi ng mga kaibigan ko, sinadya ko daw yun dahil daddy ko ang coach ng Stuartz. Some of them graduated already, si Emily nalang ang natitira." mataman lang kaming nakikinig ni Lala sa kwento niya. Nagulat naman ako dahil magkaibigan pala sila ni Emily.
"I tried to explain to them pero ayaw nila akong pakinggan. Mahalaga ang championship na iyon sa amin last year dahil isang karangalan iyon sa mga kaibigan naming gagraduate as a champion. Kaya maging sila ay galit din sa akin. Kaya iyon naiwan akong mag-isa. I tried to reconsile with Emily pero wala na talaga."
Nalulungkot akong makitang ganito kahina si Captain. Every practice parang napakasungit niya dahil seryoso ito iyon pala ay may pinagdadaanan din siya.
"Hello my sisters!!" napatingala kami sa maingay na lalaking umakbay sa amin ni Lala. Hindi na kami nagulat nang malamang si kuya James iyon. Hinampas pa siya ni Lala dahil kinain nito yung hindi pa nagagalaw na burger niya.
BINABASA MO ANG
Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)
General FictionSporty Princess #2: Walang alam si Mika sa kahit anong sports hanggang isang araw, niyaya siya ng kaibigang si Lala na manood ng baseball game ng kuya nito. Kahit wala itong ideya kung paano laruin ang baseball ay sumama pa rin siya dito at doon niy...