"Bakit ang tagal niyo?" nagtatakang tanong ni Lala sa amin pagkapasok sa condo. Tulog naman na si Peter na nakaunan sa lap nito.
"N-Napasarap lang sa kwentuhan doon sa matandang nakasalubong namin ni Theo." naniningkit ang mga matang tumitig ito sa akin.
Alam kong hindi ito naniniwala sa excuse ko kaya nama nagpaalam na ako na matutulog na at saka hinila si Theo sa loob ng aking room.
Hindi ko na iyon nilock para hindi maghinala si Lala. Dahil sa pagod at medyo lasing kami ni Theo ay bumagsak agad kami sa kama at saka natulog.
Lumipas ang mga araw pero hindi ko pa nakikita ni isang beses si captain. Maging sa cafeteria at sa mga usual nitong tinatambayan ay wala siya. Hindi ako sigurado kung pumapasok pa ito dahil maluwang ang school at magkaiba kami ng sched maliban sa lunch break.
"Alam niyo na ba yung balita?" wika ng isa sa mga seniors namin. Kasalukuyan kaming nagpapahinga dahil kakatapos lang ng aming matinding practice.
Lumapit naman ang iba naming teammates sa kaniya para pakinggang ang sasabihin nito.
"Nakipagtune-up game ang Stuartz sa Women's National Baseball Team kahapon?" pagkarinig ko sa sinabi nito ay naging interesado agad ako sa binakita nito.
"Paano mo nalaman?"
"Sinong nanalo?"
"Di ba nasa training pool na si Natalia ng National Team?"
"Oo pero baka sa under 23 pa muna siya mapunta. Madaming mas magagaling sa kaniya sa national team eh."
Isa-isa nman nitong sinagot ang ibang mga tanong na iyon ng aming mga teammates.
"Kasama ko si Joy na nanood nung tune up game nila. Hindi naman bawal manood basta hindi lang pwedeng mag-video record. Nanalo ang National team pero halos dikit lang ang laro. Gumaling din si Natalia at-" tumingin ito sa akin. "Halos kagaya na ng ibang mga pitches ni Mika ang ginagawa nito. Mukhang pinag-aralan ka ng husto."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nalamang iyon. Matutuwa ba ako dahil isang karangalan para sa akin na mapag-aralan dahil baguhan lang naman ako sa baseball o ang matakot dahil alam na nila ang style ko at baka iyon pa ang magbunga ng pagkatalo muli namin.
Hanggang sa matapos ang aming practice ay iyon pa din ang iniisip ko.
"Care to share?" napatingin ako sa katabi kong si Theo na kasalukuyang nagmmaneho ng kaniyang kotse para ihatid ako sa aming condo.
"Napapaisip lang kasi ako tungkol sa sinabi ng mga teammates ko. They said na gayang-gaya na daw ni Natalia ang playing style ko at iyon ang ginamit niya kahapon sa tune up game nila against the national team." sagot ko.
Natigilan ito sa sinabi kong iyon. Hindi naman nagtagal at nakarating na kami sa tapat ng condo. Hindi naman muna ito kumilos at ganun din ako.
"Hindi ko alam ang mararamdaman ko, mafla-flattered ba ako kasi syempre di ba baguhan lang ako sa sports na ito tapos pinag-aralan ako ng isang malakas na team o matatakot kasi magiging posibilidad iyon na matalo kami."
Ngumiti ito bigla sa akin.
"You know what that means? They see you as a threat. Hindi nila alam kung papaano ka tatalunin kaya mas ginawa nalang nilang gayahin ka. Pero mas matibay at magaling pa rin ang original kaysa fake. Remember that."
Ngumiti ako pabalik sa kaniya bago tumango.
"Veindane University will advance to the Women's Baseball Finals!"
Kakatapos lamang ng aming semifinals match against Wilhelm University. Masiyadong dikit ang aming laban. Mabuti nalang at fly ball ang huling tira ng Wilhelm kung kaya't na-catch namin agad iyon at nagdeklara ng aming pagkapanalo.
BINABASA MO ANG
Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)
General FictionSporty Princess #2: Walang alam si Mika sa kahit anong sports hanggang isang araw, niyaya siya ng kaibigang si Lala na manood ng baseball game ng kuya nito. Kahit wala itong ideya kung paano laruin ang baseball ay sumama pa rin siya dito at doon niy...