Chapter 11

21K 512 60
                                    

Magmula nung sinagot ko si Theo, palagi na akong hatid-sundo nito kahit ang lapit lang naman ng condo namin sa school.

And days have passed, sinabi nitong nag-improve na daw ako sa batting at pitching. Maging si coach ay napansin din ang development sa skills ko kaya naman sinabihan ako nitong ipagpatuloy lang ang pag-eensayo.

Sabay din kaming mag-jogging ni Theo sa baseball field at doon niya ako tinuturuan kung papaano mapabilis ang aking pagtakbo.

Kailangan ko ding i-build ang stamina ko kaya naman kung anu-anong healthy foods ang binili namin at sinusundo ako nito papuntang apartment niya para doon mag-gym.

"Shit! If he didn't dive and continued running, he might be hit the first base before the fielder does. Sayang!" hindi ko maiwasang sabihin iyon dahil disappointed ako doon sa ginawa nung runner. Kailangan nilang humabol ng runs pero dahil doon ay mukhang wala na naman silang pag-asang maka-homerun sa pang-pitong inning.

"You can't blame him, they are trained to do that, it's just that, the defenders are so fast that he didn't expect it coming so he just dive thinking he might hit the first base ahead of the defenders." wika nito habang nakaakbay sa akin at nanonood din ng baseball game.

Rest day namin ngayon kaya nandito ako sa apartment niya para manood at mag-aral muli nang iba't ibang tactics sa baseball.

Magaling kasi ang trainor ko kaya tiwalang-tiwala ako sa kaniya.

Tambay na ako kapag rest day namin dito sa apartment niya kaya ang dami ko nang collection ng hoodies niya. Isa-sauli ko sana yung unang hiniram ko pero sabi niya akin na lang daw yun para kapag sinuot ko daw yun, parang nakayakap na din daw siya sa akin. Ang cheesy no? Di ko din inexpect na may ganun siyang side.

Right now I'm wearing his seventh hoodie that I borrowed. Pero last na to. Nagcollect lang talaga ako ng pito para isang linggo. Pero joke lang yun. Nahihiya na ako kahit gusto-gusto niyang ibigay ang mga hoodies niya sa akin.

Dumating na din ang pizza and chicken wings na inorder namin. Kumuha din ito ng dalawang beer in can kasi iyon ang request ko. Hindi naman ito nagulat malaman na umiinom ako. Nagbiro pa ito na may kasama na daw siyang maglasing. Baliw lang.

"Two months from now, start na ng new season ng Baseball and exactly one month from now, malalaman na kung sinu-sino ang mapapabilang sa mga regulars." wika nito habang nanonood pa rin kami ng baseball match sa kaniyang TV.

Nakaupo ako sa pagitan ng kaniyang hita habang nakasandal ako sa kaniyang dibdib. Hawak ko naman sa isang kamay ko ang beer in can na iniinom.

"Tingin mo? Makakapasok ako?" tanong ko sa kaniya habang nilalaro ang mga daliri sa isang kamay niya na nakapalibot sa aking baywang.

"Of course, you will." sagot agad nito.

"You're just saying that because I'm your girlfriend."

"Nah. I believe on you and your skills so I know you would make it. Wanna bet?"

Natawa ako nang marealize ang bet na iyon. "Parang ang sama naman na makikipagpustahan ako na sa side ko ang hindi mapipili. So ayoko." natawa din siya ng marealize iyon.

We just continue watching, eating, talking and drinking until we both fell asleep on his sofa bed.

Kinabukasan ay balik practice ulit kami.

"Faster!!!" sigaw ng aming coach habang tumatakbo kami.

Twenty laps ang kailangan naming tapusin dito mismo sa loob ng baseball field. Pero hindi lang pagtakbo ang ginagawa namin ngayon, may nakasabit din na isang gulong sa aming baywang kaya iyon ang nagpapabagal sa aming pagtakbo.

Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon