Medyo SPG
Sandali lang kami nakapag-usap ni Theo dahil kailangan naming bumalik agad sa school bus para sabay sabay kaming makabalik sa school.
Inulan pa kami ng panunukso ng mga teammates ko bago ako nagpaalam kay Theo. Sinabi naman nito na magkita nalang kami sa school at siya na ang maghahatid sa akin sa condo.
Pumayag naman ako at nang makarating kami sa school ay nakita ko na agad siya doon sa harap ng school na nakasandal sa gilid ng kaniyang kotse.
Umayos naman ito ng tayo nang makita akong papalapit sa kaniya. Kinuha nito ang sports bag ko at saka inilagay iyon sa backseat ng kaniyang kotse.
"You did great earlier." wika nito habang nagmamaneho.
"Talaga?! Thank you!" masayang sambit ko.
"Your personal trainer did a really good job right?" biro nito. Naiparap naman ako sa kaniya atsaka tumawa. Minsan lang kasi magbiro ito kaya dapat sakayan ko na. Baka magtampo eh.
"Kidding aside..This is just the start but I'm so proud of you already." sinsero nitong saad.
"Baby, stop the car." utos ko sa kaniya. Nagtataka man pero tinigil pa rin nito ang kotse sa isang gilid malapit sa aming condo.
"What--" naputol ang sasabihin nito ng pumatong ako sa kaniya at saka hawakan ang magkabilang pisngi ng kaniyang mukha bago ko siya agresibong hinalikan.
Sobrang nasanay na ako sa ganitong posisyon kada hahalikan ko siya. Napaka-kumportable kasing umupo sa lap niya. Hindi naman ito umangal at hinalikan pa ako ng mariin. Bumitaw lang kami sa isa't isa ng pareho kaming kinapos sa hangin.
"Suddenly?" he said. Hinihingal pa rin kami.
"Sobrang happy lang ako." sabi ko at pinatakan siyang muli ng halik sa labi bago bumalik sa upuan ko.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa condo. Aayain ko pa sana siyang pumasok sa aming unit pero alam kong kailangan nitong magpahinga para sa game nila bukas.
Papadilim na din kasi. Ayokong mapagod pa ito lalo na sa pagbiyahe kaya naman nagpaalam na ako sa kaniya.
"Good luck bukas." I said then kissed him again. Nakayakap kasi ako ngayon sa kaniya.
"Manonood ka?" he sounds so hopeful. Tumango naman agad ako bilang sagot.
"Then gagalingan ko bukas. Sana may reward ako." bulong nito sa huling sinabi pero rinig ko naman.
"Oo na may reward ka kapag nanalo kayo." tuwang-tuwa naman ang loko. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na ako na papasok n sa condo. We shared one last kiss bago ako bumaba sa kotse niya.
Kinabukasan...
Did Theo really strike out all Traelhore's Mens Baseball Team in all nine innings?!
Damn! My boyfriend is a beast! Hindi man lang pinasubok tumakbo ang kalaban, diretso tatlong strike out agad.
Kumaway lang ako sa kaniya matapos ang laro. Hawak ko pa sa kabilang kamay yung banner na ginawa ko para sa kaniya. Pagkatapos makabalik nina Theo sa locker room ay inaya ko na si Lala na umalis. Tinext ko si Theo na sa apartment na lang niya ako maghihintay.
Matagal na niyang binigay sa akin ang spare key nun pero ngayon ko lang gagamitin. Hindi naman nakanood sina Tita Zara at Tito Tom ganun din ang mga kapatid ni Theo dahil busy silamg lahat sa company at sa pag-aaral.
Nang makarating ako sa apartment nito ay diretso agad ako sa kaniyang kitchen para magluto mg dinner namin. Sabi niya kasi ay hindi na siya sasama sa dinner celebration ng team at diretso uwi na ito para makasama agad ako.
BINABASA MO ANG
Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)
General FictionSporty Princess #2: Walang alam si Mika sa kahit anong sports hanggang isang araw, niyaya siya ng kaibigang si Lala na manood ng baseball game ng kuya nito. Kahit wala itong ideya kung paano laruin ang baseball ay sumama pa rin siya dito at doon niy...