Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari dun sa batting cages noong isang araw. Grabe nakakahiya!
Bakit kasi nandoon pa si Theo! Oo gusto ko siyang makita pero sana naman nasa timing. Baka nakita niya yung katangahan ko maglaro doon.
Ang sakit pa rin ng braso ko hanggang ngayon dahil sa madaming attempts na ginawa ko para tirahin yung mga bolang automatic na lumalabas dun sa machine.
Pero baka hindi naman niya ako napansin di ba? Assumera lang siguro ako masiyado. Kaya para mawala at maibaling sa iba itong mga iniisip ko, nagresearch na lang muna ako about sa baseball. Para naman kapag tryout na, may alam ako kahit papaano.
Nanood din ako ng mga videos sa Youtube. Mas maganda sana kung habang pinapanood ko ito, ginagawa ko na din para matuto agad ako.
Grabe parang ang simple lang ng baseball kung titignan, simpleng bato ng bola, titirahin tapos takbuhan pero kumplikado din pala. Pero kahit kumplikado, alam mong nakakaenjoy yung laro.
Mula nang mabasa ko kung paano yung mga mechanics at rules sa game ay mas lalo akong na-curious at nagustuhan ang sports na ito.
Pero mas lalo akong nagkainterest sa Pitcher Position. Dahil sa kaniya magmumula or magstart ang laro. At nakadepende sa paghagis nito ang kakahitnan ng magiging laban.
"Hoy kapatid! Gising ka na! Male-late na tayo!" sigaw ni Lala sa labas ng pinto ng room ko at sinabayan pa ito ng nakakabinging katok.
"Oo na! Tigilan mo na yan! Ang sakit sa ulo!" kahit antok na antok pa ako ay napilitan akong bumangon para maghanda sa pagpasok sa school. Napuyat ako kagabi dahil sa pagre-research about baseball.
I wore another red checkered long sleeve polo. Hindi ko na ito binutones at nagsuot nalang ako ng isang black spaghetti strap top sa loob pagkatapos ay sinuot ko ang aking maong shorts and my black lace-up short boots.
Sa Veindane kasi, walang pakielamanan kung ano ang gusto mong isuot, basta comfortable ka sa suot mo but Friday is an exception, may uniform kaming sinunod at dapat suotin sa araw na ito. Iisang uniform lang ito kahit anong course mo.
"Oh himala at nag-shorts ka?" sabi ni Lala nang makalabas ako mula sa kwarto ko.
"Mainit kasi."
Lumabas na kami sa condo at naglakad na patungong university. Magkaklase kami ni Lala kaya palagi kaming magkasama kahit saang lakad kasi same schedule lang naman kami.
"Punta tayong mall later?" anyaya ko kay Lala na kasalukuyang nagbabasa ng libro. Nandito kami ngayon sa library dahil may one hour vacant kami.
"Ano namang gagawin mo dun?"
"Maglalaro sa timezone." sagot ko.
"Tss.. mag-aral ka nalang, tsaka pag-aralan mo nang mabuti yung baseball para di ka mangapa sa tryout niyo."
"Sungit nito." nakasimangot kong sinabi sa kaniya. Matutulog sana ako nang makita ko si Theo na papasok dito sa library kaya naman impit akong napatili. Nagtatakang napatingin naman sa akin si Lala at nginuso ko nalang ang nakatalikod na si Theo. Kausap nito yung librarian.
"Wag ka ngang pahalata."
"I can't help it! Ikaw kaya kiligin." sabat ko. Napansin kong kasama ni Theo si Mr. Cute guys dun sa club room. Nakasuot pa rin ito ng glasses niya pero kitang-kita ang ka-cute-an nito.
Napatulala lang ako kay Theo habang papalapit sila sa pwesto namin ni Lala. Itinodo ko ang ngiti ko nang malapit na sila sa amin kaso ay lumiko ito at pumunta doon sa isang shelf para hanapin siguro yung book na sadya niya rito.
BINABASA MO ANG
Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)
Fiction généraleSporty Princess #2: Walang alam si Mika sa kahit anong sports hanggang isang araw, niyaya siya ng kaibigang si Lala na manood ng baseball game ng kuya nito. Kahit wala itong ideya kung paano laruin ang baseball ay sumama pa rin siya dito at doon niy...