"Abigail! Emily! Mika!" tawag ni coach namin. Lumapit kami agad sa kaniya para marinig ang mga instructions nito sa amin.
Nasa ika-walong inning na kami ngayong first game ng finals at dikit ang aming mga score. Nasa defense kami at sila ang nasa offense.
Medyo hirap pa rin kami dahil sa iniwang position ni captain. Kaya naman kayod kalabaw ang mga fielders namin sa pagcover sa pumalit sa position na iyon.
"Inaasahan ko kayong tatlo. Kailangang hindi makascore ang Stuartz dito at sa huling inning. Maliwanag ba?"
"Yes coach!"
Bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming mga pwesto.
Nagready na din ako para sa gagawing kong pitch.
"Go ate Mika!"
"Go Mika!"
"Go anak!"Lihim akong napangiti ng marinig ko ang nga cheer na iyon mula sa mga mahal ko sa buhay. Sina Mama, Lala, mga kapatid at magulang ni Theo, at alam kong kahit hindi ko naririnig ang cheer niya ay nakatutok ito sa lahat ng kilos at galaw ko.
"Strike!" ani ng referee sa unang pitch ko.
"Yes!"
Nagpatuloy pa iyon at ganun na lang ang hiyawan ng mga teammates, coaching staffs at mga supporters namin ng makadalawang sunod na strike out na ako.
Sumunod na si Natalia. Naghanda akong muli para sa pagpitch ko. Alam kong nagaya nito ang playing style ko pero ipapakita ko lang sa akniya kung sino ang orihinal.
"Strike!" napangisi ako dahil hindi nito inaasahan ang pitch na ginawa ko. Sumama ang tingin niya sa akin at mas lalong sumeryoso ang kaniyang ekspresyon sa mukha.
Ngumisi lang akong muli bago inayos ang suot kong sumbrero at saka nagready na ulit sa pagpitch.
"Strike!"
"Isa nalang Mika!!!" sigaw ng mga teammates at coaches ko.
Huminga ako ng malalim bago muling ibinato ang bola patungo sa strike zone. Parang slow motion ang nangyari at lahat ay nakaabang kung matitira pa ito ni Natalia o hindi.
Mabilis ang tibok ng aking puso habang papunta ang bola sa kinaroroonan ni Natalia.
Sa isang iglap ay nakita kong nag-swing ang bat ni Natalia hudyat na tinira na nito ang bola.
Lahat ay natigilan pagkatapos. Parang tinatambol naman ang puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko habang hinihintay ang desisyon ng referee.
Walang lumipad na bola. Ibig sabihin ay hindi iyon natira ni Natalia. Tumingin akong muki sa catcher at tumango ito sa akin bago ibinalik ang tingin sa referee na ngayon ay handa ng sabihin ang magiging desisyon nito.
"Strike Out!" malakas nitong anunsyo.
Tila natanggal ang isang mabigat na nakapasan sa akin dahil sa tuwang nararamdaman ko. Naalis ang kabang kanina pang bumabagabag sa akin.
Tumingin ako sa mga teammates ko na tumatalon sa kasiyahan. Agad akong lumapit sa kanila na ngayon ay nasa
at saka kami nag-group hug. Maging si Emily ay hindi napigilan ang tuwa at nakisabay din sa aming masayang celebration."Sandali, hindi pa tapos ang laro. Marami pang pwedeng mangyari sa huling inning." wika ko.
"Okay team. Importanteng-importante ang huling inning na 'to. Kailangan nating maka-homerun kahit anong mangyari. Maliwanag ba?!" si coach.
"Yes coach!" sagot naming lahat.
"Pero coach, kailangang-kailangan natin ng isa pang magaling na batter. Hindi kakayanin nina Abigail, Emily at Mika at ng iba pa ang makapaghomerun agad. Nasa forty percent lang ang homerun natin sa nakalipas na mga laro." wika ng aming team manager.
BINABASA MO ANG
Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)
General FictionSporty Princess #2: Walang alam si Mika sa kahit anong sports hanggang isang araw, niyaya siya ng kaibigang si Lala na manood ng baseball game ng kuya nito. Kahit wala itong ideya kung paano laruin ang baseball ay sumama pa rin siya dito at doon niy...