Chapter 32

15.7K 467 104
                                    

This is it!

Hindi ko lubos maimagine na nandito na kaminsa puntong ito kung saan malapit na naming makamtan ang kampyeonato.

Sobrang kakaiba sa feeling at parang kanina ko pa gustong simulan ang laro sa sobrang excitement.

Mas madami din ang taong nanoniid ngayon kumpara sa mga nakalipas naming laro. Natanaw ko din si mama na kasama sina Lala, Peter at syempre si Theo. Dumating na din ang parents ni Theo dahil natanaw nasa tabi sila ni Theo.

Excited na din ako kung paano ito magcheer sa akin mamaya.

Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang laro. Kami muna ang titira habang ang Stuartz ang nasa defense.

Unang batter si Abigail, susunod si Emily pagkatapos ay ako.

"Go Abi!" cheer naming lahat sa kaniya habang naman focus ito sa gagawing pitch ni Natalia.

Laking tuwa namin at ng mga manonood nang matira nito ang bola at mabilis na tumakbo. Sumunod si Emily at sa pangalawang pitch ay natira nito ang bola.

Dahil tapos na ang dalawa, ako na ang susunod. Nagfocus ako lalo na dahil sa akin nakasalalay ang una naming homerun sa larong ito. Nasa pangatlong base na si Abigail at pangalawa naman si Emily.

"Okay.." bulong ko sa sarili bago huminga ng malalim at nagconcentrate sa pitch ni Natalia.

Pero natigilan ang lahat maging ako ng biglang magcheer ng malakas si Theo.

"Girlfriend ko 'yan!"

"Huh?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita itong nakatayo hawak ang isang banner na may nakasulat na 'Go my baby love! Throw some ass!"

What the f*ck?!

Ang iniisip kong cheer na gagawin niya ay yung simpleng pagcheer lang sa pangalan ko pero mas grabe pa ang ginawa nito. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang biglang magsitayuan din ang mga teammates nito na nasa kabilang gilid nila at parang mga chearleader dahil sa pare-perehong steps na ginagawa.

Maging si Theo ay nakisayaw na din kaya naman ganun na lang ang tuwa ko lalo na at parang nage-enjoy ito.

Ngayon ko lang makitang maging cheerful si Theo at maging ang mga manonood kahit supporters ng Stuartz ay tuwang-tuwa at kinikilig sa kaniya.

Nagbigay naman ng hudyat ang referee na magresume na sa laban.

Huminga ako ng malalim at ibinalik ang konsentrasyon sa gagawing pitch ni Natalia.

At ganun nalang ang tuwa ko nang matura ko agad iyon sa unang hagis palang niya kaya mabilis kaming tumakbo para makarating sa kaniya-kaniyang bases.

Nakarating si Abigail sa home base, si Emily sa third base at ako sa first base. Dahil doon ay nakapagscore na kami ng isang base.

Sumunod na batter ay si captain. Laking tuwa ng buong team dahil nakapagtala kaming muli ng isa oang homebase hanggang sa matapos ang unang inning na iyon na nakapagtala kami ng tatlong homebase.

Kami na ngayon ang nasa defense kaya naman mabilis akong pumwesto at naghanda sa gagawing paghagis ng bola sa kalaban.

Pilit kong tinatago ang ngiti at ituon ang buong konsentrasyon sa gagawing pagpitch kahit dinig na dinig ko dito ang malakas na cheer nina Theo.

Nagpatuloy ang laro at magchi-cheer lamang sa akin si Theo kapag turn ko na sa batting at kapag magsisimula na akong magpitch kada inning.

Sa nakalipas na mga innings ay medyo nakakahabol din ang Stuartz sa amin pero mas lamang pa din kami ng tatlong inning.

Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon