"Go! Go! Go!" sigaw ni coach, hawak ang timer nito habang nagpapractice kami sa pagtakbo mula homeplate patungong first base. Kailangan naming mabeat ang previous self record sa pagtakbo.
"Gomez! Kaunting bilis pa!" sigaw ni coach sa akin kaya naman umulit ulit ako sa homebase at naghintay ng cue para sa pagtakbong muli.
Halos isang oras na namin itong ginagawa at nagsisimula nang manigas ang mga muscles ko sa aking mga paa. Natapos nang tumakbo ang nasa harap ko kaya naman nagreafy na ulit ako at sa hudyat ni coach ay tumakbo ulit ako ng mabilis, mas mabilis pa kaysa sa mga nauna kong tinakbo kanina.
"Good job Gomez! Pwede ka nang magpahinga!" sabi ni coach sa akin kaya naman pumunta agad ako sa bench area at naabutang nakupo doon si Abigail kasama si captain.
Tipid itong ngumiti si akin bago ibinaling sa ibang direction ang tingin kaya naman dumiretso nalang ako sa tabi ni Abigail. Nag-offer agad ito ng tubig sa akin. Pagkatanggap ko nun ay naupo na ako sa tabi niya.
"Mas mahirap talaga ang training kapag nasa college na. Kahit sanay na ako sa pagbe-baseball naninibago pa rin ang katawan ko sa mabigat na training natin ngayon." wika ni Abigail habang inuunat nito ang kaniyang mga binti na katulad sa akin ay medyo nangangalay na.
"Oh ano? Suko na ba mga baguhan?" pang-aasar ni Emily sa amin pero agad itong natigilan at umalis nang makitang papalapit sa amin ang grupo nina Theo.
"Hi!" bati ko sa kaniya nang makalapit ito sa akin. Yumuko agad ito at hinalikan ang noo ko kaya napalayo agad ako.
"Hoy, pawis na pawis kaya yung noo ko!" reklamo ko habang nakahawak sa parte ng noo kong hinalikan nito.
Humagalpak naman sa tawa si Abigail na nasa tabi ko. "Kapag talaga inlove, wala nang pakialam kung dugyot yung mahal niya."
"Hoy di ako dugyot ha!"
"Hoy wala akong minention." sagot agad ni Abigail habang tawa pa rin ng tawa. Naiiling lang si Theo sa amin at saka umupo din ito sa tabi ko.
"How's your practice?" tanong nito sa akin nang makaupo ito ng maayos.
"Mahirap, pero I think natuto agad ako. Baka after ng one week training na ito magka-muscles na ako kagaya mo." biro ko sa kaniya. Nagulat qko dahil natawa ito sa biro ko. Waley kaya nun.
"Much better, more build muscles, more stamina, more rounds." bulong nito sa akin. Napatakip agad ako sa bibig habang nanlalaki ang nga matang tumingin sa kaniya. Nag-dirty talk ba ito sa akin?!
Ngumisi lang ito sa akin bago ipinatong ang kamay nito sa sandalan ng bench sa likuran ko.
"You're so cute when you blushed." bulong ulit nito kaya mahinang hinampas ko ang hita nito na nakadikit sa isang hita ko.
Hindi naman nagtagal ay nagsimula ulit ang panibagong drills namin. Nagfocus na ulit ako doon. Lahat ng itinuturo ni coach ay sinusunod ko kaya naman mabilis kong matutunan ang mga tricks na tinuturo nito.
Natapos na ang practice namin sa araw na iyon kaya naman naghanda na kami sa pag-uwi. Dahil sa nangyari sa akin noong Selection Day, hindi kami nagsabay maligo ni Abigail at hinintay ako nitong matapos at ganun din ang ginawa ko sa kaniya upang mabantayan ang gamit namin.
Mas mabuti na ang maingat. Matapos naming mag-ayos ni Abigail ay sabay na kaming lumabas. Naabutan naman namin sa labas si Theo na naghihintay sa paglabas namin. Prenteng nakasandal lang ito sa isang pader habang nakapamulsa ang mga kamay nito. Ang hot niya tignan sa ganung ayos.
Hindi ko naman namalayan na napakagat ako sa ibabang labi ko kaya tinampal ako ni Abigail na nasa tabi ko pala.
"Ouch!"
BINABASA MO ANG
Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)
General FictionSporty Princess #2: Walang alam si Mika sa kahit anong sports hanggang isang araw, niyaya siya ng kaibigang si Lala na manood ng baseball game ng kuya nito. Kahit wala itong ideya kung paano laruin ang baseball ay sumama pa rin siya dito at doon niy...