Chapter 25

15.6K 421 17
                                    

Slight SPG

"Go Kaye!"

Nakaabang na kami para sa huling chance ni Kaye sa batting. Mataman kaming nakatingin ni Emily sa kaniya.

Ganun nalang ang panlulumo naming lahat nang hindi nito natira ang panghuling pitch sa kaniya at tawagan ito ng strike out.

Nahirapan din ang mga sumunod naming batters kaya naman hindi na kami nakapaghomerun pa.

"Gomez! I don't want to pressure you pero nakasalalay sa iyo ang pagkapanalo natin sa game na ito. Make sure to strike them all out." sabi ni coach sa akin.

Binilinan din nito ang mga ibang defenders na maging alerto kung sakaling ma-hit ng mga players ng Stuartz ang pitch ko.

Huminga ako ng malalim bago nagtungo sa aking pwesto. Chineck kong muli ang aking gloves na suot at inayos ang sumbrero ko.

Nagsimula na ang pagpitch ko. Tinawagan ako iyon ng 'ball' na ibig sabihin ay hindi iyon dumaan sa strike zone.

Isang ball pa ang itinawag mula ng referee kaya naman nagtime muna ang team at kinausap ako ng aming catcher. Matapos akong kausapin ay tumingin ako sa gawi ni Theo.

He gestured me to stay focus. Ginawa ko naman.

Sa sumunod na paghagis ko ay nakapagstrike na ako.

"Yes!!" sigaw ng mga teammates ko.

Nagfocus akong muli at hindi inalintana ang maingay na paligid dahil sa mga nagsasayang supporters namin.

"Waaah!!!" hiyawan muli ng mga audience nang ma-strike out ko ang pangalawang batter ng Stuartz.

Sumunod na si Natalia sa pag-bat. Parang may kung anong sumapi sa akin sa mga oras na iyon at parang mas ginanahan akong magpitch.

Iniharang ko sa kalahati ng aking mukha ang mga kamay ko kaya ang isang mata ko lamang ang tanging nakakakita sa oras na iyon.

Tumingin ako sa gawi ni Natalia at saka ngumisi sa kaniya. Nagulat ito sa ginawa kong iyon kaya naman sinamantala ko ang pagkakataong iyon para ibigay ang pinakamalakas kong curveball sa kaniya.

Tila mabilis na kidlat lamang iyon na nakarating sa kaniya ngunit hindi nito iyon nagawang tirahin. Tulala ito habang nakaswing ang kaniyang bat ngunit walang bolang tumama doon.

"Strike!" sabi ng referee. Binato sa akin ng aming catcher ang bola at sinalo ko ito gamit ang kamay kong may suot ng gloves.

Nagready na akong muli para sa pagpitch. Sa ngayon, doon naman ako sa coach ng Stuartz tumingin. Nagtataka ito kung bakit ako nakatingin sa kaniya.

Umayos akong muli at naghanda na sa pagpitch. Isang slider ang aking ginawa kaya naman hindi iyon napaghandaan ni Natalia at nakapahtala ako ng pangalawang strike.

Hiyawan muli ang maririnig sa loob ng baseball stadium galing sa mga teammates at supporters namin.

Sumulyap ako sa pwesto kung nasaan sina Theo, ang kaniyang parents at ni Mama na kinakabahan na sa mga oras na ito.

Theo nodded at me.

"Go Mika!"

"Isa nalang!"

Iyon ang sigaw ng mga teammates ko sa akin.

Bumwelo na akong muli para sa paghagis ko ng bola. Hinihiling na sana ito na ang maging huling pitch ko sa larong ito. Nais kong iparamdam sa daddy ni captain na hindi kami basta-basta lamang matatali dahil wala siya. Hindi kami mahina tulad ng inaasahan niya.

Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon