"I like you Mikaela, that's the reason why I'm doing these things to you."
Ilang beses nang nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon na binitawan ni Theo kanina sa akin. Hindi ako makapaniwala na ang crush ko at crush ng buong Veindane University ay may gusto sa akin!
Nagpagulong-gulong pa ako sa aking kama dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Nakalimutan ko namang maliit lang ang kama kong ito kaya sa isa pang gulong ko ay nahulog ako.
"Ouch!" sabi ko habang nakahawak sa puwetan ko. Sa sobrang saya ko talaga ang daming kabaliwan ang nagagawa ko. Hindi naman tumagal ang sakit sa may pwetan ko kaya nagpatuloy ako sa pagde-daydream kay Theo.
"If you're doubting my feelings to you, let me court you to proved it more that I'm serious about you." iyon ang mga sinabi nito kanina. Tumango nalang ako bilang sagot dahil hindi pa maproseso sa isip ko ang lahat ng mga sinabi nito.
Hindi din ito nagtagal at nagpaalam nang umalis dahil may practice pa pala sila. Tumakas lang ito para kausapin ako.
"I'll call you later." sabi pa nito bago sumakay sa elevator. Nagtaka naman ako kung bakit alam nito ang number ko.
Hindi ko na naitanong sa kaniya iyon dahil sumarado na ang elevator. Bukas nalang siguro bago ang match nila.
Nakaupo kami ngayon sa mga bleachers kasama sina Abigail at Lala. Dito ko lang din mas narealize na sobrang sikat ng baseball dito sa Veindane na halos lahat ng mga students nito ay nandito ngayon para manood.
Naghiyawan ang lahat nang magsilabasan na ang mga players ng dalawang teams.
Pumwesto agad ang mga nine players ng Veindane sa baseball field dahil sila muna ang nasa 'pitching and fielding' samantala, ang Stuartz University ang 'batting and baserunning'.
"Go Theo!!!" cheer ng mga female students na nanonood tulad namin.
Makahulugang tumingin sa akin sina Lala at Abigail habang may nakakalokong ngiti pa sa mga mukha nila. Nagtatakang tumingin din ako sa kanila. Kunot-noo at walang alam kung bakit ganun sila makatingin sa akin.
"Why are you staring at me like that?" tanong ko sa dalawa.
"Ang galing mag-cheer nung mga babae dun oh." sabi ni Lala.
"Oh tapos?"
"Pero wala namang feelings si Theo sa kanila." sumbat naman ni Abigail.
Parang may hinala na ako kung anong gusto nilang ipagawa sa akin.
"Mamaya ako magchi-cheer." sabi ko pero ang totoo ay nahihiya lang ako.
"Naku! Kapag nagcheer ka panigirado strike out agad mga batters ng kabila." parang siguradong sigurado pa si Abigail habang sinasabi iyon.
"Kung ako ikaw, magchi-cheer ako nang bongga. Sobrang gwapo kaya ng manliligaw ko tapos ang galing pa maglaro ng baseball kaya bakit ako mahihiya, di ba Abigail?"
"Oo na! Maghintay kayo okay." Agad naman akong tumayo para magcheer kay Theo.
"MY TRIPLE T! THEODORE TRISTAN TORRES! STRIKE THEM ALL!" I gave him a sweet smile and mouthed fighting while my hands doing a fighting sign when he looked at my direction. Napailing naman ito pero kitang-kita ang kawak ng ngiti nito.
Kinikilig naman sina Abigail at Lala nang maupo ako matapos kong magcheer.
"That's the spirit girl!" tuwang-tuwa saad ni Abigail.
Nagsimula nang magpitch si Theo at naka-strike agad ito!
Strike 1!
Naghiyawan ang crowd kasama na kami dahil dun. Ang bilis masiyado ng bola. Halos hindi ko namalayan na nandoon na kay Peter yung bola.
BINABASA MO ANG
Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)
General FictionSporty Princess #2: Walang alam si Mika sa kahit anong sports hanggang isang araw, niyaya siya ng kaibigang si Lala na manood ng baseball game ng kuya nito. Kahit wala itong ideya kung paano laruin ang baseball ay sumama pa rin siya dito at doon niy...