Chapter 26

15.7K 462 7
                                    

As expected from our Men's Team, wala pa ring makatalo-talo sa kanila. Sila ang nanalo kahapon kalaban ang Stuartz men's baseball team.

Dinalaw ko naman sa ospital si Abigail nung time na iyon at sa tv nalang kami sa kaniyang private room nanood. Hindi naman ito magtatagal sa ospital at mga dalawang araw nalang ay pwede na itong lumabas.

Nandito na ako ngayon sa school at kasalukuyan kong hinihintay ang pagdaan ni captain. Alam kong dito sa lugar na ito malapit sa cafeteria siya dumadaan.

At tama nga ako dahil hindi nagtagal ay nakita ko na itong papalapit sa aking kinatatayuan. Nag-angat ito ng tingin at nagulat ito ng makita akong nakatayo at naghihintay sa kaniya.

Mabilis itong umatras, halatang balak akong iwasan pero tinakbo ko agad ang daan papunta sa kaniya at malakas siyang hinila at paharapin sa akin.

"I know your secret." sabi ko agad sa kaniya. Nanlalaki ang kaniyang mga matang napatingin sa akin.

"Anong sekreto?" maang-mangan pa nitong tanong.

"About last game and your father." seryoso kong sagot. "Now tell me, iyon din ba ang naging dahilan kung bakit kayo natalo last season? At kung totoo ba ang unang kinuwento mo sa amin?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya.

Napayuko ito. "I'm sorry."

Napahawak ako sa aking noo dahil sa frustration ko sa kaniya.

"Don't you feel guilty towards your friends? Biggest dream nila yung sinira mo. I thought mabait ka, pero ang selfish mo!"

Hindi ko na napigilan ang pagtaasan siya ng boses.

"Hindi mo kasi naiintindihan!" sigaw niya pabalik sa akin habang umiiyak. Napapatingin na din sa amin ang mga eatudyanteng dumaraan malapit sa amin pero hindi ko na iyon pinansin.

Sasabat pa sana ako nang biglang sumulpot si kuya James.

"Mika, anong ginagawa mo?! Bakit umiiyak si Elena?!" lumapit agad ito kay Elena at saka pinunasan ang mga luha nito. Nagtaka naman ako sa kinimilos ni kuya James. He's acting like a boyfriend to Elena. Matagal ko nang napapansin iyon.

"Ikaw kuya James? Alam mo ba ang ginawang pagta-traydor ni captain noon, at noong last game namin?" natigilan ito sa pang-aalo kay captain at dahan-dahang lumingon sa akin.

"Bakit mo tinatanong iyan Mika?"

"Dahil pareho kayong mali kung matagal mo ng alam iyon."

"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam na iwanan ka ng isang ama." sumbat sa akin ni captain.

Natawa ako sa sinabi nito. Si kuya James naman ay biglang natigilan sa sinabing iyon ni captain at binalik ang tingin dito.

"Elena.." mahinang ssabi nito.

"You really think hindi ko pa naranasan ang katulad ng sa'yo?" seryoso kong tanong sa kaniya. "Oh well, hindi nga. Kasi ang Papa ko, maayos na nakipaghiwalay sa Mama ko, hindi niya ito ginagamit o blina-blackmail di katulad ng daddy mo."

Gulat ito sa sinabi kong iyon.

"Narinig ko ang daddy mo, kausap ka. Binabantaan ka niya na iiwan kayo kapag naglaro ka. You really think mahal pa kayo ng Daddy mo kung maging sariling kaligayahan ng anak niya siya ang sumisira? Para ano? Para sa pansariling reputasyon? Tss!"

Hindi ito nakapagsalita. Gulat na gulat pa din ang itsura nito maging si kuya James.

"Kaya ganun nalang pala ang galit sa'yo ni Emily." aalis na sana ako pero hindi ko matiis sabihin ang isa pang nais kong marealize niya.

Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon