"Hoy bilisan mong magbihis at aayusan pa kita!" sigaw ni Lala sa may pinto ng kwarto ko. Kasalukuyan akong nagbibihis dahil aattend kami sa victory party ng Baseball Club sa isang club.
Isang black na long tshirt na may design na Paris ang aking isinuot dahi simpleng party lang naman iyon. Nagsuot din ako ng itim na shoes pero tinernuhan ko iyon ng hanggang hita kong itim na medyas.
Pagkatapos nun ay lumabas na ako at saka dumiretso sa kwarto ni Lala para make-upan ako. Wala na itong masiyadong ginawa sa buhok ko at hinayaan nalang itong nakalugay habang light make up lang ang ginawa nito sa akin.
Nang makapag-ayos kaming dalawa ay sakto namang tumawag sina Theo at Peter at sinabing nasa baba na ang mga ito.
Isang linggo na din matapos magchampion ang aming team at nina Theo sa Baseball League. Kaya naman nagconduct ng isang celebration party ang Baseball club para sa amin.
Pagkababa namin ni Lala ay nakita agad namin yung dalawa na naghihintay sa kani-kanilang kotse. Mabilis akong lumapit sa napakagwapo kong boyfriend at agad naman ako nitong sinalubong ng yakap.
"Ang gwapo mo." sabi ko habang nakatitig sa makinis nitong mukha. Nakasuot lang ito ng simpleng polo shirt at itim na pants pero iba pa rin ang dating at mas lalo lang itong gumwapo.
"and my girlfriend looks so beautiful." saad naman nito. Napangiti nalang ako sa kaniyang sinabi at saka kinausap sina Lala na magkita nalang kami sa doon sa club.
Sumakay agad ako sa kotse ni Theo at agad naman nito iyong pinaandar.
"How's your finger?" tanong nito sa akin habang nagmamaneho. Pasimple itong sumulyap sa akin bago binalik ang tingin sa harapan.
"Medyo hindi ko pa rin maigalaw." Next month pa ang operation ko at ang sabi ng doctor ay kailangan daw itong lagyan ng bakal para maigalaw ko ng maayos at makapaglaro akong muli.
"Next month, magta-transfer na talaga ako sa masscom." excited kong saad sa kaniya.
"Samahan kita mag-enroll?"
"Ikaw bahala."
"I know you'll do good on that course." sabi nito pagkatapos ay ssumulyap muli sa akin atsaka ngumiti.
"Good lang?" biro ko.
"Of course, kailangan magsimula muna sa good para maging best."
"Promise, gagalingan ko ang pag-aaral sa bagong course ko at susunod ako sa'yo sa America."
After kasi ng championship nila ay may kumontak sa aming manager at sinabing balak irecruit si Theo ng isa sa pinaka-sikat at pinakamagaling na team sa Major Baseball League o MLB sa America kung saan naroon ang mga kilalang professional players sa larangan ng baseball.
Tuwang-tuwa ako ng malaman ko iyon. Kahit alanganin ang itsura ni Theo dahil iniisip niya ako, alam kong excited siya para dito at sino naman ako para hadlangan ang pangarap niyang iyon?
Kahit na malulungkot ako kapag umalis na ito para magtraining sa ibang bansa, masayang-masaya pa rin ako dahil abot langit na niya ang kaniyang pangarap.
Dahil doon ay nagpasiya akong magpursigi at pagbutihin ang pag-aaral para maabot ko siyang muli.
Ngumiti lang ito sa akin. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa club kung saan gaganapin ang celebration party ng buong baseball club.
Pumasok na kami agad doon ni Theo at agad na sumalubong sa amin si Abigail.
"OMG! The MVP couple are now here!!" malakas nitong sigaw kaya napalingon ang lahat sa amin kahit na malakas ang tugtugin sa loob ng club.
BINABASA MO ANG
Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)
Algemene fictieSporty Princess #2: Walang alam si Mika sa kahit anong sports hanggang isang araw, niyaya siya ng kaibigang si Lala na manood ng baseball game ng kuya nito. Kahit wala itong ideya kung paano laruin ang baseball ay sumama pa rin siya dito at doon niy...