Chapter 17

18.6K 455 46
                                    

R-18

Happy reading! 😉

"Ilang araw na lang magsisimula na ang baseball season. Excited ka na ba?" tanong ni Lala sa akin habang kumakain kami dito sa isang food stall sa labas ng Veindane.

Wala na kaming klase ngayon dahil may biglaang meeting ang mga teachers. Dahil maaga pa naman kaya napag-isipan namin ni Lala na kumain muna dito sa labas.

At saka ang mura ng siomai nila dito kaya napadami kami ng bili ni Lala. Amoy toyo na din yung hininga ko sa sobrang damimg nakaing siomai.

"What are you eating here?" agad kaming napatakip sa bunganga nang biglang sumulpot sina Theo at Peter sa aming harap.

"Bakit kayo nandito?" hindi mapakaling tanong ko sa kanila.

"Obviously, wala nang klase ngayong araw at saka nakita namin kayong dalawa dito kaya pinuntahan namin kayo." sagot ni Peter.

"Why you both covering your own mouth?" nagtatakang tanong ni Theo sa aming dalawa ni Lala.

Bakit ba kasi bigla-bigla nalabg silang sumusulpot, nakakahiya tuloy kasi palaging fresh breath si Theo gaya ngayon, hanggang dito amoy na amoy ko yung mabangong hininga niya, di tulad sa akin ngayon na amoy toyo na.

Hindi ako nagsalita pero itinaas ko ang plastik na basong hawak ko na may laman pang siomai at punung-puno ng toyo, bawang at chili sauce.

Napailing nalang si Theo at saka hinila ako papunta sa kotse niya. Hindi na ako nakapagpaalam kay Lala dahil hinila na din siya ni Peter.

Binuksan nito ang pinto sa front seat ng kaniyang kotse pero alanganin pa rin akong pumasok. Tumaas ang isang kilay nito na parang nagtatanong kung bakit hindi pa ako sumakay.

"Baka mangamoy yung kotse mo kapag pinasok ko din ito." nakatakip pa rin ang isang kamay ko sa aking bibig. "Pero sayang din ito kung itatapon lang." busog na kasi ako pero balak ko sanang kainin 'to mamaya ang kaso ay dumating si Theo.

Napailing nalang ito at saka kinuha iyong hawak kong siomai at saka mabilis na kinain lahat iyon. Nataranta naman ako kasi baka mabilaukan siya kaya kinuha ko agad yung tumbler ko na may lamang tubig at binigay sa kaniya.

Hirap pa itong nguyain iyon lahat. Natawa pa ako dahil lumobo pa ang pisngi nito dahil sa kinakain kaya agad kong kinuha iyong cellphone ko at saka pinicturan siya. Naka-ilang shots din ako hanggang sa manguya na nito ng tuluyan at makain.

"Happy now?" seryoso nitong tanong sa akin pagkatapos uminom ng tubig sa tumbler ko. Tumango lang ako habang nangingiti pa rin sa kaniya.

Dinala niya ulit ako sa kaniyang apartment at saka sabay kaming pumunta sa kaniya cr para magtoothbrush. Natawa ako ng magkatinginan kami sa mga reflection namin sa salamin.

Naiiling namang pinatong nito ang kamay sa aking ulo at saka ginulo ang buhok ko habang patuloy pa din ito sa pagtoothbrush. Inirapan ko naman siya pero tinawanan lang ako at nang matapos kaming magtoothbrush ay nagdecide akong magbihis muna.

Dahil nakahiligan ko na ang magsuot ng malalaking shirts at cycling shorts, iyon na ang sinuot ko. Itinaas ko din ang buhok ko in a bun style.

Walang practice bukas dahil rest day kaya naman sa apartment ulit ako nito matutulog. Apat na araw nalang at magsisimula na ang bagong season ng baseball. Kinakabahan man ako pero mas lamang ngayon ang pagka-excite ko.

Lumabas ako mula sa room nito ng makabihis ako. Nakita ko agad ito sa kaniyang living room kaya lumapit agad ako sa kaniya at umupo sa tabi nito.

Nakaharap ito sa kaniyang TV at nanonood ng isang foreign movie. Sumiksik ako sa tabi niya at itinaas naman nito ang kamay para makayakap ako sa kaniya.

Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon