Kailan ba titigil ang ulan na to ? Mag iisang buwan na ng mag umpisa to at hindi pa rin tumitigil. Huminga ako ng malalim.
Hindi ka pa rin ba pagod sa kakaiyak mo ha ?! - inis na tanong ko habang nakatingin sa langit. Nasa waiting shed ako ngayon at pauwi na ako naghihintay lang ako ng masasakyan pauwi pero puno ang mga dumadaan dahil lumakas na naman ang ulan. Ang iba ay nagsisitakbuhan na. Ayaw mabasa dahil walang mga dalang payo--- Yung payong ko ! - sigaw ko sa waiting shed dahil nakalimutan ko ang payong ko sa loob ng coffee shop. Sinasabi ko na nga ba at may kulang sa dala ko.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. It's already 5pm at maagang dumilim dahil sa maiitim na ulap. Dinial ko ang number ni Mama at wala pang tatlong ring ay sinagot na niya ito.
Ma---
Oh Justine---
Ma ipasundo mo nga ako kay kuya saan ba siya ?---
Nasa hospital pa pero mga 6 pauwi na yun naiwan mo na naman ang payong mo sa coffee shop noh - umirap na lang ako kahit hindi naman makikita ni mama.
Yes ma sabihin mo kay kuya nasa waiting shed ako---
Pumasok ka na muna sa coffee shop masyadong malamig sa labas ang lakas ng ulan---
Ma hindi kita marinig ! - sigaw ko dahil lumakas na ang pagbagsak ng ulan at tanging ang bigat na lang ng tubig na tumatama sa kalsada at sa bubong ng waiting shed ang tangi kong naririnig. Pinatay ko na ang tawag at nakatanggap ako ng text galing kay mama.
Sa coffee shop mo na hintayin ang kuya mo
Lalo akong naistress dahil paano ako makakapunta dun eh ang lakas na ng ulan. Kailangan ko pang tumawid.
Bwiset ! - inis na sabi ko sa sarili ko. Buti wala akong kasama ngayon dito sa waiting shed.
Bahagya akong umatras dahil nagtatalsikan ang mga tubig sa waiting shed. Umupo na lang ako dahil wala naman akong magagawa. I love rains pero hindi ganito kalakas. Bagyo na to eh. I love it when it is calm dahil masarap ito sa pandinig unlike this storm sobrang ingay ang sakit sa tenga !
Ano na naman bang problema mo ?! - kinakausap ko na naman ang langit dahil umiiyak na naman siya ng sobra sobra. Iniwan kaba ni Sunny ? - call me weird pero simula nung umulan sa city namin hindi ko na napigilan na kausapin tong ulan na to. I love rains but I hate storms they bring disastrous events down here !
Gumawa na lang ako ng sarili kong topic and I call her boyfriend Sunny and she is Sky. Napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa dumaan na malakas na hangin.
Wag ka ngang bigla biglang umuutot habang umiiyak ! - sermon ko sa kanya at humangin na naman. Potek ang lamig ! Pinagkrus ko ang kamay ko at kinuskos ang palad sa magkabilang braso ko dahil sa sobrang lamig. Kelan ka ba titigil sa kakaiyak mo ha ?! Kung iniwan ka ni Sunny hayaan mo siya choice niyang iwan ka ! Kung mahal ka niya dapat nandyan siya sa tabi mo ngayon ! - sigaw ko sa kanya at lalong lumakas ang ulan. Pero hindi eh umiiyak ka ng dahil sa kanya ! Alam mo isang buwan ka ng ganyan ! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo ?! Nakakainis ka na ! - malakas kong sigaw dahil wala namang makakarinig dahil sa sobrang lakas ng ulan.
Napahawak ako sa pisngi ko ng may maramdaman akong tumutulong luha mula sa mga mata ko. Mapait akong tumawa dahil umiiyak pala ako.
Look at us now sky pareho tayong iniwan at pareho tayong umaasang babalik pa ang taong mahal natin - I felt pain in my chest when I remember all of the reason why I feel this. Nagbaba na lang ako ng tingin at hindi ko na napigilan pang umiyak. I clenched my fist because of anger. Why did he leave me ? Why did Sunny leave you ? - puno ng pait at sakit ang bawat luhang tumutulo sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
The Cry of the Sky
RomanceIt wasn't just us who are miserable. We are not alone. We we're never be alone. To hide our pain and to hide our tears the Cry of the Sky will always be there for us when we needed it the most.