Chapter 11

7 2 0
                                    

Hindi ganung klase ng babae yang si Justine kahit pa basagulera yan at palainom may bait pa ring tinatago yang demonyo na yan - sagot naman ni Hannah.

Okay na sana kaso sinabihan mo kong demonyo - sagot ko kay Hannah.

Tara na nga ! Tara na ! - hinila na ni Pinchy si Hannah. Hinatid ko na sila hanggang sa labas ng Bridget Tower. Pagkaalis nila ay pumasok na ulit ako sa lobby pero hinarang ako ng isang empleyado.

Mam may pinapabigay po kay Mr. Harper - may inabot siya sa aking envelope. Bakit ako ?

Bakit sa akin mo---

Kayo po ang kasama ni Mr. Harper hindi po ba ?---

Oo nga pero hindi niya ako girlfriend PA niya ako PA--- ng marealize ko yung sinabi ko ay kinuha ko na yung folder. Fine - sagot ko na lang sa kanya at pilit na ngumiti at sumakay na ng elevator. PA niya mukha niya ! Magmumukha akong alalay ?! No way ! Mas gusto ko pang maging bouncer na lang sa mga club kesang maging PA ng kupal na yun.

Alam ko ang buhay ng mga sikat. Punta dito punta doon. Ayos dito ayos doon. Sa loob ng isang araw ang dami daming schedule ayoko ng maaksaya sa energy nakakaloka !

Natigil ako sa pag iisip ng bumukas ang elevator kaya dire diretso na ako hanggang sa loob ng condo. Dumiretso ako sa kusina saktong nandun siya hinagis ko sa lamesa yung envelope at dumiretso sa ref para kumuha ng isang bote ng alak.

Binuksan ko yun at tinungga ng maubos ay kumuha pa ako ng isa at ininom din pero hanggang kalahati lang kaya sinara ko na yung ref nakita ko naman siyang binuksan yung envelope. Lumapit ako sa kanya kaya magkaharap kami ngayon.

Anong pinagsasabi mong PA ?! Hindi ako nainform na alalay na pala ako - pagsusungit ko sa kanya saka nilapag ang bote sa harapan ko. Napatingin ako sa envelope at nakita kong galing yun kay Janaiah Mendez.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko basta nilahad ko lang ang kamay ko sa harapan niya nagtaka naman siya pero kinuha ko na yung isa niyang kamay para mag shakehands kami.

Congrats ! - patawa tawa pa ako dahil sa sinabi ko. Mukhang mananalo ka na sa laban mo aa - napahawak ang dalawang kamay ko sa pisngi ko at nakatungtong sa lamesa yung siko ko habang nakatingin sa kanya na hindi pa din ako pinapansin. Anong problema neto ? Nakausap ko na si Raven he told me the reason why he left me - hindi ko alam kung bakit sinasabi ko sa kanya yung tungkol dun. Pakiramdam ko kasi stranger pa rin ang turing niya sa akin kaya okay lang na mag open up ako sa kanya.

Natigil naman siya sa pagbabasa at tumingin sa akin.

What did he say ? - tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

He said 'I fell out of love' - ginaya ko pa yung accent ni Raven at tumawa na lang ako. Bakit ba ako tumatawa ?! Wala namang nakakatawa. Lasing na ba ako ? Nakakatatlong bote pa lang naman ako aa. Bahala na nga.

You're drunk---

No way malakas ako sa alak weak pa tong iniinom ko---

Stop it - kukunin na sana niya yung bote na nasa lamesa ng bigla ko yun hablutin at tunggain. Pabagsak kong nilapag yung bote sa lamesa at huminga ng malalim. Hindi ka talaga mahilig makinig---

Sino ako ? - takang tanong ko naman sa kanya. Malamang Justine ikaw lang ang kausap niya tanga lang ? Bakit kilala mo ba ako ? Ni hindi nga tayo magkaibigan--- sabi ko sa kanya at pumunta ulit sa ref para kumuha ng beer.

Pagsara ko ng ref ay bigla akong napasandal dun dahil nasa likod ko na pala siya. Napayakap ako sa hawak kong beer ng biglang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Shit ! Ano ba naman yan papacheck up nga ako bukas baka may sakit ako sa puso. Baka naman lasing lang talaga ako. Tama ! Lasing na ako last na to.

The Cry of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon