Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng bus ng tumunog ang phone ko kaya huminto muna ako para tignan yung message.
Unknown Number:
Someone wants you dead. Do you really think that it's an accident ?What ?!
Sinubukan kong tawagan yung number na nagtext sa akin pero patay na ang phone. Tumingin pa ako sa paligid para tignan kung may tao o baka pinagtitripan lang ako. Hinayaan ko na lang at naglakad na papunta sa sakayan ng bus. Baka nawrong send lang yung warning niya diba. Pero hindi eh alam niya yung tungkol sa aksidente pero hindi niya sinabi kung car accident or what at sino namang gustong patay ako ? May kaaway ba ako na hindi ko matandaan ?
Umupo na lang muna ako sa waiting area dahil 8pm pa ang dating ng bus may 15minutes pa ako. Isa ko lang na nandito dahil madilim na din. Ilaw na lang ng waiting shed ang nagsisilbing liwanag ng kalsada. May mga dumadaang sasakyan pero bilang lang.
I almost have him and I will make sure that Ace and his father will go down to hell---
Yeah---
Okay and please get rid of his PA laging nakadikit sa kanya---
Good---
Bye---
Sinong kausap niya ? Anong balak mo Jana ?
Biglang nag ring ang phone ko kaya sinagot ko yun.
Oh kuya ?---
Saan ka ?---
Ahm sa sakayan ng bus pauwi na---
Sinong kasama mo ?---
Wala ako lang bakit ?---
Justine pumunta ka sa maraming tao---
Bakit ? Malapit ng dumating yung bus---
Just do as I say susunduin kita wag mong papatayin ang tawag---
O...okay ? - tumayo na ako at tumingin tingin pa sa paligid dahil tatawid ako. Nasa kabilang kalsada kasi yung mall at 8 lane pa ang tatawirin ko. 4 lane sa harapan ko at 4 lane naman sa kabila. Ng makitang wala ng sasakyan ay tumakbo na ako at huminto sa gitna para tumingin ulit aa kaliwa't kanan pagkatapos ay mabilis na tumawid.
Pagtawid ko tinamaan ako ng isang lalake kaya natumba ako sa kalsada. Hindi naman niya ako tinulungan dahil dire diretso lang siya sa paglalakad. Bwiset yun aa ! Aray ! Nakaramdam ako ng sakit sa braso ko na medyo nagasgas. Dahan dahan na akong tumayo at gumilid.
Yung cellphone ko ? Nataranta kong hinanap yun sa bulsa ko at sa bag. Yung phone ko ?! Hawak ko lang yun--- Yung lalake ! Napatingin ako sa dinaanan nung lalake pero hindi ko na siya nakita. Bwiset ! Paano ko kokontakin si kuya ?
Naglakad na lang ako papunta sa mall para maghanap ng telephone baka sakaling meron. Hindi ko rin naman saulo number ni kuya. Bwiset naman ! Napaupo na lang ako sa bench dahil sa inis. Bakit ngayon pa nanakaw ang phone ko ?! Nakalipas na ang ilang minuto kaya napagdesisyunan kong maglakad lakad baka makasalubong ko si kuya. Sabi niya sa maraming tao. Bakit kaya ? Nasa park na ako ng mall at marami pa rin namang tao dito ngayon. May mga nagdedate may mga nag family bonding.
Umupo na lang ako sa may fountain baka sakaling makita ako ni kuya dito.
...
...
...
Ang tagal naman ni kuya ! Tumayo na ako at naglakad lakad ulit.
Justine ! - nakarinig ako ng tumawag sa akin kaya lumingon lingon ako sa paligid at nakita ko si kuya kaya kumaway ako. Mabilis akong nakipagsiksikan sa mga tao para makalapit kay kuya ng may biglang humila sa akin at tinakpan ang ilong at bibig ko. Hindi ako makahinga ! Kuya ! Nagpupumiglas ako pero sobrang lakas niya at hinahatak na niya ako paalis sa maraming tao. Kuya ! Hanggang sa unti unti ng bumibigat ang mata ko.

BINABASA MO ANG
The Cry of the Sky
RomanceIt wasn't just us who are miserable. We are not alone. We we're never be alone. To hide our pain and to hide our tears the Cry of the Sky will always be there for us when we needed it the most.