Chapter 7

11 2 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala at hindi malunok ang tinapay na kinagat ko. Ng marinig ko siyang tumawa ay dun ako napatingin sa kanya ng masama. Sa sobrang inis ko at pakiramdam ko pa sobrang init ng mukha ko ay binato ko siya ng wrapper.

Tanginamo ! - sigaw ko sa kanya at agad naman niyang sinalo yung wrapper habang tawa pa ng tawa.

Kuya wag mo ngang pagtripan si Ate Justine - Ate Justine ?! Tinignan ko rin ng masama si Nelle pero tinawanan niya lang din ako. Magkapatid nga sila. Huminga na lang ako ng malalim. Sila naman umupo na as usual si Ace nasa tabi ko at si Nelle nasa harapan naming dalawa.

Oh - binigay ko kay Nelle yung tinapay niya at masaya naman siyang kinuha yun pati inumin. Sabay kaming napatingin kay Ace na tunganga lang.

Ikaw kuya hindi ka kakain ? - takang tanong ni Nelle.

Busog na ako - sagot niya at pinipigilan lang ang pagtawa niya. Nakakapikon tong taong to sarap upakan ! Kung wala lang sa harapan namin tong kapatid niya baka nabugbog na siya.

Alam ko iniisip mo - bulong niya sa akin napaayos ako bigla ng tayo ng maramdaman ang init ng hinga niya malapit sa tenga ko. Lumayo ako sa kanya at sinamaan ng tingin.

Ganun ba kadaling malaman yung mga iniisip ko ? Baka sa sobrang lakas ko mag isip kaya nalalaman. Tigil na sa pag iisip Justine !

Tara na - hindi pa ako tapos kumain eh hinablot na niya yung tinapay at siya na yung umubos pati inumin ko siya na rin umubos kapal talaga ng mukha neto.

Pagkatapos niyang ubusin kinuha na niya ang maleta ko at mabilis ko namang sinuot ang bag ako. Nauna na siyang lumabas dahil hinintay ko pa si Nelle.

Kapatid mo ba talaga yun ? - bulong ko kay Nelle habang palabas kami ng store. Tumawa lang naman siya at tumingin sa akin.

Kapatid ko siya sa tatay - sagot niya naman. Oo sinabi na rin niya sa akin yan.

Saan ka pala uuwi nyan ? - tanong ko naman habang nakatingin sa malayo dahil tanaw ko na ang kotse nung mayabang na Ace.

Sa bahay hinihintay na ako ni mama dun---

Aahhh so complete family pala kayo ? - jusko napakachismosa ko.

Well complicated ang family namin---

It's okay no need to tell me---

Okay na okay nga kung sabihin ko sayo dahil magiging part ka na ng family - seryoso siya ?! Gagong Ace talaga to. Sa totoo lang babaero si papa ang kwento sa akin ni lola nung binata daw si papa mahilig mambabae - napakastrong naman ng tatay neto. Kaya hindi niya alam na nakabuntis pala siya then after a month may lumapit na naman sa kanila nabuntis din daw ni papa - halos matawa na siya dahil sa pinagkukwento niya.

Sinong panganay ? - takang tanong ko sa kanya.

Si kuya benben sunod si kuya ace kaso namatay na yung mama ni kuya ace dahil sa panganganak sa kanya kaya ang nagkatuluyan si mama at si papa - kwento niya naman. Hindi naman ako makapagbigay ng side comment dahil family matter yun. Mas gusto ni kuya ace mag isa kaya binilhan na lang siya ni papa ng condo---

Eh ano yung condo sa bridget tower ?---

Yun talaga yung binili ni papa sa kanya kaso ayaw niya dun kaya bumili siya ng sarili niyang condo---

Eh saan ba siya galing bat sabi mo kararating lang niya ? - ayan justine pakachismosa talaga.

Hindi mo ba alam ? - takang tanong niya sa akin. Ako naman nagsalubong lang ang kilay dahil sa tanong niya. OMG ! Hindi kaya drug dealer siya ?! Mali yang iniisip mo - bigla naman siyang tumawa. Paano niya naman nalaman kung ano iniisip ko ? Ganun ba talaga ako kahalata kapag nag iisip ? Weird ng magkapatid na to.

The Cry of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon