Chapter 5

9 2 0
                                    

Magrereact ba ako ng ganito kung nahalikan na ako ! - bakit ba ganto ang usapan namin !

Nakita kong pwede ng tumawid kaya tinalikuran ko na siya at humakbang na sa kalsada ng bigla niya akong hilahin paharap sa kanya. Hindi na ako nakagalaw ng bigla niya akong halikan.

Pakiramdam ko bumagal ang lahat. Kahit busina ng mga sasakyan ay hindi ko marinig at tanging siya lang ang nakikita ko. Tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Labi niya lang ang nararamdaman ko. Napapikit ako ng may maramdaman ako sa tiyan ko. Hindi ako tanga para hindi malaman na kinikilig ako.

Narealize ko na lang na tumutugon na ako sa mga paghalik niya. Napahawak pa siya sa bewang ko para mas lalo akong mapalapit sa kanya. Narinig ko na ring bumagsak ang malakas na ulan pero hindi yun ang pinroblema ko kundi yung palalim na palalim na paghalik niya sa akin at ganun din ako.

Nakalimutan ko na ring huminga dahil sa nangyayari. Wala ng pumapasok sa isip ko kundi ang sitwasyon namin ngayon.

Justine - napatingin ako kay Ace na tinawag ako bigla. Shit ! Nag imagine ba ako ?! Gago ka Justine ! Seryoso ka ba sa mga iniisip mo ?! Akala ko totoo na ! Gago bakit mo inisip yun !

Naramdaman ko na lang na hinila na niya ako para makatawid na kami. Hanggang sa makapasok kami sa hospital ay tulala ako at paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko dahil sa inisip ko kanina sa waiting shed. Napapailing iling pa ako at napapahampas sa mukha ko para tigilan na ang mga iniisip ko.

Gago ka talaga ! Akala ko totoo na ! Gusto mo naman Justine ! No way !

Isa pa at hahalikan na talaga kita and this time hindi ka na makakatanggi---

H..ha ? - napatingin ako kay Ace na malapit na naman ang mukha sa akin. Ano bang problema ng lalakeng to.

Kanina pa kita tinatawag parang wala akong kausap ano bang iniisip mo ?---

Wala ! - mabilis na sagot ko sa kanya at nauna ng maglakad.

Inabot ko na kay Kenya ang tubig pati na rin kay kuya at dun sa Ari. Ng makita ni Kuya Kyle si Ace ay inakbayan niya ito at nag usap sila sa malayo. Ako naman umupo sa gitna ni Ari at ni Kenya. Oo napakamaldita ko talaga.

Justine Thank you - rinig kong banggit ni Kenya at nakatingin na siya sa akin.

Kailangan mo pa bang magpasalamat sa akin ? Parang hindi ka na nasanay na one call away lang ako at pupunta na ako - napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.

Mabait ka naman pala Justine - napalingon naman ako sa kabila kung saan kitang kita kong may nakangiting demonyo na nag ala malanding babae.

Sa mga deserving lang - sagot ko sa kanya at mahina naman akong hinampas ni Kenya kaya napareklamo ako kaagad.

Umayos ka nga Justine girlfriend ng kuya mo yan - yeah girlfriend din naman siya ng asawa mo. Ang sarap namang sabihin sa kanya nun kaso medyo mabait pa ako.

Bumalik na sila kuya sa amin habang nag uusap pa rin sila.

Justine - tawag ni kuya sa akin kaya lumapit ako sa kanya. Sa bahay nga pala matutulog si Ari---

Wag sa kwarto ko kundi hindi na siya makakatapak pa sa bahay---

Oo na dun siya matutulog sa kwarto ko at makikishare na lang ako kay Michael - paliwanag niya naman.

Alam ko yung ayos ng mga gamit ko kuya at sabi mo break na kayo ? ---

Alam ko yun at nagsorry na rin siya sa akin kaya okay na kami---

The Cry of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon