Michael stop crying - sermon ni Ari kay Michael na hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak.
Ate where's Ate Justine ? - kanina pa niya ito pinapatigil sa pag iyak pero hindi pa rin to titigil hanggat hindi nakikita ang ate justine niya.
She's--- natigil si Ari sa pagsasalita ng may mamuong luha sa kanyang mga mata. Pinipigilan ang pag iyak. She's somewhere - pagsisinungaling ni Ari.
Don't lie to me Ate please - lalong umiyak ang batang si Michael.
She's with sky - sagot ng kadarating lang na si kyle. Hinubad na nito ang black neck tis na suot niya at tinulungan naman siya ni Ari na tanggalin ang black coat na suot niya.
Sino si sky ?---
---
Ms. Janaiah Mendez kinakasuhan ka namin sa salang pagpatay kay Ms. Justine Carver---
---
Ace where are you ? The charity ball is starting ! You're not even eating ! You're like that this whole week ! Get ready papunta na ako dyan. Umayos ka Ace ilang linggo ka ng ganyan nakakalimutan mo na ang mga kailangan mong gawin just attend this charity ball ! Ace ! - galit na galit na sabi ng manager ni Ace sa voicemail pero kahit isa dun hindi niya pinakinggan at nakahilata lang siya sa madilim at malungkot na kwarto niya.
It's been a week since that tragedy happened. Lagi na lang tinitignan ni Ace ang litrato ng taong minahal at minamahal niya. The idea of Ace can look at the picture but can't look at the person hurts so much.
Heart pain will never be cured...
Unless...
Napatayo si Ace sa higaan ng mabasa niya yung nakasulat sa likod ng litrato.
Unless what ? - tanong nito sa sarili at mabilis na nag ayos. Nakasalubong niya pa ang manager niya pero hindi niya ito pinansin at agad agad na umalis ng bridget tower. Unless what Justine ?
Nakatitig siya ngayon sa lapida ng taong mahal niya at pilit na pinipigilan ang pag tulo ng luha ng biglang lumakas ang ulan. Hinayaan niya na lang ang sarili na mabasa ng ulan at tuluyan na siyang naiyak kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang pagpatak ng luha ng langit.
Napaluhod na lang siya sa damuhan dahil sa sakit na nararamdaman.
Sky don't cry---
Naramdaman niyang hindi na siya nababasa ng ulan kaya napatingala siya at nakakita siya ng itim na payong na nakatapat sa kanya. Mabilis siyang napalingon sa taong nasa likod niya.
My sky - nakangiting sabi ng babaeng nakasuot pa ng hospital uniform.
Justine ! - gulat na napatayo si Ace at mabilis na niyakap si Justine.
---
Justine
Aray ! - reklamo ko kaya kaagad naman siyang napabitaw sa pagkakayakap sa akin. Masakit pa yung sugat ko sa likod - reklamo ko sa kanya dahil natamaan niya yung sugat ko sa likod.
Anong ginagawa mo dito ?! Diba sinabi ng kuya mo na magpahinga ka---
Tumakas ako - proud na sabi ko sa kanya. Ayoko ngang mag stay sa hospital ang panget ng lasa ng pagkain nila dun---
Tiisin mo---
Eh sa ayoko eh bakit ba ?!---
Ang tigas talaga ng ulo mo tara na ! Ibabalik na kita sa lungga mo---
Promise me one thing - lumapit ako sa kanya at hinarap siya habang nasa ilalim kami ng itim na payong.
What ? - takang tanong niya. Napatingin ako sa lapida na tinitigan niya kanina. It was her mom. Napangiti naman ako at napatingin sa mga mata ni Ace.
Dadalhan mo ko ng lechong kawali - napangiti ako ng matamis at nag paawa effect pa ako para lang sundin niya ako.
Promise me one thing too - napasalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Lalo ng lumalakas ang ulan.
Dun na tayo sa kotse - aalis na sana ako ng yakapin niya ako sa likod. Nakayakap siya sa bewang ko at nakapatong ang ulo niya sa kabilang balikat ko.
You will marry me - napaharap ako sa kanya at magrereklamo na sana ako ng bigla niya akong halikan. Nabitawan ko yung payong dahil sa gulat kaya pareho kaming nabasa ng malakas na ulan pero hinayaan na lang namin yun. Ang importante ngayon bumalik na ang lahat.
Nilayo niya ng kaunti ang labi niya sa labi ko at tinitigan ako sa mata. I miss this look on his eyes. This happiness.
Heart pain will never be cured... unless ? - tanong niya sa akin habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. Napangiti naman ako at hinalikan siya saglit.
Unless I said yes - nakangiti kong sabi sa kanya at hindi naman makapaniwala ang mukha niya kaya napangiti rin siya at sabay kaming natawa.
I love you - I've been longing to hear this three words from him and now I wish it wouldn't last.
...
...
...
...
...
...
I love you my sky---
The End
BINABASA MO ANG
The Cry of the Sky
RomanceIt wasn't just us who are miserable. We are not alone. We we're never be alone. To hide our pain and to hide our tears the Cry of the Sky will always be there for us when we needed it the most.