Chapter 2

19 2 0
                                    

May problema kasi talaga ako - at ikaw ang problema ko. Tumawa na lang ako kaya nagsitawanan din naman sila pero ramdam ang pagiging awkward. So paano kayo nagkakilala ni kuya ? Pasyente ka ba niya o nurse ka ? - may halong panlalait ang tanong ko at halatang gusto na niyang umuwi pero mas pinili niyang ngumiti at sumagot.

Sa pharmacy ako nagtatrabaho---

Just like Mike diba mama ? - tumingin ako kay mama at tumango naman siya. Yung asawa ng bestfriend ko - tumingin ako kay kuya at ngumiti. Wala talaga siyang kaalam alam na niloloko lang siya nitong babaitang to ! Sarap upakan ! May kilala ka bang Mike ? - tanong ko sa kanya at halata namang kinabahan siya.

Malamang sa pharmacy din nagtatrabaho si kuya Mike at parehong hospital lang naman sila - sagot ni Michael kaya sinamaan ko siya ng tingin. Yumuko naman siya at kumain.

Ahh hindi ko kasi alam na pareho pala kayo ng hospital---

Sinabi ko na sa kanila kanina wala ka pa kasi - sagot niya naman tumango na lang ako at sumubo na ulit. Ang sarap po ng luto niyong sinigang mama - mama ?! What the heck ?!

Specialty niya yan sa sobrang sarap hindi mo deserved kainin--- napatawa naman ng malakas si kuya at Michael para sabihin kay Ari na nagbibiro lang ako. Si mama naman hinampas ako sa likod.

Mapagbiro talaga tong anak ko - pekeng tawa ni mama habang hinahampas ako.

Ang panget ng mga tawa niyo - asar ko sa kanila kaya tumawa naman si Ari. Mas pangit pala yung kanya.

---

Ano bang problema mo Justine ?! - galit na galit na sigaw ni kuya sa akin ng maihatid niya na si Ari sa tinutuluyan nito.

Ano bang problema niyong magkapatid ha ? - tanong naman ni mama. Inirapan ko lang si kuya at tinutulungan si mama na iligpit ang mga pinagkainan.

Si Justine kasi hindi na nirespeto si Ari - sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan pa. Padabog kong binitawan ang mga platong hawak ko na ikinatahimik nila.

Respeto kuya ?! EH IKAW NGA HINDI KA NA NIYA NIRESPETO EH ! - sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang galit ko. Bakit ba sabay sabay ngayon ang problema ?!

Wag mong sinisigawan ang kuya mo Justine !---

Ma ! Hindi niyo ba alam na cheater yang babaeng yan---

Kakakilala mo pa lang sa kanya Justine wag mo siyang inaakusahan---

Ako mismo ang nakakita kuya ! Pumunta ako sa bahay nila Kenya para komprontahin si Mike because I saw Ari and Mike ! Gusto mo ng proof ?! I will give you proof ! - nilabas ko ang phone ko at pinlay ang record.

That is not Ari - napanganga na lang ako dahil sa sinabi ni kuya.

Bakit hindi siya ang tanungin mo ?! - tumalikod na ako at padabog na pumasok sa kwarto ko.

Lagi na lang silang hindi naniniwala sa akin ! Kaya ayaw ko sa bahay na to eh ! Walang naniniwala sa akin kahit na may ebidensya ako pinagdududahan pa rin nila ako ! Ganun ba kahirap sa kanila na paniwalaan ako ?! Parang hindi nila ako kapatid aa !

Nagsuot ako ng jacket na may hoody kinuha ko ang wallet ko pati cellphone. Wala akong pakielam kung nakaheels pa ako dahil hindi pa ako nakakapagbihis. Binuksan ko ang bintana at sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Sinuot ko ang hood saka tumalon sa labas.

Lagi akong umaalis ng bahay kapag may problema at alam nilang kela Kenya ang punta ko pero this time hindi ako dun pupunta dahil may problema din sa kanila.

The Cry of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon