Chapter 15

12 2 0
                                    

Oh ? - sagot ko sa tawag.

Hindi ka umuwi sa condo kagabi nasaan ka ba kailangan ba ako ang maghahanap sa PA ko ? - ang kapal ng mukha nito ! Pinabayaan na nga kitang makipaglandian eh !

For your information Mr. Harper may sarili ding buhay itong PA mo ! Sa bahay ako dumiretso tinawagan ako ni mama eh bakit ba ! Tsaka may pasok na ako ngayon duuuh ! Palibhasa tapos ka ng mag aral ! Bye ! - sigaw ko at nanggigigil na binaba ang tawag saka dumiretso sa classroom namin. Student Athlete ako pero syempre required pa rin pumasok sa mga subject.

---

Sa wakaaass uwiaaan naa !!!! Gusto ko mang sumigaw ng malakas ay hindi pwede baka hindi pa ako pauwiin ni Prof. Menopause eh. Nung pinalabas kami ay nauna una na ako sa kanila.

Ms. Carver - napahinto ako ng tawagin ako ni Prof. Menopause.

Yes Ms. Kim ? - tanong ko sa kanya at lumapit naman ako.

The Interview and the article about Mr. Harper is good keep up the good work at balita ko ikaw ang piniling Personal Assistant ni Mr. Harper--- ayan na naman siya. Grab that opportunity ilalakad na ni Hannah bukas ang papers para sa renewal ng office niyo and dun sa website and channel niyo---

Yes mam Thank you po---

Dismiss - mabilis na akong naglakad paalis dahil cr na cr na talaga ako hindi ko na kaya. Mabilis akong pumasok sa isa sa mga cubicle. Nakahinga na ako ng maluwag ng mailabas ko na lahat ng tubig sa katawan ko char mamamatay ako kapag wala na akong tubig sa katawan.

Paglabas ko ay may nadatnan akong isang babaeng basang basa na akala mo tumalon sa swimming pool. Pinipiga piga niya pa yung damit para lumabas yung mga tubig. Napansin kong si Belle Avianna pala to. Binully na naman siguro siya. Kahit college na hindi pa rin nila maiwasang laitin ang babaeng to inggit kasi sila sa katalinuhan nito. Hindi niya ako magawang pansinin dahil busy siya sa basa niyang damit.

Here - inabot ko na lang sa kanya yung tennis uniform ko. That's my sportswear susuotin ko sana ngayon dahil may game ako - natahimik naman ako bigla dahil confused na confused talaga siya halaga sa mukha niya. Tennis ang laro ko ibalik mo na lang yan bukas ako nga pala si Tin magpalit ka na baka magkasakit ka pa - umalis na ako para hindi na siya makatanggi dahil basang basa na talaga siya.

Medyo madilim na din dahil malapit na mag alas syete ng gabi. Nagmamadali na akong lumabas ng university dahil siguradong hinahanap na ako ni coach. Pagagalitan na naman ako nun.

---

Oh - sabay abot ni Kenya sa akin ng sports bra.

Salamat - sabi ko na lang.

Nasaan ba kasi yung uniform mo ? - tanong niya habang nagpapalit ako. Nakaskirt naman ako kaya okay lang at nagsuot na lang ako ng sports bra.

Pinahiram ko - sagot ko na lang. Ng matapos na ako magpalit ay nagponytail na ako at nailagay ang cap na may butas sa gitna at kinuha yung raketa ko saka inayos ang sapatos ko. Sinong nagbabantay kay Hailey ?---

Dinala ko muna kay mama---

Wala ka bang trabaho ngayon ?---

Meron kaya nga aalis na ako eh eto na bye ! - paalam niya at umalis na.

Justine ! - rinig kong sigaw ni coach na nasa loob na ng field. Malaki ang tennis court at may iba ring nagtetraining. Tumakbo na ako palapit kay coach.

Coach---

Mag stretching ka na - sabi niya sa akin kaya nilapag ko muna ang raketa ko saka nagsimulang magstretching.

The Cry of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon