Chapter 12

7 2 0
                                    

Daldal - kahit bulong lang yun narinig ko pa din yun aa.

Anong sinabi mo ?! - inis na tanong ko sa kanya.

Sabi ko fine ! Enjoy your ice cream---

Talaga ! Enjoy your date slash breakfast meeting - inirapan ko na lang siya at sabay pa nga kaming padabog na sinara ang pinto ng kotse.

May balak ka bang sirain ang kotse ko ?! - ang kapal ng mukha !!!

May balak ka bang sirain ang kotse mo ?! - sagot ko rin sa kanya kahit na nasa magkabilaan kaming side ng kotse nagpapalitan pa rin kami ng masasamang tingin.

Excuse me po---

What ?! - sabay na sigaw namin sa babaeng nagsalita at natahimik naman siya dahil sa gulat. Biglang nagbago ang expression ni Ace kaya ako naman awkward na napangiti.

Sorry - sabi ko na lang at sinamaan ng tingin si Ace.

Sorry - sabi naman ni Ace.

It's okay Mr. Harper this way po - sabi naman nung babae. Sinamaan niya pa ako ng tingin bago umalis syempre hindi naman ako nagpatalo. Pagkaalis niya ay tumawid na ako at pumasok sa isang ice cream shop. Ang aga aga ice cream agad inatupag ko. Okay lang yan pampahyper din at pampadagdag ng energy.

Nawala ang kaninang inis ko at napalitan ng saya dahil sa nakita ko. Kuminang ang mga mata ko ng makita ang mga ice cream na nasa harapan ko. Nag order ako ng dalawang ice cream waffle at nagpadagdag ng toppings bumili na rin ako ng juice at tubig umupo ako sa malapit sa salamin sakto nakikita ko ang view kung saan nakapwesto si Jana at kay Ace.

Kinuha ko ang phone ko sa bag saka sila kinuhanan ng picture at sinend sa groupchat namin. Hindi ko muna sinend ang picture niya na kung paano siya matulog dahil surprise yun at pang blackmail ko na din sa kanya yun.

Justine:
HOY GOOD MORNING !!! UPDATE !!! UPDATE !!!
You sent a photo

Alam kong lagi silang online hindi na yata uso sa kanila ang mag offline eh simula nung mag umpisa ang Lite Art.

Hannah:
Hoy gago magsigising kayo magpapafiesta ako dahil maaga nagising si Justine !!!

Gago talaga to yun talaga ang inatupag.

Justine:
Gago trabaho na trabaho !!! Ako na ang dabest na PA kaya lubus lubusin niyo na !!!

Angel:
So pumayag ka na

Pinchy:
Good choice !

Gerry:
Galing ni Justine sinunod ang advice ko !

Terry:
Gago yan si Gerry wag niyo na pansinin

Hannah:
Unahin na nating ipost yung sinend ni Justine bago yung interview kilos na kilos !

Justine:
Galingan niyo magbabantay lang ako dito. Ah nga pala Janaiah Mendez and Ace Harper are having a breakfast meeting

Terry:
Whatever gagawan natin ng issue yan

Justine:
Bahala kayo basta kaaya ayang issue byyyeeee

Inoff ko na ang phone ko at nagsimula ng kainin ang inorder ko. Hindi ko na pinansin ang ginagawa nila dun sa date nila dahil wala naman akong pakielam basta kumakain ako dito pero hindi ko pa rin mapigilan maging chismosa kaya napatingin ako sa kanila.

The Cry of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon