Chapter 14

9 2 0
                                    

I'm sorry---

Ano bang meron bakit kayo nagsosorry sa akin na parang mamamatay na ako - patawa tawa ko pang sabi.

So bati na tayo ?---

Kagabi pa - sagot ko sa kanya.

PA ka na pala ni Ace---

Don't want to talk about it hindi magandang pakinggan binlackmail lang ako ng lalakeng yan - narinig ko namang tumawa siya.

Nagpa blackmail ka naman---

Shut up kuya no choice lang ako---

Darating si Jana mamaya is it okay with you ? - pagkatapos ko magluto ay humarap na ako sa kanya.

Oo naman bakit hindi ? Besides dapat nga siya ang mag alaga kay Ace dahil siya ang girlfriend - ouch ! Bakit ba masakit sa dibdib ? HAHAHA no way ! Bakit naman ako masasaktan. Ano ngayon kung jowa niya si Jana ? Kawalan ?! Duuuhh !!! Hindi naman ako inlove sa lalakeng yan ni hindi ko nga type yan eh kupal.

You can go home kung hindi mo kayang makita si Jana at Ace na magkasama---

Kuya - napatingin ako sa mga mata niya. Parang may ibang ibig sabihin yung sinabi niya. Kilala kita anong ibig sabihin niyang sinasabi mo ? - napakrus ako ng braso habang nakataas ang isang kilay at nakatitig sa kanya.

Justine kung ayaw mong masaktan ako syempre ayaw ko ring masaktan ka---

Oohhh ang sweet naman ni kuya - pang asar ko sa kanya habang nakangiti kahit pakiramdam ko hindi ako masaya. Eh kung saktan kaya kita dyan bakit naman ako masasaktan ?---

May nararamdaman ka bang masakit ? - biglang tanong niya sa akin.

H..ha ? - puso ko masakit. Wala naman okay na okay nga ako eh--- natigil kami ng biglang lumakas ang ulan sa labas. Bumagsak na naman ang luha ni sky.

Justine kuya mo ko at kilala kita kapag may hindi ka sinasabi sa akin basta nandito lang ako kahit may trabaho ako tatakbo ako papunta sayo para lang samahan ka kahit nga magkaaway tayo---

Kuya ang cheesy mo ! Kumain ka na nga lang ! - inabot ko na sa kanya yung plato at nilagyan yun ng kanin. Tumawa na lang naman siya. Alam niyang may hindi ako sinasabi sa kanya. Alam niyang nasasaktan ako. Alam niyang masakit at mabigat ang puso ko. Alam niyang gusto kong umiyak pero hindi ngayon.

Kamusta maging PA ? - tanong niya habang kumakain kami.

Okay lang nakakapagod pero wala akong karapatang magreklamo na pagod ako lalo na mas pagod yung boss pero hindi nagrereklamo nakakahiya naman diba---

Kaya nga ikaw ang mag alaga sa kanya eh---

Kuya nandyan si Janaiah para saan pa yung pagmamahalan nila kung hindi nila kayang alagaan yung isa't isa---

Justine wala ka na bang ibang maalala ? - napahinto ako pati sa pag nguya dahil sa tanong niya napatingin naman ako sa kanya ng may pagtataka. Bakit niya naman tinanong yan ?

May dapat pa ba akong maalala ?---

Hindi mo ba naaalala kung may boyfriend ka dati na hindi mo pinakilala sa amin---

Kuya !---

Okay fine pero seryoso wala ?---

Nagkajowa na ako ? As in ? Sigurado ka ?---

Hhmm oo eight years na sana kayo ngayon kung---

8 years ?! What the heck is that true love ?!---

The Cry of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon