Ngayon na lang ulit ako natuwang maligo sa ulan at maglaro sa ilalim ng malakas na ulan. Ang saya pala ng ganito kahit papaano nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. Napatingin ako kay Ace na nakatingin sa akin.
What ? - arte kong tanong sa kanya.
Nothing nakita ko lang na sumaya yung mga mata mo ng mga 3 seconds---
3 seconds lang ? - mabilis akong nagpulot ng putik at pinahid yun sa mukha niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumawa dahil sa itsura niya. Ang panget mo ! HAHAHAHAA !!!---
Nahiya naman ako sayo ! - sarcastic na sabi niya pero hindi ko na yun napansin dahil hindi ko na mapigilang tumawa ng tumawa.
Dapat lang mahiya ka - sagot ko naman. Huminto na ako sa kakatawa at inirapan na lang siya. Lumapit na ako sa may gripo para maglinis ng katawan at mukha dahil punong puno ako ng putik. Sumunod naman siya at binuksan ang katabing gripo. Pareho kaming nililinis ang katawan namin ng medyo humina ang kaninang malakas na ulan. Hindi ba titigil tong ulan ? - napatingin ako sa kanya.
Isang buwan ng ganyan yan hindi mo ba alam ? - umiling lang siya kaya humarap ako sa kanya. Bakit kararating mo lang ba dito ?---
Oo kagagaling ko lang sa airport nung may sumakay na isang baliw na babae sa taxi ko - grabe !
Taxi mo ?! - lumapit ako sa kanya dahil naalala ko na naman yung ginawa niya. Taxi ni kuyang driver yun ! Nagbayad ka lang para ihatid ka niya hindi naman sayo yung buong taxi ! - inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglilinis. At tsaka wala na akong masakyan eh---
Halata nga basang basa ka pa nun eh naalala ko---
Oo tuwang tuwa ka eh noh ?! Kaya pinalakasan mo pa yung aircon papansin ka din eh ! - sagot ko sa kanya dahil tumatawa siya ng maalala niya yung kalokohan niya. Sarap mong kutusan ! - babatukan ko na sana siya ng hawakan niya yung kamay ko. Bigla niya akong hinila palapit sa kanya.
Nagkasalubong kami ng tingin at hindi ko na maalis ang mga titig ko sa kanya. Ano patagalan ng titig ? Syempre ako mananalo ! Tss. Nilakihan ko pa ang mata ko para matakot siya ng bigla niyang ialis ang titig niya. Sabi na panalo ako eh.
Tara na baka magkasakit ka sisihin pa ako ni kyle - hinila na niya ako. Pinulot niya ang payong pati bag ko na hindi masyadong nabasa dahil saktong nalaglag yun sa ilalim ng puno.
Ano ba ?! - napasigaw ako ng ibato niya sa akin ang bag ko buti na lang nasalo ko kundi basang basa pati laman nito. Inirapan ko na lang siya saka sumunod sa kanya sa pinag parkingan niya ng kotse. May kotse naman kasi nagtaxi pa edi sana hindi ako banas sayo ! Haayystt.
Magpalit ka ng damit - binato niya naman yung t-shirt niya sa akin.
Bakit ba ang hilig mo mambato ! - inirapan ko na lang siya saka pumasok sa kotse niya at mabilis na nagbihis. Nakita ko siyang may kinausap sa phone niya hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ko na lang ang phone ko.
Nagpaalam na ako kay mama dyan ka na muna sa condo ni Ace pupunta si Ari dito para magdinner - WHAT THE HELL ??!!!
Napasuntok na lang ako sa upuan ng biglang pumasok si Ace.
Wag mo namang sirain ang kotse ko---
Tss - inirapan ko na lang siya ag tumingin na lang ako sa salamin dahil sa inis ko. Mas mabuti na nga ring hindi muna ako umuwi. Biglang nawala ang inis ko ng may maalala ako. May nang iwan na ba sayo ? - hindi siya tumingin sa akin dahil busy siya sa pagmamaneho. Naalala ko lang yung sinabi mo na alam mo rin yung pakiramdam na maiwan--- hininto niya ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Cry of the Sky
RomanceIt wasn't just us who are miserable. We are not alone. We we're never be alone. To hide our pain and to hide our tears the Cry of the Sky will always be there for us when we needed it the most.