Maayos naman na ako kuya aa tsaka nagthank you na ako ano pa bang gusto mo ?---
Yung sincere na thank you---
Wala ng sincere ngayon at kung ayaw mong umalis ako aalis na - tinalikuran ko na silang dalawa at mabilis na sumakay ng elevator. Sasara na sana ang pinto ng humabol si kuya.
Ano bang nangyari sayo---
Siya yung lalakeng nakasakay ko sa taxi na pinalakasan pa ang aircon eh alam niyang basang basa ako !!! - inis na sabi ko sa kanya at siya naman humagalpak lang sa kakatawa. Walang nakakatawa promise ! - sarcastic kong sabi at hinayaan na lang siyang tumawa. Pagkabukas pa lang ng elevator ay mabilis na akong lumabas.
Sandali lang ! - rinig ko pang sigaw ni kuya pero hindi ko na siya nilingon.
Bahala ka dyan dalian mo na ! - sigaw ko rin.
---
Hoy hindi ka pa kumakain bata ka !---
Ma late na ako ! - sigaw ko habang mabilis na nagsasapatos.
Wag mo ng kalimutan yung payong mo aa - inabot niya sa akin yung bag ko at agad ko naman yung sinabit sa akin.
Opo tsaka Ma malelate ako ng uwi mamaya dadaan pa ako sa orphanage para magturo okay ? - paalam ko kay mama.
Osige basta yung bilin ko wag kalimutan---
OPO MAAA ! - sigaw ko ng tumakbo na ako palabas ng bahay. Bwiset malelate na naman ako. Hindi na talaga ako iinom mag isa kailangan may kasama ako.
Tumakbo na ako pasakay ng bus at inscan ang card ko para makapagbayad saka umupo sa bakanteng upuan. Kinuha ko ang phone ko ng magring ito.
Oh kenya ?---
Justine nasaan ka na ? Kulang ng tao dito sa coffee shop maraming customer---
Papunta na basta wag mo sasabihin kay boss na nalate ako aa ililibre kita mamayang lunch---
As always sige na dalian mo na--- binaba na niya ang tawag ng may mapansin akong kulang. Feeling ko may kulang. Cellphone, Bag yung payong nasa coffee shop. Kinalkal ko yung bag ko at nandito naman lahat ng kailangan ko. Napansin kong hawak ko pa pala yung Bus Card. Kinapa ko yung wallet ko at nanlaki ang mata ko ng hindi ko to makapa. Shit ! Nasaan yung wallet ko ?! Kinalkal ko na ang buong katawan ko pati bag ko kinalkal ko na halos ibuhos ko na nga yung laman ng bag ko pero wala dun yung wallet ko
Saan ko ba yun nilagay ? Dala ko pa yun kagabi eh ! Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil hindi ko talaga...
Nasa condo nung Ace !!! No way ! Hindi na ako babalik dun. Si kuya kyle na lang pababalikin ko. Dinial ko yung number ni kuya.
Justine busy ako---
Teka lang kuya---
Ano ?!---
Yung wallet ko naiwan sa condo ni Ace pwede mo bang daanan mamaya---
May operation ako mamaya Justine late ako makakauwi---
Pero--- binaba na niya ang tawag kaya napasimangot na lang ako. Late din ako makakauwi mamaya. Huhuhu. Saan ako sasakay ?! Wala akong dalang pera ! Bus card lang ang dala ko eh 7pm wala ng bus !
Pupuntahan na lang kita dyan sa hospital kuya sabay na tayo umuwi--- text ko kay kuya tutal kaunting lakad lang naman ang hospital sa coffee shop.

BINABASA MO ANG
The Cry of the Sky
RomansaIt wasn't just us who are miserable. We are not alone. We we're never be alone. To hide our pain and to hide our tears the Cry of the Sky will always be there for us when we needed it the most.