Chapter 6

11 2 0
                                    

Kumuha na lang ako ng pwedeng tanghalian at bottled water pumunta ako sa counter para ipainit ang pagkain ko saka binayaran yung mga pinamili ko.

Miss - tawag ko sa kanya habang pinapainit niya yung pagkain. Napalingon naman siya sa akin saka lumapit.

Bakit po ? - mahinhin niyang tanong.

Anong lugar na ba to ? Bakit walang tao ? Tanghali na aa - casual kong tanong na parang feeling close kami.

Nasa dulo na po kayo ng city mam usually po nadadaanan lang to ng mga nagtatravel yung lumalabas ng Lianna City - paliwanag niya naman. Gaga ka Justine dinala ka nga talaga ng taxi driver sa 'kahit saan' nakakaloka ka ! Buti na lang pala namatay yung makina kundi nasa labas na ako ng city.

Ahh ganun ba wala bang dumadaan na taxi dito ? - tanong ko sa kanya.

Wala po mam private vehicles lang po ang dumadaan dito - huh ? Taxi kaya yung sinakyan ko.

Nakita mo ba yung sinakyan ko kanina taxi yun eh---

Wala po akong nakitang taxi mam itim na kotse po yung binabaan mo - OMG !!! Gaga ka ! Balak ko lang maglayas hindi magpakamatay ! Bigla tuloy ako kinabahan pero napawi rin kaagad ng marealize na safe naman na ako. Iniwan niya ako saglit dahil tapos ng painitin yung pagkain ko.

Thank you - sabi ko na lang sa kanya at kinuha yung pagkain saka umupo sa bungad para incase na may emergency nakikita ako ng babae. Habang kumakain napatingin ako sa wall clock at alas dose na ng tanghali. Biglang pumwesto yung babae sa kabilang table siguro break na niya kaya kinapalan ko na ang mukha ko at ako na ang tumabi sa kanya ang creepy kasi dalawa lang naman kami dito tas tahimik pa.

Mam - gulat na tawag niya sa akin.

Justine - nilahad ko ang kamay ko at tinanggap niya naman yun.

Nelle po - at nginitian niya ako. Halatang mahiyain siya aa itsura niya pa lang.

Ilang taon ka na ba ? - tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

21 - ooohh so magkaedad lang pala kami.

Same kaya wag mo na akong tinatawag na mam o kaya nag oopo ka sa akin nagmumukha akong matanda - natawa naman siya dahil sa sinabi ko kaya medyo natawa din ako. Ano to part time mo lang ? Next week pasukan na aa - parang alam kong nag aaral siya aa.

Nagpart time lang din ako tutal tagal pa ang pasukan sayang din ang panahon - sagot niya naman sa akin.

Pangdagdag tuition din buti nga cancel ang pasok ng mga elementary ngayong week eh - pagkwento ko naman sa kanya. Feeling close lang ako. Sorry ang daldal ko---

Okay lang yun buti nga may nakausap ako ngayon yung ibang customer hindi namamansin siguro dahil nagmamadali din sila - napatingin siya sa maleta na dala ko. Hinihintay mo ba sundo mo ? - tanong niya sa akin kaya napatawa naman ako. Mas okay ngang sa stranger ako nag oopen ng problema ko.

Naglayas ako sa amin---

H..huh ?! - medyo shock niyang reaction kaya nahinto siya sa pagkain niya. B..bakit ? - medyo nag aalangan pa niyang tanong.

Yung kuya ko kasi inuwi yung cheater niyang jowa sa bahay---

Paano mo naman nasabing cheater ?---

Nakita ko yung jowa ni kuya at asawa ng bestfriend ko na magkasama narinig ko pa nga pinag uusapan nila and super sweet pa nila - sagot ko sa kanya. Kaya nga lalong nag init ang ulo ko ng malaman na girlfriend pala ni kuya yung malanding yun - pagrarant ko sa kanya.

The Cry of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon