Chapter 18

9 2 0
                                    

Hoy Kyle ! Baka mamaya makalimot na naman yang kapatid mo ! Wag ka munang pumasok ngayon magpapacheck tayo sa doctor mo---

Talaga ma ?! - tuwang tanong ko dahil sa word na 'wag ka munang pumasok'

Bumalik na rin yung pagiging tamad mo - rinig kong sabi ni Michael kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ahh kaya pala nakita kitang nanunuod ng barbie---

ATE !!! - sigaw niya pero inawat siya ni mama kaya nagtawanan na lang sila habang inaasar ko si Michael.

---

AAAAAHHHHHHHH !!!! - sigaw ni kenya na umecho sa buong bahay nila. Napatakip naman si Mike sa tenga niya at si Hailey ay walang pakielam dahil naglalaro. TALAGAAA ???!!! - excited na tanong niya habang tumatalon talon pa.

Ang tanga mo ! - sigaw ko sa kanya at lumapit kay Hailey para guluhin siya. Pagtapos namin pumunta sa hospital dumiretso na ako dito para ibalita sa kanya yung good news at nagsorry na rin ako kay Mike.

Hoy hindi aa---

Oo na ! - inirapan ko na lang siya at ginulo na si hailey.

Ano ng balak mo ? - tanong niya sa akin sabay abot ng kape. Nasa kusina na kaming dalawa ngayon dahil pinapatulog na ni Mike si hailey. Umupo si kenya sa katapat na upuan habang nakatingin sa akin.

About ? - inosenteng tanong ko sa kanya.

Everything---

Just go with the flow but with a twist---

What twist ?---

Hindi na ako magpapakatanga---

Gawin mo ! - ngumiti naman siya kaya napangiti din ako. Nakapagdesisyon na ako. Ipagpapatuloy ko lang ang trabaho ko kay Ace let's see kung pinagsisisihan niya ba talaga yung ginawa niya sa akin pero hindi ibig sabihin nun na babalikan ko na siya.

Sige na aalis na ako - paalam ko sa kanya at lumabas na ng bahay nila. Sumakay na ako ng bus at bumaba sa bridget tower.

Good afternoon Ms. Justine we miss you ! - bungad na bati ng manager sa akin. Napaturo naman ako sa sarili ko. Ako mimiss nila ?

Ako talaga ? - natawa na lang sila dahil sa akin. Mukha ba akong clown ?

You're glowing Ms. Justine - sabi nung isang babae.

Ikaw rin naman aa - ngiti kong sabi. Sige na aakyat na ako aa - paalam ko sa kanila at sumakay na ng elevator. Hindi ko pa rin alam kung paano ko siya haharapin.

Nandito ako para sa trabaho ko at para malaman ang lahat. Ngayong wala ng kami wala na akong dapat ipag alala pa dahil may girlfriend na siya basta ang importante sa akin ngayon masaya ako sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko.

Bumukas ang elevator at sinuot ko ang nakakaloko kong ngiti at may trip na naman akong naisip na gagawin sa boss ko.

Pagbukas ko ng condo napakatahimik at halos hinahabol na ng vacuum, walis tingting, walis tambo, dust pan lahat na ng panglinis ang buong condo niya. Binaba ko ang bag ko at chineck ang schedule niya ngayon. Wala naman siyang sched pahinga niya ngayon at start na ng shooting niya sa friday. Okay ! Paglilinisin ko siya ng condo niya. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan ng kwarto niya at nakita siyang nasa kasarapan ng tulog.

Grabe ! Alas dose na ng tanghali tulog pa rin to--- nakita kong may mga bote ng alak na nakakalat sa sahig. Nag inom siya ? Mag isa ? Ano bang problema ng taong to ? Binuksan ko yung kurtina niya dahil sobrang dilim sa kwarto niya at napakalungkot ng vibe.

The Cry of the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon