PRIM
❝Saan masarap kumain?❞ tanong ko.
❝Mahal kapag mag-restaurant tayo. Gusto ko McDo.❞ sagot ni Kay.
❝Ako ang tinanong, P' Kay. Ako. Si Peak.❞ masungit na sambit naman ni Peak.
❝Hanggang kailan niyo ba balak mag-away? Ikaw Peak, hindi mo ba titigilan 'yang si Kay? Wala namang ginagawang masama.❞ pagsusungit ko.
❝Tsk, malay ko bang pinopormahan ka n'yang lalaking 'yan?!❞ kunot noong saad niya.
❝Gosh, Peak. You know I don't do boyfriends, right? Atsaka si Kay? Seryoso ka? Eh, kapatid turing ko d'yan?❞ sagot ko.
❝Awtsung.❞ napatingin ako kay Kay na umaktong nasaktan sa sinabi ko kaya't madrama niyang hinawakan ang dibdib niya. Pinanlinsikan naman siya ni Peak.
Hindi ko na sila pinansin at naglakad papasok sa department store. Tumingin-tingin muna ako ng damit do'n. Kinuha ko 'yong kulay pulang crop top, may design siyang bilog sa bandang gitna na makikita ang cleavage pero sakto lang. Tumingin rin ako ng mga maong ripped jeans, mas prefer ko ang high waisted jeans.
Napunta kami sa bikini area, agad kong napansin 'yong tatlo do'n. 'Yong kulay puti na may pa-cross sa bandang gilid ng underwear, it's perfect. Ang sunod ay kulay pula, hindi naman halatang mahilig ako sa pula, right? Pero kasi ang ganda. Simple lang siya pero maganda. Kinuha ko na din 'yong black na one piece, it's backless.
❝Nagpunta ka ba dito para mag-beach or what? 'Di mo naman kailangan n'yan.❞ I heard Kay whisper.
❝Gabi-gabi akong guguluhin ng utak ko kapag hindi ko 'to kinuha ngayon, you know me.❞ sambit ko, he sighed.
❝Ayan lang ba? Akin na.❞ kinuha niya 'yong basket sa 'kin. Nilibot ko muna ang paningin ko bago 'yon tumama sa mata niya. Tumango ako 'tsaka kami nag-lakad papuntang counter.
Bigla namang dumating si Peak na may hawak na denim at leather jacket.
❝Which one do you like, P' Prim?❞ he asked.
❝Both.❞ sagot ko. He nodded 'tsaka n'ya binayaran 'yon sa counter.
Duh, why choose one when you can choose both? Para sa akin rin naman 'yong dalawang 'yon.
❝Let's eat, I'm hungry.❞ saad ni Kay, agad naman kaming lumabas ng dept store at pumasok sa isang restaurant.
❝No choice, puno sa McDo.❞ pang-aasar ko kay Kay.
❝Puno sa McDo.❞ he mocked me, iniba pa ang boses. Nakita ko namang napairap si Peak.
❝Pumunta na kayo bukas sa school, kunin n'yo schedules at uniforms n'yo. Tapos libutin n'yo na din para sa first day n'yo alam n'yo kung saan kayo magpupupunta, P'.❞ tinanguan ko si Peak.
❝Alam mo ba kung anong section kami?❞ tanong ko.
❝Hmm, marami akong kakilala sa section n'yo.❞
❝You mean, magkaklase kami ni Kay?❞ tumaas ang kilay ko.
❝Yeah,❞ napangiti ako.
❝By the way, how's your squad?❞ pag-iiba ko ng topic, habang busy kumain si Kay.
❝Still the same, miss ka na daw nila,❞
❝Nino?❞ tanong ko.
❝'Yong mga anak-anakan mo, pati sila Yunseong.❞ I bit my lower lip.
Yunseong. He's my ex, pero naging mag-bestfriend kami. Kaso nagkalabuan ulit bago 'ko bumalik sa Thailand, inamin n'ya kasing hindi pa s'ya nakakamove on kahit napag-usapan na namin 'yon. Pati si Midam, nagkagulo kaming tatlong nagkakaibigan dahil sa pag-amin ni Seong. Hindi ko naman s'ya sinisisi, nakakapang-hinayang lang.
❝Ah, si Seungyoun rin pala.❞ he added. My lips parted as I heard his name. My heart skipped a beat.
Cho Seungyoun..
YOU ARE READING
√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛
Humor❝ฉันรักคุณ, Luizy.❞ Iɴ ᴡʜɪᴄʜ Pʀɪᴍ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ᴋɴᴏᴡ ᴛʜᴇ ʀᴇᴀsᴏɴ ᴡʜʏ sʜᴇ sᴜᴅᴅᴇɴʟʏ ʟᴇғᴛ ʜɪᴍ ʙᴇʜɪɴᴅ ᴇᴠᴇɴ ɪғ ᴛʜᴇʏ ʜᴀᴅ ᴀ ɴᴏᴛ-sᴏ-ᴄᴀʟʟᴇᴅ-ᴘᴀsᴛ-ʀᴇʟᴀᴛɪᴏɴsʜɪᴘ, ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ sʜᴇ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ɢᴇᴛ ʜᴜʀᴛ ᴀɢᴀɪɴ ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ ᴏғ ʜᴇʀ.