16.

16 1 0
                                    

PRIM

Napatingin ako sa pinto nang marinig na bumukas ito, hoping na si Kay 'yon. Hindi ako nabigo, nakayuko siyang pumasok at naglakad palapit sa akin. Mukhang may tinatago sa likod.

❝Kay,❞ agad akong yumakap sa kaniya at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya. Ayokong makita niya 'kong umiiyak.

❝Bakit ka umiiyak? Nababasa leeg ko,❞ malamig na sambit niya na mas lalong nagpaiyak sa akin kaya't mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.

❝I'm sorry. I'm sorry, Kay. Hindi ko na uulitin, hindi na 'ko magsisinungaling, please forgive me,❞ mahinang saad ko. Narinig ko ang pag-buntong hininga niya.

❝Punasan mo luha mo,❞ agad ko siyang sinunod. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at humarap sa kaniya.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya tumulo ulit ang mga luha ko.

❝I'm sorry na, Kay, anong gusto mong gawin ko?❞ nakangusong sambit ko.

❝Stop crying,❞ katulad nung sinabi niya, tumigil ako sa pag-iyak. Yumuko ako dahil nahihiya ako sa kaniya. ❝Look at me,❞

Inangat ko ang ulo ko at bahagyang umuwang ang labi nang makitang nakangiti na siya, at nakatapat sa akin ang isang bouquet ng roses.

❝Sorry rin, Prim. Hindi dapat kita hinayaang mag-isip ng kung anu-ano,❞ kinuha ko sa kaniya ang bulaklak 'tsaka siya tinignan ng masama. ❝Oh, galit ka?❞ tumaas ang isang kilay niya.

Napanguso ako, ❝No,❞

❝Huwag mo nang ulitin,❞ sabi niya habang hinahagod ang buhok ko. Mabilis ko siyang tinanguan at niyakap ulit.

Napangiti ako nang maramdamang niyakap niya 'ko pabalik. He's the best.

Ang akala ko'y mahihirapan ako sa panunuyo sa kaniya, pero siya pa 'tong nag-abalang bigyan ako ng bulaklak.

❝Mag-hilamos ka na, ang pangit mo. Papasok kang gan'yan mata mo?❞ utos niya sa 'kin.

❝Oo na boss, parang kanina lang ako 'yong amo 'mo, ah? Bilis naman magkapalit,❞ sarcastic na saad ko.

❝Oh? Aarte ka? Dalian mo, maliligo pa 'ko, naambunan ako 'no.❞ aniya 'tsaka ako tinulak papasok sa C.R.

I did my routine, binilisan ko para makaligo agad si Kay, kapag nagkasakit 'to, ako din ang kawawa sa pag-aalaga sa kaniya dahil sigurado akong gagawin niya 'kong utusan.

❝What's your plan for tomorrow?❞ rinig kong tanong niya pagkalabas na pagkalabas niya ng C.R, umupo siya sa tabi ko.

Nanonood ako ng netflix, wala 'kong magawa bukod sa tapos ko na mga assignments ko.

❝'Di ko pa sure, why?❞

❝Date tayo pag-uwi,❞ diretsong saad niya.

❝Hmm, sige, kung wala 'kong gagawin.❞ tinanguan niya 'ko.

It's not a date as in DATE. 'Date' lang talaga ang term namin kapag mag-gagala kaming dalawa.

❝Hindi tayo nakapag-dinner kanina,❞ natatawang saad niya nang ihiga ko ang ulo ko sa lap niya.

❝Are you hungry? Ipagluluto kita,❞

❝No, are you?❞ umiling ako.

❝Wala akong gana,❞ sagot ko.

Edi tara, tulog,nakangising saad niya habang inaabot ang remote para patayin ang TV 'tsaka niya 'ko binuhat papasok sa kwarto ko.

Goodnight Kay, sweet dreams!saad ko pagka-hagis niya sa akin sa kama. ❝Why? Dito ka matutulog?tanong ko nang maramdamang tumabi siya sa akin.

Hindi na siya nag-salita at yumakap na lang sa 'kin bago tuluyang pumikit.

√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛Where stories live. Discover now