PRIM
❝Prim, are you really okay?❞ tanong ni Seungyoun nang mapansing naging balisa ako.
❝Ah, Seungyoun, can we just talk about the project tomorrow? May kailangan pa kasi akong gawin,❞ kailangan kong makausap si Kay as soon as possible, ayokong mag-away kami. Lalo na't nagsinungaling pa 'ko sa kaniya na si Rajin ang pupuntahan ko.
❝Pero wala pa tayong nasisimul-❞
❝Seungyoun I really need to go,❞ huling saad ko bago lumabas ng starbucks at naglakad papuntang parking lot.
Agad akong sumakay sa kotse at pinaharurot 'yon pauwi sa condo, malas ko lang nang biglaang umulan kung kaya't dapat kong bagalan ang pagdadrive para makaiwas sa aksidente.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag lumalim 'yong tampo sa akin ni Kay, hindi ko alam. Sigurado na 'kong galit siya dahil ang ayaw niya sa lahat, nagsisinungaling. Last na nagsinungaling ako sa kaniya, hindi niya 'ko pinansin buong buwan.
Nang makarating ako sa floor ng condo, agad na akong tumakbo para makapasok do'n pero laking gulat ko nang wala akong madatnang Kayavine sa loob.
Sinilip ko siya sa kwarto niya, sa kwarto ko, sa mini library, maski sa C.R pero wala akong nakitang Kayavine.
❝Fuck,❞
Tinry kong tawagan ang phone niya pero hindi siya sumasagot. Naiiyak na 'ko, pinakaayaw ko sa lahat ay ang nagagalit sa akin si Kay.
❝Fucking answer your fucking phone, fuck,❞ mahinang bulong ko sa sarili habang nasa labi ang kuko ng daliri ko.
❝Putangina Kay where the hell are you?!❞ sigaw ko at binato sa sofa ang cellphone.
Nagsimula na 'kong umiyak, iniisip kung saan siya pwedeng pumunta. Hindi siya gaanong pamilyar dito sa mga lugar sa Seoul, paano kapag nawala 'yon?
Hindi ko kaya.
Nasaan ba ang pandak na 'yon?
Naupo ako sa sofa at napahilamos ng mukha, agad kong kinuha ulit sa tabi ko ang cellphone para tawagan si Peak.
❝N-nong,❞ nanginginig ang boses ko nang sagutin niya ang tawag. ❝Peak, si Kay,❞ hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil naguunahang pumatak ang mga luha ko.
❝Bakit? Anong nangyari kay P'Kay? Umiiyak ka ba? P' Prim?❞ sunod sunod na tanong nito. Hindi ako nakasagot agad. ❝P' Prim, anong nangyayari?❞ dagdag pa niya.
❝Hindi ko alam kung nasaan si Kay, pero sure akong g-galit siya sa a-akin,❞ hindi ko napigilan ang mga hikbi ko. ❝Nong ayokong nagagalit siya sa akin, natatakot ako.❞
Natatakot akong iwan niya 'ko, dahil bukod kay Peak, si Kay lang ang meron ako na sobrang malapit sa akin.
❝Stop crying, tatawagan ko siya, kumalma ka na, okay?❞ tumango ako kahit na alam kong hindi niya 'ko nakikita. I ended the call.
Napahilamos na lang ulit at pinunasan ang luha.
Kay, umuwi ka na.
YOU ARE READING
√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛
Humor❝ฉันรักคุณ, Luizy.❞ Iɴ ᴡʜɪᴄʜ Pʀɪᴍ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ᴋɴᴏᴡ ᴛʜᴇ ʀᴇᴀsᴏɴ ᴡʜʏ sʜᴇ sᴜᴅᴅᴇɴʟʏ ʟᴇғᴛ ʜɪᴍ ʙᴇʜɪɴᴅ ᴇᴠᴇɴ ɪғ ᴛʜᴇʏ ʜᴀᴅ ᴀ ɴᴏᴛ-sᴏ-ᴄᴀʟʟᴇᴅ-ᴘᴀsᴛ-ʀᴇʟᴀᴛɪᴏɴsʜɪᴘ, ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ sʜᴇ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ɢᴇᴛ ʜᴜʀᴛ ᴀɢᴀɪɴ ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ ᴏғ ʜᴇʀ.