SEUNGYOUN
Nanatili ako ng halos dalawang oras kung saan ako iniwan ni Prim. Hindi ko alam kung maniniwala ba 'ko o ano pero base sa inakto niya, totoo lahat 'yon.
Pero mas gusto kong malaman lahat mula kay Hyeseo. Hindi ko hahayaang mawala sa akin si Prim dahil lang sa isang pagkakamali.
Pagkakamaling pag-sisisihan ko habang buhay.
❝Totoo ba?❞ galit na tanong ko kay Hyeseo pagkapasok ko sa condo niya. Gulat siyang tumingin sa akin.
❝Ang alin, Luizy?❞ nagtatakang tanong niya.
❝Huwag mo 'kong tawaging Luizy,❞ sigaw ko.
❝Hey what's your problem ba?❞ tanong pa niya.
❝Binully mo ba si Prim?❞ hindi siya nakasagot. ❝Sumagot ka!❞
❝That was years ago!❞
❝Putangina.❞
❝Seungyoun listen to me--❞ she was about to explain pero pinigilan ko na siya.
❝Wala na 'kong pakikinggan pa mula sa 'yo.❞ madiing sambit ko.
❝Ginawa ko lang naman 'yon kasi gusto ko akin ka lang! Nagse-selos ako kasi sobrang lapit niyo sa isa't isa!❞ sambit niya.
❝Eh putangina bakit mo 'ko hiniwalayan?!❞ sigaw ko.
❝B-because,❞
❝Kasi lumandi ka sa iba, hindi ka na-kuntento sa akin.❞ sigaw ko pa.
❝Seungyoun hindi!❞
❝Tangina ano?!❞
❝I fell out of love,❞ sagot niya.
❝Edi bakit mo pa 'ko binalikan?!❞
❝Because I realized na hindi ko kayang wala ka sa akin! Nag-sisi ako!❞
❝Kaya kay Prim ka bumawi? Sa tingin mo tama 'yon? Lawyer ang parents mo, what the fuck, Hyeseo!❞ hindi ko na napigilan ang galit ko at napasuntok sa pader.
❝I'm sorry..❞ umiiyak na sambit niya.
❝Hindi ka sa akin dapat mag-sorry, kay Prim ka humingi ng tawad.❞ nanggigigil na saad ko.
Agad na 'kong umalis ng condo niya. Tinawagan ko si Prim pero hindi ko ma-contact. Hindi ko alam kung nakapatay ang phone niya o ano.
Binuksan ko ang fb at messenger, active 3 hours ago na si Prim. Napansin ko agad ang post niya.
Tangina, anong ginagawa niya sa airport?!
Agad akong sumakay ng taxi papunta doon, siguro nga totoo 'yong sinabi nila Wooseok na aalis na sila Prim pabalik ng Thailand.
At dapat una pa lang, inalam ko na lahat ng dahilan kung bakit siya umalis noon.
Tangina naman, Cho. Nasa 'yo na, pinakawalan mo pa. Binalikan ka na, pinahalagahan mo ba?
Nang makarating, agad akong pumasok sa airport pero hindi nila 'ko pinalagpas hanggang doon sa harang. Nakita ko sila Seungwoo sa isang gilid, agad naman akong lumapit sa kanila.
❝Seungwoo!❞ sigaw ko. Napatingin naman agad sila sa akin na may halong gulat. ❝Si Prim, nasaan si Prim?!❞ tanong ko agad nang makalapit sa kanila.
Hindi siya nakapag-salita agad.
❝Tinatanong kita, nasaan si Prim?!❞ hindi ko na napigilan huwag sumigaw.
Marahan niyang tinanggal ang mga kamay kong nakahawak sa braso niya. May kinuha siya sa bulsa niya at ipinakita sa akin ang isang kwintas na may singsing na nagsisilbing pendant nito.
Ito 'yong binigay ko kay Prim. Anong ibig sabihin nito?! Naguguluhan kong tinignan si Seungwoo.
Inabot niya sa akin 'yong phone niya na may nakasaksak na earphone, kinuha ko 'yon. Binuksan niya ang phone niya at inopen ang sound recorder. Sinuot ko sa magkabilang tenga ang earphones 'tsaka nag-play 'yong audio.
❝Paano ka magpa-paalam sa kaniya?❞ rinig ko ang boses ni Seungwoo.
❝Alam ko na,❞ malumanay na sambit ni Prim.❝3 days from now, aalis na kami ni Kay,❞
Natahimik sila saglit.
❝I want you to give that to Seungyoun, pagka-alis na pagka-alis ng eroplano namin, and then,❞ saad ni Prim.
Kinuha ko kay Seungwoo ang kwintas.
❝Hmm. And then?❞ rinig kong tanong ni Seungwoo.
❝Sabihin mo sa kaniya, ibigay niya 'yan sa babaeng mamahalin niya, at mamahalin siya habang buhay.❞
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang marinig 'yon. Nanatili akong nakatitig sa kwintas na hawak ko.
Hindi pwede 'to. Malaki na 'yong pagkakamaling nagawa ko kay Prim, pero sa huli ako pa din 'yong inisip niya.
Paano ko ibibigay sa iba 'to, kung ikaw lang 'yong babaeng mahal na mahal ko?
end.
YOU ARE READING
√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛
Humor❝ฉันรักคุณ, Luizy.❞ Iɴ ᴡʜɪᴄʜ Pʀɪᴍ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ᴋɴᴏᴡ ᴛʜᴇ ʀᴇᴀsᴏɴ ᴡʜʏ sʜᴇ sᴜᴅᴅᴇɴʟʏ ʟᴇғᴛ ʜɪᴍ ʙᴇʜɪɴᴅ ᴇᴠᴇɴ ɪғ ᴛʜᴇʏ ʜᴀᴅ ᴀ ɴᴏᴛ-sᴏ-ᴄᴀʟʟᴇᴅ-ᴘᴀsᴛ-ʀᴇʟᴀᴛɪᴏɴsʜɪᴘ, ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ sʜᴇ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ɢᴇᴛ ʜᴜʀᴛ ᴀɢᴀɪɴ ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ ᴏғ ʜᴇʀ.