PRIM
❝Ano 'yan, para sa 'kin ba 'yan?❞ tanong ni Luizy pagkalapit niya sa table ko. Tinutukoy niya 'yong isang bouquet ng bulaklak na nasa tabi ko.
❝Binigay sa 'kin,❞ sagot ko. Agad namang nagsalubong ang kilay niya.
❝Sinong nag-bigay?❞ he raised his left brow. Iba na ang timpla ng mukha niya sa kanina.
❝A.. suitor,❞ pang-aasar ko at ngumisi. Mas lalong sumeryoso ang itsura niya.
❝Who?❞ he asked.
❝Why? Hindi mo naman kailangang malaman,❞ nakangising sagot ko.
❝Who gave you the flowers?❞ may diing tanong niya. Natawa na lang ako at inikot ang paningin ko sa cafeteria, hinahanap ang nag-bigay sa akin.
Nakita ko ang lalaki sa hindi kalayuan, nakatitig siya sa akin at para bang nahihiya.
❝Siya,❞ inginuso ko 'yong lalaki bilang sagot kay Luizy.
Agad namang tumayo si Luizy sa kinauupuan niya at mabilis na naglakad papunta doon.
Mabilis ko naman siyang sinundan doon para pigilan pero huli na ang lahat dahil kinakausap na niya si Hyun Tae.
❝Stop giving her flowers, don't you even try to court her,❞ inis na sambit ni Cho. Ang dami nang nakatingin sa amin, nakakahiya!
❝Why not?❞ laban naman ni Hyun Tae.
Hinatak ako ni Cho palapit sa kaniya.
❝Nakikita mo 'to?❞ pinakita niya 'yong singsing na nasa daliri niya at 'yong kwintas ko. ❝She's my wife, back off,❞
Agad ko na siyang hinila paalis doon at bumalik sa table namin para kunin ang bag at ibang gamit ko.
Kinuha niya sa akin ang bag ko at ang mga hawak kong libro 'tsaka niya hinawakan ang kaliwang kamay ko.
❝Why did you do that?❞ I asked him. Naglalakad na kami papunta sa room.
❝Balita ko marami kang natatanggap na gan'yan, nasaan 'yong iba?❞ he's obviously talking about the gifts na binibigay sa akin ng admirers ko.
❝Nasa locker ko, why?❞
❝Itapon mo,❞
❝Why would I do that?!❞ kunot noong tanong ko. Huminto kami sa paglalakad.
❝Kasi akin ka lang,❞
Natawa ako ng mahina.
❝Gago, ni-hindi nga tayo.❞ sambit ko. Tinignan niya lang ako sa mata 'tsaka kami naglakad ulit hanggang sa makaabot sa room.
YOU ARE READING
√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛
Humor❝ฉันรักคุณ, Luizy.❞ Iɴ ᴡʜɪᴄʜ Pʀɪᴍ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ᴋɴᴏᴡ ᴛʜᴇ ʀᴇᴀsᴏɴ ᴡʜʏ sʜᴇ sᴜᴅᴅᴇɴʟʏ ʟᴇғᴛ ʜɪᴍ ʙᴇʜɪɴᴅ ᴇᴠᴇɴ ɪғ ᴛʜᴇʏ ʜᴀᴅ ᴀ ɴᴏᴛ-sᴏ-ᴄᴀʟʟᴇᴅ-ᴘᴀsᴛ-ʀᴇʟᴀᴛɪᴏɴsʜɪᴘ, ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ sʜᴇ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ɢᴇᴛ ʜᴜʀᴛ ᴀɢᴀɪɴ ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ ᴏғ ʜᴇʀ.