PRIM
❝Krystal, huwag mong hayaang makainom ng marami sila Athena at Kate, okay?❞ saad ko. Tumango lang siya.
❝Try ko, alam mo namang 'di papaawat 'yang dalawa.❞ natatawang sambit niya.
❝Oo nga pala, binilhan ko kayo ng regalo. Kunin niyo na lang sa kwarto ko bago kayo umalis mamaya.❞ pagpapaalala ko.
❝Para saan naman 'yon?❞ naguguluhang tanong ni Rajin.
❝Wala lang,❞ Farewell gift.
Baka hindi na 'ko bumalik dito, kung babalik man paniguradong bakasyon lang.
❝May iba sa 'yo ngayon,❞ si Athena.
❝Anong iba? Gaga ka ba?❞ saad ko.
❝Alam na namin, huwag ka nang mag-sinungaling.❞ napatingin ako kay Kate. ❝Ingat kayo, Prim,❞
Nagsisimula nang manlabo ang paningin ko.
❝S-sorry,❞ pag-hingi ko ng tawad. ❝Sorry kasi, kakabalik ko lang, iiwan ko na naman kayo ulit,❞ kinagat ko ang ibabang labi ko, pinipigilang humikbi.
❝Naiintindihan namin, kung anong makakabuti sa 'yo, doon kami,❞ naiiyak na sabi ni Krystal.
❝Ingat kayo dito, ha? Balitaan niyo na lang ako kapag may mga jowa na kayo,❞ natatawang saad ko.
❝Ikaw, magjo-jowa ka pa?❞ tanong ni Rajin. Nginitian ko lang siya 'tsaka ako umiling.
❝Takot na 'kong mag-mahal ulit,❞ sagot ko. ❝Siguro oo, pero hindi ngayon. Kasi hindi pa ito 'yong tamang oras.❞
Napabuntong hininga ako. Pinagiisipan kung magpapaalam kay Seungyoun o hindi na. Napahawak ako sa dibdib ko para makapa ang singsing.
❝Hindi ka pa magpapaalam kay kuya?❞ tanong ni Rajin.
❝Pinagiisipan ko pa, hindi ko alam kung paano magpapaalam sa kaniya.❞ sagot ko.
❝Gusto mo ba siyang makausap?❞ tanong pa niya.
❝Sa school na lang siguro, may 3 days pa naman, e,❞ mas lumungkot ang boses ko.
Hindi ko alam na ganoon lang kabilis ang natitirang tatlong linggo. Kung pwede lang bagalan ang oras, nagawa ko na. May kulang, e.
Kinabukasan, maaga akong pumasok para pumunta sa locker hall. Punong-puno na naman 'yon ng kung anu-ano. Mami-miss ko 'yong ganito, nasusurpresa ako kasi hindi ko alam kung gaano kadami o kakonti ang bubungad sa akin.
Nilagay ko sa bag ko lahat, nag-kasya naman. Hiniwalay ko ang mga letters. Ang effort naman ng mga lalaking 'to, ni-hindi ko nga na-try na gumawa ng letter para sa isang tao, e.
Bumalik na ako sa room at umupo sa pwesto ko. Binasa ko isa-isa 'yong mga letter na binigay nila sa akin.
Natatawa na lang ako habang binabasa 'yong mga 'yon, ang daming corny pero na-appreciate ko naman. Nag-effort sila dito, e.
❝Aalis ka ba talaga?❞ napatingin ako sa nagsalita. Si Seungwoo. Naupo siya sa tabi ko.
❝Oo, kailangan. Miss na miss ko na din Thailand, e. Hindi ko pala kayang malayo doon, lalo na sa mga kaibigan ko doon,❞ nakangiting sambit ko.
❝May kaibigan ka din naman dito,❞ sagot niya.
❝Papipiliin mo pa ba 'ko, Seungwoo?❞ natatawang tanong ko. Natawa na lang rin siya dahil wala namang patutunguhan ang pinaguusapan namin.
❝Paano ka magpa-paalam sa kaniya?❞ he's talking about Seungyoun.
❝Alam ko na,❞ tinanggal ko 'yong kwintas mula sa leeg ko at inabot 'yon sa kaniya.
Nagtataka man ay kinuha niya 'yon 'tsaka tinitigan. Umiwas pa ng tingin na animo'y nay naalala. Siguro 'yong kwintas rin ni Seungyoun.
❝3 days from now, aalis na kami ni Kay,❞ sambit ko. Tumango naman siya. ❝I want you to give that to Seungyoun, pagka-alis na pagka-alis ng eroplano namin, and then,❞
❝Hmm. And then?❞ pag-aabang niya sa sasabihin ko.
❝Sabihin mo sa kaniya, ibigay niya 'yan sa babaeng mamahalin niya, at mamahalin siya habang buhay.❞
YOU ARE READING
√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛
Humor❝ฉันรักคุณ, Luizy.❞ Iɴ ᴡʜɪᴄʜ Pʀɪᴍ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ᴋɴᴏᴡ ᴛʜᴇ ʀᴇᴀsᴏɴ ᴡʜʏ sʜᴇ sᴜᴅᴅᴇɴʟʏ ʟᴇғᴛ ʜɪᴍ ʙᴇʜɪɴᴅ ᴇᴠᴇɴ ɪғ ᴛʜᴇʏ ʜᴀᴅ ᴀ ɴᴏᴛ-sᴏ-ᴄᴀʟʟᴇᴅ-ᴘᴀsᴛ-ʀᴇʟᴀᴛɪᴏɴsʜɪᴘ, ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ sʜᴇ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ɢᴇᴛ ʜᴜʀᴛ ᴀɢᴀɪɴ ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ ᴏғ ʜᴇʀ.