PRIM
❝Guys, sinabi na ni Miss Kang sa 'kin 'yong magkaka-partner para sa project,❞ sigaw ni Minkyu pagkapasok na pagkapasok sa room. ❝Makinig kayong mabuti, hindi ko 'to uulitin.❞
It's my 2nd week, project agad ang binungad sa akin. Not that I'm complaining.
❝Okay, Pres,❞ sigaw ng mga kaklase ko.
❝Krystal and Somi, punta kayo dito sa harap,❞ Minkyu said. Agad namang pumunta sa harap ang dalawa 'tsaka kinuha ang inassign sa kanila. ❝Yunseong, Wonjin.❞
Sana lang ay hindi masyadong mahirap ang i-assign sa amin ng kung sinuman ang magiging partner ko.
❝Kayavine and,❞ please, not me. ❝Midam.❞
Napabuntong-hininga ako, hindi naman sa ayaw kong makapartner 'yang unggoy na 'yan, kundi sa alam kong puro pang-aasar lang ang gagawin niya sa akin.
❝Seungyoun, ay puta,❞ napatingin ako kay Minkyu na nakatingin kay Luizy. ❝Ehem, Seungyoun and Prim. Ehem.❞ nanlaki ang mata ko.
What the fuck?
Mas gugustuhin ko na lang 'atang mapikon sa pang-aasar ni Kay buong araw 'kesa sa maka-partner ko si Cho.
I know he's the main reason kung ba't ako bumalik dito, BUT I'M NOT YET READY TO TALK TO HIM. Alam ko ding dapat matagal na 'kong handa dito but fuck, bakit nagkakaganito?
❝Prim? Go get your project,❞ napatingin ako kay Krystal. Naka-kunot na ang noo niya at mukhang kanina pa 'ko tinatawag.
❝A-ah, yeah,❞
Agad na 'kong tumayo at dahan-dahang pumunta sa harapan. Iniiwasan ang mga mata ni Luizy.
❝Ehem, ito 'yong pinapagawa sa in'yo, ehem,❞ mukhang tangang sambit ni Kyu 'tsaka niya pinabasa sa amin 'yong inassign na project para sa amin. ❝Ehem, okay na?❞
❝May ubo ka? You should take some meds,❞ nagsalubong ang dalawang kilay ko. ❝May dala ako, gusto mo?❞
❝No thanks, I'm fine.❞ dire-diretsong sabi niya. Nanatiling magkasalubong ang kilay ko.
I heard someone quietly laughing, probably Luizy. Nakaramdam naman agad ako ng pagkailang kaya't agad na 'kong umalis doon papunta sa upuan ko.
❝Iba tingin sa 'yo ni Kuya, ah?❞ nabaling ang tingin ko kay Rajin, nakangisi at mukhang nang-aasar.
❝Shut up,❞ she chuckled.
❝Well, he's actually staring at you right now. Don't look, though,❞ napanguso siya. Nag-intay muna ako ng ilang segundo bago dahan-dahang binalingan ng tingin si Luizy.
Nagsalubong ang mata namin pero agad siyang umiwas, at ngumisi. Umiwas na din ako ng tingin at biglang pumasok sa utak ko ang tungkol sa project.
Kailangan ko siyang kausapin about doon. Pero ayokong mag-first move, duh.
❝Hoy, halos lahat kami pinag-uusapan na 'yong project with our partners, kayo na lang ni Cho ang hindi,❞ sambit ni Krystal pagkaupo namin sa isa sa mga tables sa cafeteria.
❝I don't do first moves,❞ maikling sagot ko.
❝Taas ng pride, sis. 'Di ko ma-reach,❞ umakto pang tumingin sa taas si Kate at tinuro pa 'yon.
❝Whatever,❞
Katulad ko, may lahi din si Kate, same with Athena and Krystal. They're actually cousins. They're half-canadian na pare-parehong lumaki sa Korea. Ang pagkakaiba lang namin, 10 years old ako nang nag-aral dito sa Seoul, sila naman since birth pero nag-aral sila sa Chicago when they were 5-9 years old. Si Rajin lang ang pure korean. Halos sabay sabay lang rin kami kaya't close na close kami ngayon.
❝Project isipin mo, girl,❞ natatawang saad ni Krystal. ❝Mataas na pride, o mataas na grade?❞
YOU ARE READING
√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛
Humor❝ฉันรักคุณ, Luizy.❞ Iɴ ᴡʜɪᴄʜ Pʀɪᴍ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ᴋɴᴏᴡ ᴛʜᴇ ʀᴇᴀsᴏɴ ᴡʜʏ sʜᴇ sᴜᴅᴅᴇɴʟʏ ʟᴇғᴛ ʜɪᴍ ʙᴇʜɪɴᴅ ᴇᴠᴇɴ ɪғ ᴛʜᴇʏ ʜᴀᴅ ᴀ ɴᴏᴛ-sᴏ-ᴄᴀʟʟᴇᴅ-ᴘᴀsᴛ-ʀᴇʟᴀᴛɪᴏɴsʜɪᴘ, ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ sʜᴇ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ᴡᴀɴᴛ Sᴇᴜɴɢʏᴏᴜɴ ᴛᴏ ɢᴇᴛ ʜᴜʀᴛ ᴀɢᴀɪɴ ʙᴇᴄᴀᴜsᴇ ᴏғ ʜᴇʀ.